Chapter 40.

523 92 10
                                    

Ang di inaasahang nangyari ay tumatak sa isipan ng bawat nakakita.
Ang buong lugar ay muling nag ingay at ibat ibang ang mga komento nito.
Hindi nila lubos maisip kung paano ito nagawa ng isang nasa multiple gold rank level 2 upang kontrahin ang isang malakas na pwersa galing sa mas mataas na ranggo sa kanya.
Marami ang nagsasabing isang pandaraya ang ginawa ng nasa outer faction.
Meron naman na marahil ay pinaghandaan nila ito.
Kaya magkakaiba ang kanilang paniniwala at sumasangayon sa kanilang nasaksihan.
Habang sa isang sulok ay mayroong isang grupo ang nagmamasid lamang sa paligid at tila pinag aaralan ang bawat galaw ng mga kalahok sa itaas ng entablado.
Wala silang kibo at medyo nagulat din sila sa nakita lalo na ang nag iisang mas mataas na ranggo sa kanila.
Ito ay ang nag iisang nasa heaven rank level 2.
Nagmula siya sa isang noble clan mula sa Capital City.
Ito ang panganay na anak ng Head Family ng Early Vermilion clan.
Ito ay si Erwin Faysan na kapatid naman nito si Erris Faysan na kasalukuyang isang disipulo ng Pavilion Peak Sect.

Ang pagiging isang heaven rank sa Dragon Heart Kingdom ay limitado lamang ang mayroong ganitong ranggo.
Kalimitan ay naabot nila ito dahil sa kayamanang mayroon ang kanilang angkan/clan.
Dahil sa kayamanan ay magagawa nilang gawin o bilhin ang bagay upang madali nila makamit ang inaasam nilang lakas.
Ang ranggong heaven rank ay marami pa ang mga kasunod nito.
Nariyan ang heaven lord rank,heaven king rank,heaven earth and void rank at pagkatapos ay ang heavenly rank na kasalukuyang ranggo ngayon ni Zeuros.
Tatlong klasipikado sa heaven rank ang nilagpasan ni Zeuros at narating nito ang heavenly rank sa maikling panahon.
Hindi man gumamit ng anumang kayamanan si Zeuros ay mabisa ang pamamaraang ginawa nito.
Bukod pa rito ay nasa dugo niya ang kakaibang taglay nito kaya ganoon na lamang ang pagbilis sa pagtaas ng kanyang antas na lakas.
Walang nakakaalam nito kundi siya lamang.

Ang pangyayaring ito ay hindi lubos maisip sa mga nakakita.
Masyado itong nakakagulat na bagay.
Isang multiple gold rank level 2 ay parang wala lang na hinawi ang malakas na pwersa galing sa limang disipulo ng conclave faction.
Kahit si senior brother Yum Amelek ay namangha at hindi mawala ang gulat sa kanyang mukha.
Isa siyang epic rank subalit wala siyang nagawa upang protektahan ang lahat.
Maging ang kasama nito na isa ding epic rank level 10 ay gulat parin ang makikita sa mukha nito.
Sa panig naman ng Conclave Faction ay naisip nila marahil ay mayroong bagay na itinatago ang disipulo mula sa outer faction.
Pero kahit ano ang gawin nila ay wala silang patunay dito.
Kahit ang nasa grupong Dragon Fearless Disciples ay wala silang butas upang mahanap na mayroong mali sa nangyari.
Malinaw nilang nakikita ang lahat.
At sadyang nakakagulat ito.

Mas lalong umaalab ang hangarin ng mga disipulo mula sa Conclave Faction at gusto na nilang tapusin ang laban.
At isang bagay lang ang dapat nilang gagawin upang matalo ang Outer faction.
Ang lima ay nag usap at nagkasundo sa binabalak nilang gagawin.
Habang si Zeuros ay seryosong binigyan ng isang sulyap ang kalaban nito bago ito bumaling sa kanyang senior brother.
"Senior brother Yum Amelek,mayroon silang binabalak at kailangan nating mag ingat!"
Ito ang pahayag ni Zeuros sa kanyang senior brother.
Agad naman sumagot si Yum Amelek.
"Totoo ba ang iyong sinasabi?"
Ito ang balik na tanong ni Yum Amelek kay Zeuros.
"Zeuros,sigurado ka ba?"
"Kung mayroong silang binabalak ay mahihirapan tayong lumaban lalo't masyadong malayo ang agwat ng ating lakas sa kanila!"
Ito ang singit na sabi ng isa nilang senior brother na nasa epic rank level 10.
Ito ay si Senior Bother August So ng
Flower Valley Clan.
Isang aristocrat clan mula sa Plain City.
At dito na sila nanirahan sa isang siyudad ng Capital City.
"Huwag kayong mag aalala, kailangan lang natin ng tamang pagkakataon kung paano sila aatake sa atin?"
Ito ang pahayag ni Zeuros sa kanila at inaasahan nila na kaya nila ito malagpasan.

