"Joshua, could you please stop singing?" malumanay na pakiusap ng bagong dating na babae sa crew na nagmo-mop. "Baka pasukin tayo dito at bigla ka na lang bumulagta riyan."
"Bakit ba pinagiinitan mo ang boses ko?" iritadong baling dito ni Joshua. "Kung ayaw mong marinig ang boses ko, huwag ka dito."
"Pwede ka namang kumanta. Huwag nga lang ngayon --- hello? Yes, Mr. Gonzaga. I'm still here... I just turned off the annoying radio. Yes, yes. I'm still interested in our shoot..."
Nakamasid lang ako sa babae. Bawat galaw nito, hindi nakaligtas sa akin. Bawat salita, bawat kilos, napapansin ko.
Kaya naman nang maka-order ito at mabaling sa akin ang mga paningin nito, marahil sa paghahanap ng mauupuan, mabilis na ibinaling ko sa ibang direksyon ang kanyang mukha. Baka kasi mahalata ito na sinusundan ko ito ng tingin. Baka kung ano pa ang isipin nito sa akin. Or worse, mamukhaan pa niya ako. Aalis na sana ako nang bigla kong makita na papalapit ito sa akin. Tila ako na-mighty bond sa kinauupuan. Biglang kumalabog ang dibdib ko. Feeling ko anumang oras ay baka mag-collapse na ako. Now I could see her up close.
Maganda at maamo ang bakas ng mukha nito. Maputi at mediyo may pagkachinky ang mga mata nito. Maliit ngunit matangos ang ilong nito at may mapupulang mga labi. Her hair looks so shiny and healthy. The girl looks so beautiful.
No wonder hindi niya mahiwalayan ito.
"I don't know about that. I'll check it as soon as I get the papers. Thanks again, Mr. Gonzaga. It's nice doing business with you as well." even her voice sounds so soft.
Nasagi ko ang librong hindi ko na pinansin at bumagsak iyon sa sahig. Nakita kong napalingon ito sa akin. Dinampot niya ang nahulog na libro.
"T-thanks."
"You're welcome." Malambing pang sabi nito.
Nanlambot ang buong katawan ko nang ngitian niya ako. Kaya naman muling bumagsak ang iniabot nitong libro. But she just pick it up again as her phone rang.
"T-thank you, uli."
"You're welcome uli." She had her attention back to her phone.
Bakit ganon? Hindi ba niya ako nakikilala? Natatandaan? Bakit parang napaka-civil lang ng paguusap naming dalawa? Teka nga, hindi ba dapat ay matuwa pa nga ako na hindi niya ako nakikilalala?
I sighed. Biglang may narinig akong kumalabog na parang bagay na nahulog. I turned to her again. Wala na nga talaga yata akong hiya dahil nakipagtitigan lang ako dito, instead na bawiin ko ang tingin at lumayas na ng café na iyon. Tumayo ito at lumapit sa akin. Bigla akong kinabahan. Bakit ito papunta sa direksyon ko? Kakausapin na ba niya ako ng masinsinan? Alam na ba nito? Ano ang gagawin ko?
Yumuko ito paglapit sa akin at may iniabot na kung anong bagay. Pagyuko ko para alamin iyon ay nagulat ako ng makita ang wala na yatang buhay na cellphone.
BINABASA MO ANG
His Unofficial Girl
General FictionEliette Zelene Montemayor has everything life could offer. Beauty, brain, popularity and the money. She can get anything and everything she wants with just a snap of her finger. Except for one thing... Lio's Love.