Sa loob parin ng dimensional ring ay naroon parin ang dalawa ay hindi mawala sa kanila ang paghanga sa lugar na kanilang napuntahan.
Isa itong paraiso sa unang tingin pa lamang nila.
Nakasalampak sa isang damuhan si Zeuros kasama si Black.
Tinatanaw nila ang isang bundok na napapalibutan ito ng nyebe sa pinakatuktok nito.
Kaya pala medyo malamig ang lugar na kahit ang simoy ng hangin ay gayundin.
Naramdaman din ni Zeuros ang makapal na essence sa lugar na ito kaya naman ay wala siyang sinayang na oras at agad ito nagnilay.
Si Black naman ay nakamasid lamang sa kanya at tila binabantayan nito ang kanyang panginoon.
Nagsimula ng humigop ng essence si Zeuros sa paligid.
Ang bawat essence na nagmumula sa bagay bagay sa paligid ay kumikislap ito at patungo sa kinaroroonan ni Zeuros.Nagpatuloy si Zeuros sa kanyang paghigop ng mga natural na essence sa paligid.
Ang mga bilog na liwanag kahit nasa malayong lugar ay pabulusok ito patungo sa kinaroroonan ni Zeuros.
At sa mga oras na ito ang nilalang na nasa punongkahoy ay mabilis bumaba dahil sa mayroon siyang nakikitang kakaiba sa paligid.
Hindi ito lingid sa kanya dahil ang kanyang nakikita ngayon ay mga essence sa paligid na lumulutang at patungo ito sa isang direksyon.
Agad niya ito pinuntahan upang malaman kung sinong nilalang ang kasalukuyang hinihigop ang mga essence.
Alam niya na ang paghigop ng mga essence ay isang paraan upang lumakas at tumaas ang antas ng lakas ng isang cultivator/adventurer.
Ito ay isang nakagisnang sistema at pamamaraan.
Mas mabisang paraan ito dahil sa ang purong enerhiya sa paligid ay ligtas at mabilis ang proseso.Hindi nagtagal ay natagpuan ng nilalang si Zeuros na nakasalampak sa damuhan habang patuloy pumapasok sa loob ng kanyang katawan.
At lalo siyang nagulat dahil sa alam niya ang pamamaraang ito.
"Transfusion Cultivating Essences"
Ang ganitong pamamaraan ay makikita lamang sa ibang realm.
Alam niya na ito ay nasa angkan lamang ng mga malalakas nakikita ang ganitong pamamaraan.
Kaya mayroong nabuo sa kanyang isipan at sana ay hindi siya magkamali sa kanyang iniisip.
Pinakiramdaman ng nilalang ang antas ng binata na kanyang nakita at doon siya nagulantang.
"Paano?"
"Isang heavenly rank level 6?"
"Tama ba itong naramdaman ko?"
"Paano nagkaroon ng isang ganitong ranggo sa lugar na ito?"
"Sino ang binatang ito?"
Ito lamang ang kanyang tanong sa isipan.
Kunsabagay kahit siya na matagal dito sa lugar na ito ay wala siyang ideya kung paano siya makaalis sa lugar na ito.
Tanging isang lagusan ang biglang lumitaw sa kasagsagan ng digmaan at bigla na lamang siya nito hinigop.
Ang mga Dark Demon,ay biglang sinakop ang kanilang mundo at alam niya na nagapi ang kanilang panginoon.
Hindi rin niya alam kung nasaan ang iba niyang mga kasama.Ipinagpatuloy ni Zeuros ang kanyang pagninilay at habang tumatagal ay bumibigat ang enerhiya sa kalooban niya na gusto itong makawala.
Habang si Black naman ay taimtim na tinitingnan niya ang kanyang panginoon hanggang sa mayroong siyang naramdamang presensya na malapit lamang sa kinaroroonan nila.
Umangil si black at inilabas nito ang matalim na mga pangil.
Tiningnan niya ang isang direksyon ilang metro lamang ang layo nito.
Hindi niya inalis ang kanyang mata sa direksyon dahil sa mayroong nagtatagong nilalang.
Minabuti niyang bantayan ang kanyang panginoon.
Ilang minuto ang sumapit at isang malakas na enerhiya ang sumabog sa buong paligid.
"Wwwooossshhh!"
Kumalat ang malakas na enerhiya sa paligid at kahit ang nilalang ay gumawa agad ito ng barrier upang hindi matamaan nito.
Si Black naman ay walang epekto sa kanya at ikinampay nito ang malaking pakpak upang protektahan ang kanyang sarili na binalutan din niya ng kanyang shield.
Ngayon ang kasalukuyang antas na lakas ni Zeuros ay isa ng heavenly rank level 9.