Samantala ay hindi parin mawala ang inis ng limang disipulo mula sa Conclave Faction.
Hindi nila inaasahan ang unang hakbang ng kanilang kalaban.
Naintriga din sila sa nag iisang multiple gold rank level 2 dahil sa angking kakayahan nito.
Ngayon ay isang plano ang isagawa nila at sigurado sila sa kanilang tagumpay.
Agad sila sumabay kumilos at ikinumpas nito ang lahat ng kanilang kamay at mayroong dilaw na liwanag ang lumabas sa bawat daliri nila at patungo ito sa itaas.
Agad nagkaroong ng bilog hugis at marami itong simbolo.
At ito ay sinakop ang buong disipulo ng outer faction.
Nakulong sila sa bilog na liwanag.
Ito ay isang formation array.
Ang Sealing Array Formation.
Ang formation na ito ay walang kakayahang gamitin ang lakas ng kanilang kalaban.
Hindi rin sila makagalaw dahil nakulong sila sa loob nito.
Kaya naman ay malayang gawin ng kanilang kalaban ang nais nila.

Nakulong sina Zeuros sa Sealing Array Formation.
Hindi nagtagal ay nakikita niyang nanghihina ang kanyang mga kasama.
Pero siya ay walang naramdamang kakaiba dito.
Ang formation na ito ay hindi matibay o malakas sa lahat.
Isa lamang na mahinang formation ito.
Nakaluhod na sa sahig ang kanyang senior brother dahil sa nawawalan na ito ng lakas.
Ang kanilang lakas ay hinihigop ng formation na ito.
At kapag naubos ang kanilang lakas ay madali lamang silang iligpit nito.
Kumilos si Zeuros upang tulungan ang kanyang mga senior brother.
Nahihirapan na ito gumalaw at nanghihina na.
Pero bago ito ay isang bagay ang biglang umatake sa kanya.
Ito ang Silver Poisonous Needle.
Mabilis ito bumulusok patungo sa kanila.
Sa sobrang liit nito ay malaya ito nakapasok sa loob ng formation.
Hindi nagpabaya si Zeuros at nagpakawala ito ng kakarampot ng enerhiya at puntirya nito ang Silver Poisonous Needle.
Isang umiikot na hangin ang kanyang ginawa at mabilis tinangay ang mga ito palabas ng formation.
Pinitik nito ang kanyang kamay at mayroong apat na bilog na liwanag ang patungo sa kanyang mga senior brother.
Nang matanggap nila ito ay naging maayos ang kanilang pakiramdam.
Nakatayo na sila ng matuwid at sabay sila nagpakawala ng enerhiya upang sirain ang formation.

Ang limang disipulo sa panig ng Conclave Faction ay mas lalo pa nito pinatibay ang ginawa nilang formation.
Habang tumatagal ay nakaramdam sila ng kaunting panghihina dahil sa malaking kunsumo ng kanilang enerhiya.
Pero ang hindi nila inaasahan ay nakayanan ng limang disipulo mula sa outer faction ay gawa nilang formation.
Dapat sa mga oras na ito ay wala na itong kakayahan upang lumaban pa.
Dahil ang Sealing Array Formation ay kayang pahinain ang isang nilalang dahil hihigupin nito ang kanilang enerhiya.
Subalit parang nabaliktad yata ang nangyayari na imbis manghina ito ay lalo pa itong lumakas.
At gaya sa nakikita nila ngayon ay matikas nakatayo ang limang disipulo ng outer faction at sinisira ang gawa nilang formation.
Bakas naman sa mukha ni conclave faction master Ameron Huston ang hindi maipinta dahil nararamdaman niya na unti unting nanghihina ang kanyang disipulo.
At pag ito ay tumagal ay tiyak na lalagay sa hindi magandang sitwasyon.
At sa unang pagkakataon ay kumilos siya at mabilis lumipad sa entablado.
Dahil sa kanyang ginawa ay marami ang nagtaka.
At wala ng sinayang na oras ay kanyang itinigil ang laban at sumusuko na sila.
Isa itong nakakagulantang na desisyon bilang isang faction master.
Marami ang hindi makapaniwala sa mga nangyari.
Wala ni isang mag salita at hinihintay ang magiging huling desisyon at ito ay galing sa kanilang patriarch.

The lost kingdom : Rising of greatest warrior Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon