Sa loob ng dimensional ring ni Zeuros ay wala siyang ginawa kundi ang libutin ang ikalawang palapag na kung saan ay puno ito ng mga mythical beast at isang walang hanggang lawak na kagubatan at kapatagan.
Sa isang bahagi ay nakita nito ang isang nagliliwanag na kubo at marahil ito ang daan patungo sa ikatlong palapag.
Ang bawat palapag ay mayroong pagkilanlan at ito ang bawat kubong nakikita ni Zeuros.
Hindi na nagsayang ng oras si Zeuros at agad pinuntahan ang pintuan ng isang kubo na kung saan ay mayroong malakas na enerhiya sa liwanag nito.
Agad siya pumasok sa loob at ito ang kanyang nabungaran.
Isang maliit lamang na kwarto pero napakaraming mga bagay siyang nakikita dito.
Tila isa itong laboratoryo ng mga sinaunang panahon.
Makikita na may kalumaan ang mga kagamitan pero nasa maayos parin ito
Maraming mga estante siyang nakikita at maaayos ang bawat bagay na nakalagay o nakapatong dito.
Mag botelyang malalaki at maliit.
Mga ibat ibang kulay na likido ang nakapaloob sa bawat botelya.
Malalaman ang bawat botelyang ito dahil sa mayroong mga pangalan ang bawat isa.
Hindi mahihirapan si Zeuros upang malaman ito dahil may mga pangalan ito at depinisyon.Habang iniikot nya ang kanyang tingin sa bawat nakikita niya at dumako ang kanyang mga mata sa isa pang estante na puno din ng mga maraming kahon.
Ibat ibang uri na mga kahon ang narito.
Mayroong mga ordinaryong kahon na yari sa kahoy at ang ilan ay yari sa magandang klase na bakal.
Katabi naman nito ang isang kalumaang libro.
Sa gitna naman ay makikita ang isang malaking furnace.
Marahil ito ang bagay na ginagamit sa pagbuo ng mga kalidad at kakaibang gamot gaya ng mga pills at potion.
Kaya ang lugar na ito ay isang laboratoryo ng mga alchemist.
Ito ang pumasok sa isipan ni Zeuros.
Sa totoo lang ay wala siyang ideya kung paano gumawa o bumuo ng ganitong produkto.
Hindi pa niya ito nasusubukan at higit sa lahat ay wala siyang alchemy flame upang maging isang alchemist.
Sa mundong kanyang ginagalawan ay bibihira lamang ang mayroong alchemist dahil sa bilang sa mga daliri ang may ganitong kakayahan.
Kaya masyadong mataas ang presto kapag kailangan ang serbisyo ng mga alchemist.
Bukod pa rito ay halos nasa mababang uri ng mga gamot ang kanilang nagagawa.
Sa pagkakaalam ni Zeuros ang Dragon Heart Kingdom ay mayroong lamang limang alchemist at isa dito sa Capital City.
Subalit isa na itong matanda na nasa Master lamang ang ranggo nito.Mabilis lumipas ang oras ay hindi nagkaroon ng interesado si Zeuros sa mga kayamanang narito.
Kung tutuusin ay marami siya nito sa kanyang spatial ring.
Ibat ibang uri ng pills at potion.
Gayundin ang mga ibat ibang armaments.
Pero hindi niya ito inilabas hanggat di pa niya ito kailangan.
Para hindi masayang ang kanyang pagparito ay kumuha siya ng ilang pills at potion upang makatulong sa kanyang kapwa desipulo.
Nasa kanyang kamay niya ang kanyang spatial ring at kasama dito ang dimensional ring.
Sa kaliwa naman ay ito ang pinakaini ingatan niya .
Ang concealing ring.
Sa mata ng lahat ay tila isa lamang itong ordinaryong singsing lamang.
Pero lingid sa kaalaman ng lahat ito ay pawang mga legendary items.
Kinolekta na lamang ni Zeuros ang mga mahahalagang kakailanganin niya,
Hindi na rin siya nag abala upang magsanay pa dahil alam niya na hindi na ito kailangan pa.
Ang tanging gawin lamang niya ay gabayan ang kanyang kaibigan at kapwa disipulo.Samantala sa isang tahimik na silid ay seryoso at makikita sa mukha nito ang layunin nq malagpasan ang dapat.
Ang binatang ito ay taimtim na pinakalma ang kanyang sarili sa silid na walang sinumang maaaring istorbohin sila sa kanilang pagsasanay.
Nasa harapan niya ang kayamanang magpabago sa kanyang sarili.
Ang kayamanang ito ay ibinigay sa kanya at ang ilan ay galing sa kanilang master na mula naman ito sa Treasury Hall.
