7. Almost

4.4K 90 2
                                    

"Are you having fun?"

Napatalon at muntik na akong tumili nang marinig ko ang malamig at buong-buong boses ni Lio.

Napabuntong-hininga ako at kinalma ang sarili.

"Yes. Are you?" balik tanong ko sa kanya.

Nasa harapan kami ng kwarto na ginagamit namin ng girls ngayon. Hindi ko namalayan na nandoon din pala siya sa second floor.

Sobrang engrossed ako sa after party ng engagemnt nila Demie. Mediyo tipsy na din ako dahil kanina pa kami nag-iinuman sa baba. Kukunin ko sana ang cellphone na chinarge ko kanina para makapag group selfie kami ng barkada. Hindi ko na nga rin naisip na andoon nga pala si Lio sa party na iyon.

"Halata nga."

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Na-concsious naman ako. At mediyo na-guilty. Suot ko kasi ang polo ni Troy dahil malamig na din sa labas. Kukuha na nga din ako ng jacket para isoli na ang polo nito. Baka kasi mapulmonya din si Troy. Mukha na kasing nilalamig na din siya kung hindi lang panay ang inom nito na nagbibigay ng init sa katawan.

"Ano nga pala ang ginagawa mo dito?" tanong ko. Yun ang kanina ko pa gustong malaman, eh. Di ko lang matanong kina Chase at Demie dahil baka magtaka ang mga ito. Hindi kasi alam ng mga kaibigan ko na ito din ang boss ko.

"Chase is my cousin."

"Your what?" gulantang kong tanong. Siyempre may hinala na din naman ako but hearing the confirmation coming directly from him... haaaay. Maliit nga talaga ang mundo.

Kung sino yung ayaw mong makita at makilala ng mga barkada niya ay heto. Nandito. At pinsan pa ng fiance ng bestfriend ko! Nakakasuya lang.

"Cousin." Wala lang na sabi nito. Nagkibit-balikat pa.

"I see." Napatingin ako sa pinto sa harap. "Sige. Pasok lang ako."

Pumasok na nga ako at binuksan ang ilaw. Wala na yata kasi itong balak na dugtungan ang sinabi kanina.

Nang makapasok ay agad na hinanap ko ang cellphone. Hindi ko na nga alam kung saan ko nailapag iyon kanina.

"Asaan na kasi iyon?" napapakamot sa pisnging tanong ko sa sarili. Nagpameywang pa ako. Baka sakaling matandaan ko kung saan ko nilagay ang cellphone sa ganong sitwasyon.

"Are you looking for this?"

"WHAT THE FUCK!" napatili ako sa gulat.

Nanlalaki ang mga matang napalingon ako sa likuran.

Standing behind me is the ever-so-handsome Luis Antonio holding my cellphone.

Pumasok na pala ito sa kwarto ng hindi ko namamalayan!

"Bakit ka ba nanggugulat?" nakasimangot na tanong ko dito.

Kairita kasi. Ayaw na ayaw ko pa naman yung may nanggugulat sa akin. Mamaya mamatay ako sa atake sa puso. Magugulatin pa naman din ako.

"I knocked. Hindi mo lang yata narinig."

"But you don't have to enter here. Mamaya may makakita pa sa iyo."

"The coast is clear."

I rolled my eyes. Hay nako! Itong taong to. Hindi talaga nauubusan ng isasagot.

"Ano ba ginagawa mo dito?"

Tanong ko kahit alam naman ko naman. Kitang-kita kasi iyon sa mga mata nito.

His Unofficial GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon