Hunter Forest;
Ito ang tawag ng lahat sa kagubatang ito.
Makikita din dito at tatlong maatas ng bundok sa gitnang sakop ng gubat.
Sa madaling salita ay hindi madaling sirain at ayusin ito para maging patag ang lugar.
Kinakailangan nila putulin ang mataas at naglalakihang mga puno.
Mataas at madawag na mga ligaw na damo.
Pero para sa dalawa ay madali lamang ito hanggat mayroong silang sapat na pambayad sa trabahador.
At hindi nagdalawang isip ang dalawa sa huling sinabi ng city lord sa kanila.
Kailangan nila ang tulong nito upang mapabilis ang pagpapatayo ng teritoryo nila.
Narating na nila ang Hunter forest at humanga ang dalawa sa kagandahang tanawin nito na kabaliktaran naman sa nakakita nito.
Isang saglit ay binayaran nila ang nakuha nilang karwahe at umalis na ito.
Tungkol naman sa mga tauhan ng city lord ay naghabilin ito ng mensahe na iparating sa lord nila bago din umalis.
Naiwan ang dalawa sa bukana ng gubat na hindi maganda ang daanang kinatatayuan nila.Ipinasya ng dalawa na pasukin ang loob ng gubat upang pag aralan kung saan ang magandang lokasyon sa pagpapatayo ng teritoryo nila.
Sadyang mataas ang mga puno dito at gayundin ang mga ligaw na damo.
Mayroong malawak na damuhan at medyo mapatag ang nasa kalagitnaan nito.
At napukaw ng kanilang pansin ang isang malinis na ilog na nasa gilid na bahaging lugar.
At kung dito sila magpatayo ng gusali at mainam dahil sa magandang lokasyon na mayroong ilog.
Agad naisipan ng dalawa na maaaring mayroong kuweba dito na pwede nilang pahingahan.
Sadyang inilabas nila ang kanilang totoong presensya ng sa gayon ay maitaboy nila ang mabangis na hayop dito.
Halos nalibot na nila ang buong lugar pero wala silang nakitang kuwebang maari nilang pahingahan pansamantala.
Kaya bumalik na lamang ang dalawa sa dinaanan nilang lugar.Pan Mansion;
Nakarating na sa city lord ang mensahe ng dalawang merchant at kailangan nila ng tulong nito sa pagpapatayo ng teritoryo.
Ang kabuuang bayad nito at nakahanda basta mayroong trabahador na handang magtrabaho at nasa maayos ang kondisyon.
Agad ito sinangayunan ng city lord at ipinatawag nito ang ilang tauhan at mga kagamitan na maaaring gamitin sa paglilinis ng lugar.
Marami ang tumutol at ayaw sumama ng malaman nila na sa Hunter Forest sila magtrabaho.
Pero ng marinig nila ang kabayaran nito ay agad din pumayag.
Na ikinatuwa naman ng city lord sa kanila.
Nang maayos na ang lahat ay agad sila umalis at papunta sa nasabing lugar.
Bawat makikita sa kanila dahil sa sobrang dami nila ay nagtataka ang mga tao sa capital city kung saan sila pupunta lalo't mayroong silang mga dalang ibat ibang kagamitan.Kahit nasa dulong bahagi ng capital city ang Hunter forest ay madali lamang ito puntahan.
Maraming mga noble clan at aristocrat clan ang nakakita sa mga taong papunta sa Hunter Forest.
Wala silang ideya kung bakit ang daming mga mangagawa na papunta doon.
At dahil sa kuryusidad ay marami din ang sumunod upang alamin kung ano ang gagawin nila sa Hunter Forest.
Ilang oras din ang lumipas at maraming mga mangagawa sa bukana ng Hunter Forest.
Naguumpukan ang mga ito ng madatnan nina Ginoong Rubio at Gng Mercedes palabas sila ng gubat.
Nang makita sila nito ay mayroong lumapit sa kanila.
"Magandang araw po,kami ang ipinadala ni city lord Dalle Pan upang isagawa ang paglilinis ng lugar!"
"Ako po si Merton Cruze at isa sa mga lider ng aming grupo!"
Ito ang pahayag nito.
Agad naman ito sinangayunan ng dalawa.
"Maraming salamat sa inyong suporta at pagdating!"
"At gaya nga ng usapan namin ni city lord Dalle Pan ay magbabayad kami ng maayos ayon sa ayos din ng inyong trabaho!"
Ito ang paliwanag nila sa taong magtatabaho sa kanila.
"Walang problema po,gagawin namin ang lahat upang maging maganda ang aming serbisyo!"
Ito ang sagot ni Merton Cruze.Nagkaroon ng seryosong usapan ang tatlo kung paano simulan at kung ano pa ang dapat gagawin.
