Naging walang emosyon si Arak sa mga oras na ito.
Tila ba na mayroong karayom na tumatagos sa kanya dahil sa hindi niya kayang tingnan ang kalunos lunos na sinapit ng kanyang ama at ina.
Naging mahina siya at kahit sarili niya ay hindi kayang ipagtanggol.
Sa ganoong posisyon si Arak at ang mga magulang niya dahil unti unting nawawala na ang awra ng buhay nito ay biglang sumulpot sa harapan nila ang Dinarousboar.
Nabigla si Arak hindi agad makakilos.Tumingin sa kanya ang Dinarousboar at hinawakan nito ang kanyang magulang.
"Wala na tayong oras,sumama ka sa akin upang magamot ang iyong ina at ama!"
Ito ang sabi sa kanya ng Dinarousboar.
Hindi makapaniwala si Arak na nakakapagsalita ang vicious beast na ito.
Mayroon itong sinambit at isang lagusan ang lumitaw sa kanilang harapan.
"Sumunod ka sa akin habang may oras pa!"
Wika nito sa kanya.
Tila tulala pa rin si Arak.
Hinatak sya nito upang pumasok sa loob ng lagusan.
Dahil sa laki nito ay para siyang papel at binuhat ito kasama ang kanyang mga magulang.Nakapasok na sila sa loob ng lagusan at hinigop sila nito sa kung saan.
Sumulpot sila sa isang lugar na hindi pamilyar sa kanya.
Nawala na rin ang lagusan sa kanilang likuran.
Minasdan ni Arak ang kapaligiran at nasa isang kapatagan sila na puno ng magagandang halamang bulaklak.
May nakita din siyang mga punongkahoy na ibat ibang uri at bunga nito.
Malinaw at malinis na ilog ang kanyang napansin sa unahan.
Nilapag ng Dinarousboar ang kanyang ina at ama.
Sa pagkalapag nito ay nagkaroon ng liwanag sa katawan ng Dinarousboar.
Binalot siya nito ng liwanag.
Nawala ang liwanag at ito ang tumambad sa kanila.Ang kabuuan ng Dinarousboar ay naglaho at napalitan ito ng isang makisig na binata.
Maganda din ang kasuotan nito at isang spear(Sibat) ang hawak nito.
Namangha si Arak dahil sa kanyang harapan ang isang legendary beast at nagbago ito ng anyo bilang isang tao.
Sa paanan nito ang kanyang ina at ama na nakahiga sa lupang madamo.
Pero napansin niya sa mga ito ay nawala ang mga pasa at dugo nito sa buong katawan.Nilapitan nito ang kanyang mga magulang at nasa maayos na ang kalagayan nito.
Naging maganda na rin ang paghinga nito at tibok ng pulsuhan.
Tumingin sa kanya ang nilalang.
"Ito ang kakaibang mundo na nawala at nakatago ito sa mahabang panahon!"
"Ang sinumang makarating sa mundong ito ay mabibiyayaan ng pambihirang kayamanan!"
"Gaya sa nangyari sa magulang mo ngayon na kumupkop sayo at nagpalaki ay maayos at wala na ang pinsala nito sa kanilang katawan!"
"Ang mundong ito ay kakarampot lamang sa kapangyarihang taglay ng gumawa nito!"
"Masuwerte at isa sa inyo ang nakarating dito at magiging silbi ninyong tahanan!"
Ito ang mahabang paliwanag nito sa kanila.Hindi pa rin nagkakamalay ang kanyang ina at ama.
Bumalik na din ang lakas nila at nasa maayos na ang kalagayan.
Ang nilalang naman ay iwinasiwas niya ang kanyang sibat sa kawalan at nagkaroon ito ng mga liwanag na lumabas sa sibat.
Masyadong malaki ang sinakop ng liwanag at patungo ito sa kapatagang lugar.
Unti unting nawala ang liwanag at mayroong pagbabago dito.
Ang dating kapatagan ay napalitan ng isang instruktura.
Mga nagtataasang pader at maraming kawal ang nagbabantay dito.
Hindi mauunawaan ni Arak kung ano at saang lugar sila.Napabaling sa kanya ang nilalang.
Makikita nito sa mga mata ng bata ang pagtataka.
"Marahil ay nagtataka ka pa rin kung saan at anung lugar kayo!:
"Panahon na rin siguro para malaman mo ang iyong nakaraan!"
"Ako si Crunos ang tagabantay ng kahariang ito at maging ang mortal ninyong mundo!"
"Isa ako sa tagasubaybay at gabay sa iyo mahal na panginoon!"
"Inatasan ako ng iyong tunay na magulang upang dalhin ka sa mababang mundo at itago dahil pati ikaw ay gustong paslangin ng mga Dark Demon!"
"Hindi sila nagtagumpay upang paslangin ka subalit napagtagumpayan nila na mapaslang ang iyong mga magulang!"
"Isang bagay at mahalaga ito ay nasa iyong katawan!"
"Ang kwintas na iyong suot ang susi ng malawakang digmaan!"
"Ang kwintas na nagtataglay ng kapangyarihang walang hanggan!"
Dahil sa sinabi nito ay nakapa niya ang kwintas sa kanyang leeg.Inilabas niya ang kwintas at hinawakan ito.
Sa itsura ng kwintas ay maganda ito dahil sa batong nakapaloob dito.
Sa unang tingin ay parang ordinaryong kwintas lamang ito pero sa isang nilalang na mataas ang pandamang lakas nito ay malalaman agad ito.
Muling nagsalita si Crunos.
"Ang kwintas na yan ang nagpapatunay na ikaw na anf nagmamay ari nito!"
"Isa sa kayamanan ng iyong mga magulang at ibibigay ito sa tagapagmana!"
"Sa kwintas ay doon mo malalaman ang lahat at matuklasan ang pambihirang taglay nito!"
"Sa ngayon ay kailangan natin ng matutuluyan!"
"Pumasok tayo sa loob upang makapagpahinga ng maayos ang iyong magulang sa mortal realm.!"
Ito ang sabi at mula sa kanyang singsing ay itinutok nya ito sa kanyang ama at ina pagkatapos ay hinigop ito ng singsing.Nasa loob ng singsing ang kanyang ama at ina na hanggang ngayon ay wala pa ring mga malay.
"Huwag kang mag aalala nasa maayos sila!"
"Kailangan silang itago upang hindi agaw pansin sa mga narito!"
"Oras na para pumasok tayo aa loob ng Azsarel Kingdom!"
Baling nito sa kanya.
Nag iisip si Arak kung saang panig ng mundo ang Azsarel Kingdom dahil ngayon lang niya ito narinig.
Sa kontinente ng Azure ay mayroong tatlong kaharian lamang.
Isa ang Dragon Heart kingdom kung saan ay doon siya nakatira.
Ito ang kanilang kaharian.
Sa ibang kaharian na katabi nito ay hindi niya alam at wala siyang mga impormasyon tungkol dito.Nagsimula na silang maglakad upang pumasok sa tarangkahan ng Azsarel kingdom.
Nakarating sila sa tarangkahan ay bigla sila nito hinarangan ng mga kawal.
"Sino kayo at ano ang kailangan nyo?"
Sabi nito sa amin dalawa.
Hindi kumibo si Crunos.
Tinampal nito sa mga noo ang kawal na ikinagulat naman nila.
"Hindi mo ba kami papasukin o sunugin ko kayong dalawa?"
Sabi nito ni Crunos sa dalawa.
Nanlaki ang mga mata nito dahil sa kanilang harapan ang tagabantay at gabay ng kaharian.
Hindi nila agad ito nakilala dahil sa matagal ito nawala at ayon sa nakakarami ay nasa misyon ito.
Ngayon ay nakabalik ito at nakagawa sila ng di kanais nais.Agad lumuhod ang mga kawal at humihingi ito ng tawad dahil sa ginawa nila.
"Lord Crunos,ipagpaumanhin nyo po ang aming kalapastangan!"
"Nararapat lamang ang aming kaparusahan!"
Walang tigil ito sa paghingi ng tawad.
Agad ito pinatayo ni Crunos at nagsalita.
Bumaling ito kay Arak.
"Hindi kayo humingi ng tawad sa akin kundi dito sa kasama ko!"
"Ang inyong paglingkuran!"
"Wala akong oras magpaliwanag at kailangan na namin umalis upang pumunta sa palasyo!"
Napakamot naman sila ng ulo dahil sa naalangan ito.
Nakita nila ang batang kasama nito pero ang kasalukuyang antas nito ay masyadong mababa.
Isang Multiple Gold Rank.
Pero bigla nanlaki ang mata nila dahil ang batang kaharap nila ay nasa ganitong ranggo.Napatingin naman si Arak sa mga kawal.
Hindi niya maiintindihan kung ano ang ikinikilos nila.
"Totoo ba ito Lord Crunos,isang multiple gold rank at nasa 5 level na ito pero paano nangyari?"
Tanong nito.
At sa tantya nila ang edad ng batang ito ay nasa apat o limang taong gulang.
Nakakagulantang kasi matagal na sila sa kahariang ito subalit wala pa akong nababalitaang tumuntong ganitong ranggo sa murang edad nito.
"Huwag na kayong magtaka dahil espesyal ang batang ito at malalaman nyo ito sa tamang oras!"
"Ngayon papasukin nyo na kami bago magbago ang isip ko at gagawin ko kayong inihaw!"
"Masarap pa naman ang inyong mga karne,he he he!"
Nangilabot sila sa narinig.
At tarantang binuksan ang malaking tarangkahan.Sa kaalaman ng lahat ang Azsarel Kingdom ay puro at walang ibang mortal ang naninirahan dito.
Sila ay namuhay ng payapa sa mundong ito.Habang lumalakas ka ay nagkakaroon ng pagbabago iyong katawan.
Gaya lamang ng mga kawal na ito.
Sila ay mga vicious beast at nagkatawang tao dahil na rin sa naabot nila ang rurok ng lakas.
Halos lahat dito sa Azsarel Kingdom ay mga ibat ibang uri na vicious beast ang naninirahan.
Kaya nilang magbago ng anyo kahit anong oras dahil sa taglay nilang ranggo at katangian.
Agad nila binuksan at sumunod si Arak kay Lord Crunos.
Tumingin naman siya sa gawi ng mga kawal at payuko pa rin ito sa kanya.
Pagpasok nila sa loob ay ito agad ang tumambad sa kanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/262259053-288-k285113.jpg)
BINABASA MO ANG
The lost kingdom : Rising of greatest warrior
Historical FictionHindi maging madali ang tanggapin ang katotohanang mayroong inaapi at burahin ang buong pagkatao mo sa mundong ginagalawan natin. Ang lakas at kapangyarihan ang manaig at handa itong pumaslang ng walang kaawang awang angkan dahil lamang sa kapangyar...