Nasa kanyang harapan ang isang natatanging halamang herbal na kayang linisin ang dumi sa buong katawan upang mapabilis ang pagdaloy ng enerhiya at ang essences ay aktibo nitong mahigop.
Mayroong siyang malalim na batya na may lamang tubig.
Inilagay niya ang halamang herbal at hinayaan ito ng ilang minuto upang mababad ang mga dahon nito sa tubig.
Pagkatapos ay hinubad niya ang kanyang mga saplot at walang itinira kahit isa.
Humakbang siya upang ilubog ang buong katawan nito sa tubig.
Hanggang leeg niya ang tubig at nakaramdam siya ng kalamigan sa tubig.
Pagkalubog niya sa tubig na hanggang leeg ay pinakalma ang sarili at ipinikit nito ang kanyang mga mata.
At unti unting sinisipsip ng kanyang katawan ang medisinal na halaman.Mabilis lumipas ang oras ay nagkaroon ng usok sa buong katawan ni Eldon Yuri.
Tama si Eldon Yuri ang binatang nakalubog sa batyang may tubig.
Noon ang tubig ay kasing linaw ng salamin ngayon ay tila isa itong ilog na puno ng basura.
Mabaho din ang lumalabas na amoy o singaw nito.
Gayunpaman ay hindi ito inabala pa ng binata.
Maya maya ay tumigil na sa pagsipsip ang kanyang katawan sa halamang medisinal.
Nakaramdam siya ng kaginhawaan sa kanyang sarili.
Inimulat niya ang kanyang mata at labis ang gulat sa kanyang mukha sa nakita niya sa batyang kinalubluban nito.
Kasing itim pa ito ng uling at mabaho ang amoy .
Agad umahon si Eldon Yuri sa batya at mabilis pumasok sa paliguan upang maligo at magbanlaw.
Makalipas ang ilang minuto ay inayos niya ang kanyang sarili at dahil sa siya lamang mag isa sa silid na ito ay Malaya siyang makakilos ng naayon.
Sa bakanteng sahig agad siya umupo at ipinagpatuloy ang dapat niyang gagawin.
Pero hindi niya ito napansin na tuluyang bumukas na ang daluyan ng kanyang enerhiya kaya naman ay mabilis lamang ito makahigop ng essence at gamot na pampalakas.Kung naging abala si Eldon Yuri sa kanyang pagpapataas sa lakas nito ay wala namang ginawa si Zeuros kundi puntahan ang kapwa disipulo nito ng kanilang faction.
Una siya nagtungo sa tinuluyan ng kanilang faction master.
Si Outer Faction Master Zakaria Paloma.
Ang kanyang pakay ay ibigay ang natatanging bagay na makatulong sa kanilang paglago.
Hindi na niya iniisip kung kwestyunin siya nito kung saan galing ang bagay na ito.
Ang mahalaga para sa kanya ay tumaas ang kanilang antas bago sumapit ang kompetisyon.
Alam niya na bibigyan siya nito ng pagdududa dahil sa kasalukuyan niyang antas ay mas kailangan din niya magsanay.
Dahil ito ang paniniwala ng lahat at ayaw niya ito ipaalam sa lahat.
Gusto lang niya sorpresahin sa oras ng tunggalian.
Hindi na siya nagsayang ng oras at naging mabilis ang kanyang hakbang patungo sa kanilang faction master.Ganito din ang nangyayari sa mga napiling karapat dapat na maging kandidato upang labanan ang Dragon Fearless Disciples.
Bawat sa apat na faction ay abala sa kanilang mga ginagawa.
Sa loob ng labinglimang araw ay kailangan maisagawa nila ito na naayon sa panuntunan.
Hindi lang naman ang mga disipulo sa apat na faction ang nagsasanay.
Ganito din ang nangyayari sa isang lugar na kung saan dito naninirahan ang sampung miyembro ng Dragon Fearless Disciples.
Ang bawat isa ay abala sa kanilang pagsasanay upang lagpasan pa lalo ang kasalukuyan nilang ranggo.
Ayaw nilang maging kampante sa pagkakataong ito dahil marami na ang mga paligsahang nangyari pero ni isang beses ay hindi man lamang nila nakamit kung paano manalo.
Higit na malakas ang mga disipulo sa ibat ibang sekta.
At ayaw nila maulit pa ito ng ilang beses na nagdala sa kanila upang mas lalong naging mababa ang tingin sa kanila ng ibang sekta.
BINABASA MO ANG
The lost kingdom : Rising of greatest warrior
Historical FictionHindi maging madali ang tanggapin ang katotohanang mayroong inaapi at burahin ang buong pagkatao mo sa mundong ginagalawan natin. Ang lakas at kapangyarihan ang manaig at handa itong pumaslang ng walang kaawang awang angkan dahil lamang sa kapangyar...