Isang level na lang at patungo ito sa pagiging Heavenly Lord Rank.
Tatlong beses lang ang kanyang inangat sa antas nito.Samantala matapos ang pagkawala ng malakas na enerhiya ay naging payapa ang buong paligid.
Inimulat ni Zeuros ang kanyang mata at nandoon parin sa harapan niya si Black.
Naramdaman niya na tumaas ng tatlong beses ang kanyang antas.
Lalong nakaramdam siya ng kakaiba sa kanyang sarili.
At sa taglay niyang lakas ay madali lamang sa kanya ang ilang bagay na tanging siya lamang ang nakakaalam.
Bigla siyang naglaho at walang nakakaalam kung saan ito nagpunta.
Nagulat naman si Black kung nasaan ang kanyang panginoon dahil hindi niya naramdaman ang presensya nito.
At sa kanyang pagbalik ay mayroong itong dala na ikinagulat niya.
Isang nilalang at wala itong malay.
Inilapag ni Zeuros sa damuhan ang walang malay na nilalang.
Bago ito nangyari ay naramdaman na niya na mayroong nagmamasid sa kanya at hinayaan lamang niya ito.Sa nakalipas ang nilalang ay patuloy na nagmamasid at wala siyang malay na puntirya na pala ito ni Zeuros.
Habang palinga linga siya ay bigla na lamang naglaho ito sa kanyang paningin.
"Huh,nasaan na ang binatang iyon?"
"Ang bilis hindi ko masundan ng aking mga mata!"
Ito lamang ang nasambit nito sa kanyang sarili.
Hanggang sa nakaramdam siya ng pag atake sa kanyang likod at nagdilim ang kanyang paningin.
Hindi niya alam na biglang lumitaw sa likuran niya si Zeuros at inatake siya nito ng lihim.
Nakatayo si Zeuros ay iniobserbahan ang nilalang na ito.
Halos kasing edaran lang ito ng kinikilala niyang ama.
Naramdaman din niya na isa itong Heaven Rank kagaya ni Ariston.
Ilang sandali ay nagkamalay na ito.
"Ungh!"
Napabalikwas ito ng makita si Zeuros na nakatayo at nasa harapan niya ito.
Iniling niya ang kanyang leeg dahil sa nakaramdam siya ng sakit dito.
Umatras siya ng kaunti at tinanong nito si Zeuros.
"Sino ka?"
"Anung ginagawa mo sa lugar na ito at naramdaman ko na hindi ka isang ordinaryong nilalang?"
"Sabihin mo sa akin paano ka nakarating sa lugar na ito?"
Ito ang sunod sunod niyang tanong kay Zeuros.
Naningkit naman ang mata ni Zeuros dahil sa pagtatanong nito sa kanya.
Si Black naman ay inilabas nito ang kanyang awra upang takutin ang nilalang sa harapan nila.Samantala mula sa di kalayuan sa loob parin ng dimensional ring ay magkasama ang dalawang ito at ginagalugad nila ang ilang bahaging lugar ng mayroong silang naramdamang presensya.
At sa presensyang naramdaman nila ay pamilyar sila dito.
Agad naglaho ang dalawa.
Habang si Zeuros naman ay ibinalik niya ang tanong nito sa nilalang.
"Ako ang dapat magtanong sayo ng iyong itinanong sa akin?"
"Dahil ang buong lugar na ito ay aking pagmamay ari!"
"Nakapagtataka lamang paano ka nakapasok sa aking dimensional ring?"
"Ano ang iyong pangalan at saang angkan ka nagmula?"
"Hindi ka pangkaraniwang nilalang dahil isa kang heaven rank!"
Ito ang pagtatapos na tanong ni Zeuros sa nilalang na nasa harapan niya.
Ang makikita sa mukha ng nilalang ay gulat dahil sa kanyang narinig.
Tama ba ang kanyang narinig na nasa loob siya ng isang dimensional ring.
Magsasalita na sana siya upang sagutin ang tanong ng binatang nasa harapan niya ay biglang mayroong lumitaw na dalawang nilalang sa kanilang harapan.
At sa paglitaw nito ay halos manlaki ang kanyang mata dahil sa pamilyar sa kanya ang bagong dating na nilalang at kilalang kilala niya ito.
Libong taon ang lumipas at ngayon ay nakita niyang muli.
BINABASA MO ANG
The lost kingdom : Rising of greatest warrior
Fiksi SejarahHindi maging madali ang tanggapin ang katotohanang mayroong inaapi at burahin ang buong pagkatao mo sa mundong ginagalawan natin. Ang lakas at kapangyarihan ang manaig at handa itong pumaslang ng walang kaawang awang angkan dahil lamang sa kapangyar...