25. No

2.7K 64 1
                                    

"Luis, ano ang ginagawa mo dito?" nag-aalalang tanong ko at kumapit sa sink counter para kumuha ng lakas.


"Someone might get in here and find us." Sabi ko. "Magtataka ang mga iyon!"


"Elle, I want you back." He said and took a step towards me.


Itinaas ko ang palad ko to make him stop. "No, Lio. Di ba tinapos ko na kung ano ang meron tayo? Utang na loob naman. Tapos na, eh. I am trying to move on!"


"Elle, hindi ko kaya. These past few weeks ikaw lang lagi ang iniisip ko. I can't... I can't be with Jen anymore." He exasperatedly said. "I just... just realized that I am not in love with her anymore. I am only in love with the thought that I am still in love with her. Pero nung nawala ka... I just felt so empty. I want you. I love you, Elize."


Tumulo ang luha ko at natawa ako ng pagak. "Alam mo ba kung gaano ako katagal naghintay para marinig mula sa iyo iyan? For two years, I have been waiting to hear that. I have been waiting for you to break up with her and choose me." Pinunasan ko ang mga luha ko. "Mahal kita, Lio. Siguro naman alam mo na iyan. Hindi naman ako papayag na maging kabit mo for two years kung hindi di ba? Ang kaso... sobrang sakit na. Sobrang sakit na. Sobrang tagal ko na hinintay ka. And I just got tired of waiting for this moment. Dapat hindi ba masaya ako dahil narinig ko na saiyo iyan? But no. I feel so bad. Lalo na kay Jen."


I saw the guilt flashed on his face. "Lio. Kung hindi mo na siya mahal, tell her. Stop hurting her. Stop taking her for granted. Stop keeping her at bay. She deserves more than this." Sabi ko at nilagpasan na siya. Buti na lang at walang tao sa labas ng CR.


Para akong zombie habang naglalakad. I wanted to cry so bad but I stopped myself. Pinangako ko sa sarili ko na hindi ko na iisipin pa si Lio. Na magmomove on na ako sa lahat ng sakit.


Pagliko ko papunta sa bar ay nakasalubong ko ang maganda at mabait na si Jen. Gusto kong umiyak habang nakatingin sa kanya. Gusto kong humingi ng sorry pero walang lumabas mula sa akin hanggang sa magtanong na siya.


"Hey. Have you seen Lio?"


I smiled weakly at her. I am so sorry, Jenevy. "Nakasalubong ko siya sa CR." Sabi ko at nilagpasan na siya but she grabbed my arm. Nagulat naman ako doon.


"I heard that you resigned." Sabi niya na may pag-aalala sa mga mata. "You are one of the best chefs I know and sayang na umalis ka na."


"Balak ko kasing magtayo ng sarili kong restaurant but before that mag-aaral ulit ako. Baka sa France." paliwanag ko.


"OMG! Talaga? Pwede kita i-recommend sa mga kakilala ko. Marami ako alam na culinary school sa France. I could help you." she said sweetly.


"Thank you, Jen. Pero balak ko pa lang naman iyon." Sabi ko sa kanya. No. Ayokong tulungan niya ako. Dahil mas lalo akong nagui-guilty sa kabaitan na pinapakita niya sa akin.


"Okay. Just give me a call pag nagdecide ka na." sabi niya sa akin at tumingin sa gilid niya when she heard her name.


"Jen." Si Lio na kalalabas lang ng hallway pero nakapako ang tingin sa akin.


Tumalikod na ako pero agad na bumalik kay Jenevy para yakapin siya ng mahigpit. I sobbed.


"I am so sorry, Jenevy." mahinang bulong ko sa kanya bago mabilis na tumalikod at umalis. Gusto ko na talaga magsorry sa kanya. Pero alam kong walang magagawa ang sorry ko kapag nalaman niya. Mas lalo lang siyang masasaktan at ayoko non.


Bumalik na lang ako sa bar counter kung nasaan nagtatawanan si Troy at ang mga boys.


"Kayo ba ni Elle, kailan?" natatawang tanong ni Gajeel.


"Ang alin?" tanong ko. Pilit kinakalma ang sarili. Agad na pinulupot ni Troy ang mga braso niya sa baywang ko.


"Wedding." Tukso ni Angelo. Namula naman ang mga pisngi ko sa sinabi nila.


"Come on, guys. Hindi pa nga ako sinasagot, wedding na agad?" natatawang sabi ni Troy. "Darating din tayo diyan."


"Aba'y, ang hina mo naman Herrera!" tukso na naman ni Denis.


"We are taking this slowly, guys." Sabi ni Troy. "But rest assured na sa simbahan din ang tuloy naming dalawa."


I can not help but to smile at that. Troy is really a good person and I don't want to hurt him. Tama lang na tinaggihan ko si Lio dahil mas magiging mas komplikado ang lahat if I accept him again. Mas maraming masasaktan at ayoko na na may masaktan pa. It is better this way. And I will be fine.


I will be fine.... I hope.


His Unofficial GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon