Ang isang desisyon ay isang bagay o pasya na kayang panindigan at walang pagsisihan.
Isa din itong malaking responsibilidad na dapat patunayan at tanggapin ng buong puso.
Ito ang naging desisyon ni Conclave Faction Master Ameron Huston.
Hindi siya nagdalawang isip na itaya ang reputasyon at katanyagan kung buhay ang nakataya dito.
Buong puso niya itong ginawa at walang pagsisihan sa huli.
Bagamat marami ang dismayado sa nangyari ay nangyari n ito.
At walang sinayang na oras ang tagapasalita at agad inanunsyo ang pagkapanalo ng Outer Faction.
Ito ang unang beses na nanalo sila simula ng maitatag ang mga faction sa Sacred Azure Sect.
Ito din ang kauna unahang naitala sa kasaysayan bilang disipulo ng outer faction.
Marami ang hindi makapaniwala pero wala silang magagawa dahil malinaw nilang nakikita ang buong pangyayari.Ang buong Outer faction ay nagbunyi sa tagumpay nilang natamo.
Ngayon ay sila na ang may hawak ng Jade Token.
At alam nila kung ano ang magiging benepisyo nito.
Agad nilapitan ni Patriarch Verson Goh si Outer Faction Master Zakaria Paloma upang batiin ito sa kanilang pagkapanalo.
Hindi rin nagpahuli ang dalawang grandmaster at ilang faction master.
Sa bawat faction master ay walang alitan o anumang away ang namagitan sa kanila.
Isa lamang itong kompetisyon at higit sa lahat ay iisa silang sekta.
Kaya naman ay suportado nila kung sino ang mananalo sa labang ito.
Agad naman ipinaalam sa lahat ang nalalapit na kompetisyon at ito ay hamunin ang limang pwesto sa grupong Dragon Fearless Disciples.
Dito din pipiliin kung sino ang nararapat upang maging kwalipikadong kalahok sa paligsahan ng bawat sekta sa buong kaharian.
Alam nila na hindi ito magiging madali dahil ang Sacred Azure Sect ay isa lamang sa mahinang sekta.
At sa tuwing mayroong kompetisyon ay hindi man lang ito makausad sa anumang pwestong bilang.Natapos na ang dwelo sa pagitan ng apat na faction at sa di inaasahan ay ang mahinang faction ang nanalo.
Gayunpaman ay hindi ito ang huli nilang laban dahil binigyan sila ng limang araw upang makabawi at magsanay sa laban na magiging kwalipikado upang maging kandidato sa kompetisyon ng lahat na sekta sa Dragon Heart Kingdom.
Ang lahat na mga disipulo ay nagkaroon ng benepisyong natanggap.
At ang bawat isa ay binigyan ng tig isang kahon.
Ito ay naglalaman ng mga pills at potion.
Kahit nasa mababang uri ang mga ito ay malaki ang maitutulong nito sa kanila upang umangat ng ilang antas sa kabuuang lakas.
Ganoon din sina Zeuros.
Mayroon din silang pabuya at syempre ang kalidad nito ay mas mataas kaysa sa ibang pills at potion.
Sinuri ito ni Zeuros at ito ay isang Low tier breakthrough pills lamang.
Habang ang potion ay isa itong low tier purified potion.
At ang lahat na ito ay walang bisa sa kanya kung ito ay kanyang gagamitin.
Kaya naipasya niyang ibigay lamang ito kay Eldon Yuri upang lalo pang tumaas ang kanyang kasalukuyang antas.Sa loob ng limang araw na palugit ay kailangan maabot ng isang disipulo ranggo na kwalipikado kahit saang faction.
Kailangan nilang maabot bilang isang legends rank level 1.
Dahil ito ang panuntunan noon pa man.
At sa kalagayan ni Eldon Yuri dahil siya ay nasa multiple gold rank lamang kaya imposible na maabot agad nitto ang legends rank.
Naging mataas ang batayan sa pagkakataong ito at ibayong pagsisikap sa pagsanay ang gagawin nila.
Subalit maaari ding makapinsala sa isang nilalang lalo't pag mahina ang pundasyon ng kanilang katawan.
Sa paningin ng lahat na si Zeuros ay nasa mababang antas parin pero sa loob ng limang araw ay maaaring magbago ang lahat.
Halos ang lahat na mga disipulo sa apat na faction ay walang ginawa kundi ang magsanay upang pataasin ang kanilang mga ranggo.
Pero hindi pa lumipas ang isang araw ay binago ng kanilang pamunuan na kinabibilangan ng dalawang grandmaster sa pagbabago ng batayan.
At binigyan pa sila ng labinglimang araw upang punan ito.
Hindi lang ito ang binago.
Binago nila ang batayan sa pakikitunggali upang maging ganap na miyembro ng Dragon Fearless Disciples.
Kailangan ay maabot ng ilan sa sampung disipulo sa apat na faction ang hindi baba sa isang profound rank hanggang legends rank.
Sa Outer faction ay mayroon lamang dalawang epic rank at limang profound rank na magkakaiba ang level.
At tatlo dito ang nasa Platinum Rank.
Dahil tanging sampu lamang ang kwalipikado upang maging kandidato sa darating na tunggalian.Ang Outer faction ay hindi pa rin sapat kung sa lakas ang pag uusapan.
Kahit nakuha nila ang Jade Token upang makakuha sila ng sapat na benepisyo ay wala pa rin itong saysay.
Hindi naman lingid sa kanila ang lakas ng Dragon Fearless Disciples na mayroong nag iisang heaven rank at halos ang ilan ay nasa Legends rank.
Hindi naman kasi ibig sabihin na lahat na makakasali sa bawat faction ay makukuha ang pwesto sa Dragon Fearless Disciples.
Bago mangyari ito ang buong miyembro ng Dragon Fearless Disciples ay galing din sa magkaibang faction at nabuo ito.
Binuo ang grupong ito upang maging alas nila sa ibang sekta sa kaharian.
Ito din ang ipinapadala nilang kalahok sa tuwing mayroong kompetisyon.
Maraming kompetisyon ang nangyari na ilang dekada na ang nakalipas at tila nakalimutan na nila ang listahan ng Sacred Azure Sect.
Dahil isa lamang ang dahilan.
Kahit anung gawin nila at ginawa ang lahat ay talo at laging nasa hulihang pwesto na lalong may pahamak ang tingin ng ibang sekta sa kanila.
Pero kahit ganito ang nangyayari ay wala parin silang lakas na loob upang salungatin at labanan ito.Samantala ay seryoso at determinado ang halos lahat na mga disipulo sa apat na faction upang maabot ang pamantayan o batayan sa nasabing tunggalian.
Bawat isa ay mayroong pagsisikap at pagpapahalaga sa kanilang mga sarili.
Sa tulong ng ilang kayamanan at kaalaman mas mabisa at mabilis ang kanilang pang angat.
Sa loob ng labinglimang araw ay kailangan ay nasa profound rank ang ilan sa tuktok ng platinum rank.
Sa loob ng isang kaliitang kwarto ay masinsinang sinasanay nito ang kanyang sarili.
Sa tulong ng ilang kayamanan sa kanyang harapan ay babaguhin niya ang magiging kapalaran sa kanyang buhay.
Hindi man siya talentado gaya ng iba ay ginagawa niya ang lahat.
Ayaw niya mabigo ang mga pangarap ng kanyang kaangkan.
Ito ay si Eldon Yuri na ipinagpatuloy ang paghigop ng mga essence galing sa medisinal na halaman.
Isa din ito sa mga pabuyang galing sa kanilang faction.
Sinimulan niya itong higupin at tuloy itong dumaloy sa kanyang mga dugo at ugat.
Isa pa lamang siyang multiple gold rank level 1 at marami pa siyang buuin upang maabot kahit isang level ng nasa profound rank.
Dahil dito ay hindi niya tinanggihan ang mga kayamanang ibinigay sa kanya ni Zeuros.
Kahit nagtataka siya ay ayaw niya itong isipin baka magtampo ito sa kanya.
Kahit kakaiba ang kanyang kaibigan ay alam niya na may itinatago itong lihim at ito ay hindi niya pwedeng alamin dahil sa pribado ito.
BINABASA MO ANG
The lost kingdom : Rising of greatest warrior
Historical FictionHindi maging madali ang tanggapin ang katotohanang mayroong inaapi at burahin ang buong pagkatao mo sa mundong ginagalawan natin. Ang lakas at kapangyarihan ang manaig at handa itong pumaslang ng walang kaawang awang angkan dahil lamang sa kapangyar...