Naunawaan at nakuha agad ni Merton ang mga dapat gagawin at agad ito kumilos upang sabihan ang kanyang mga kasama.
Ang ilang sumusunod na nag usyuso upang alamin kung ano ang gagawin sa Hunter Forest ay medyo nagulat sila.
"Magpatayo sila ng teritoryo dito?"
"Pero bakit dito at hindi sa mismong magandang lokasyon ng capital city!"
"Sino ang dalawang ito at hindi sila pangkaraniwan lamang!"
Ito ang mga tanong nila sa isipan .
At narinig din nila na nabili ang lugar na ito at mayroon na nagmamay ari ng Hunter Forest.
Medyo nalula sila dahil hindi biro Ang laki at lawak ng Hunter Forest.
Kahit ang mayamang noble clan ay hindi ito kayang bilhin.
Pero ang dalawang ito ay binili nila at ngayon ay magpatayo silang sarili nilang teritoryo.
Matapos nila makita ang nangyayari ay agad sila umalis at ibalita sa lahat ang kanilang nakita.Mabilis kumalat sa buong Capital City ang balitang mayroong ng may-ari ang Hunter Forest at binili ito ng mayamang merchant na hindi pinabulaanan ng lahat.
Sa isip nila ay sinung may lakas ng loob upang bilhin ito na halos kalahating lupang sakop ng Royal clan ang laki nito.
Kaya naman ay maaari ito lamang itong kasinungalingan.
Upang makilala ito dahil karamihan sa mga merchant ay nakipagtagisan sa bawat negosyo nila.
Isa din itong paraan para takutin sila.
Ang senaryo na ito ay nakarating na rin sa teritoryo ng Early Vermilion clan na isa sa pinakamalakas na noble clan sa Capital City.
Ang Early Vermilion clan ay halos wala sa kalahati ang lupang nasasakupan nito ikumpara sa Hunter Forest.
Kahit ang institution ay gayon din.
Nang marinig nila ang balitang mayroong bumuli sa Hunter Forest ay nagulat din sila.
Matagal na ang isyung pagbebenta ng lupang ito pero walang magtangkang bilhin dahil sa sobrang taas ang presyo at masyadong magubat ito.Sa isang malaking upuan ay makikita sa kanyang mukha ang pigil na nararamdaman dahil sa balitang nakarating sa kanya.
Lalo ito nabigla dahil ang halagang limanglibong milyong ginto ay hindi ito birong kayamanan.
Matagal na sila namayagpag bilang malakas at nangunguna sa lahat ng noble clan sa Capital City pero ang halagang limanglibong milyong ginto ay hindi pa nila naranasan na magkaroon nito.
At ayon sa impormasyon ay tila mag asawa ang mga merchant na ito at pawang bata pa.
Hindi rin nila alam kung saan ito galing at bigla lamang ito lumitaw sa lugar nila.
Ang nakaupo sa malaking upuan ay ito ang ama ni Erris Faysan.
Walang iba kundi si Head Clan Errands Faysan.
Isa din itong legends rank level 3.
Ang mga tao sa buong silid ay nakatingin sa kanya na bakas ang pagkalito.Nagkaroon ng pagpupulong sa silid ng Head Clan ng Early Vermilion clan.
Ang biglaang pagpupulong nila ay tungkol sa dalawang merchant na nakabili sa Hunter Forest.
Mayroon siyang itinalagang mga tao upang magmasid at maging espiya sa loob at labas ng Hunter Forest.
Ang planong ito ay sinangayunan ng lahat.
At para mas mapadali ito ay kailangan na mayroong magiging trabahador sa clan nila upang malaman ang ilang impormasyon tungkol sa dalawang merchant.
Isa itong malaking balakid sa hinaharap nila pag ito ay makilala sa buong Capital City.
Kaya gagawin nila ang lahat upang pigilan ito.
Isa pa ang inaalala niya ang kanyang anak na kasalukuyang nasa institution at nakapasa ito sa pagsusulit pero mayroong mas nakahigit dito sa kanya.
Isa din ito sa pinaimbestigahan nila pero sadyang mailap sa kanila ang pagkakataon dahil wala silang nakuhang impormasyon tungkol dito.
At ngayon mayroong sumasakit sa kanyang ulo,ito ang bagong merchant sa Capital City.
Hindi siya titigil hanggat di malaman kung sino ang dalawang ito.
BINABASA MO ANG
The lost kingdom : Rising of greatest warrior
Fiksi SejarahHindi maging madali ang tanggapin ang katotohanang mayroong inaapi at burahin ang buong pagkatao mo sa mundong ginagalawan natin. Ang lakas at kapangyarihan ang manaig at handa itong pumaslang ng walang kaawang awang angkan dahil lamang sa kapangyar...