4. Under the Starry Night

4.4K 100 0
                                    

“Hey.” Bati ko sa mga kaibigan nang makadating sa beach resort ng pamilya nila Demie. Pumasok na kami sa resthouse. The last time we went here ay noong celebration ng pagbalik ni Raven a couple of months ago.

Nakita kong nagkakasiyahan na ang ibang mga kaibigan ko sa sala. They are playing cards, there were bottles of alcoholic drinks, and chips. Nagsimula na agad ang mga ito.

Hinahanap ko si Demie but she is nowhere to be found.

“Change of plans, guys!” sigaw ni Kit na hawak-hawak ang iPad nito.

“Ano bang meron?” asked Sage.

“Ang tagal ninyo kasi kaya di kayo updated.” Sabi ni Gajeel na kumakain lang ng chips.

“Tahimik, guys!” sigaw na naman ni Kit.

“Ganito kasi…” she started filling us the details of the party kuno. It turns out it would be a surprise engagement party for Demie na pinagplanuhan ni Chase.

Nagulat ako. Ikakasal na ang isa sa mga bestfriends ko. Ikakasal na si Demie na NBSB. Naunahan pa niya ako!

“Bale, magiging bukas ng gabi iyon. So may isang araw pa tayo para mag-prepare.” Sabi pa ni Kit. “Chase wants us to be involved kasi we are important to Demie. Kaya ayon.”

“Ganito, ah? Elize will be the cook for the foods tomorrow. Onti lang naman ang bisita. Demie’s parents and other relatives as well as Chase’s. The boys will help you since wala naman maitutulong yang mga iyan.”

“Ang sama mo forever, Kit.” Sabi ni Angelo.

Hindi ito pinansin ni Kit. “Raven will be in charge of the desserts.” Kumaway lang si Raven. “Sage will help her.”

“Ang Bandits ang kakanta bukas. Walang alam si Demie. Ang alam lang niya, simpleng get-together lang ito. She will arrive pa tomorrow evening. Si Chase bukas pa ng umaga ang punta.” sabi pa ni Kit.

“Okay, kids? Nagets nyo na ba?”

“Ano bang kailangan isuot bukas?” si Raven.

“Beach wear lang.” sagot ni Kit na may sinusulat sa maliit na notebook nito.

“Elle, simpleng putahe lang naman ang iluluto bukas. Bukas na din maggo-grocery. Take the boys with you.” I nodded.

“Okay na? No more questions?” nagsi-ilingan kaming lahat.

“I just cant believe na sila din magkakatuluyan.” Biglang sabi ni Hannah. “I mean… you know.”

“We also think that too.” Sabi ni Gajeel.

“And Chase is not the settle down type of guy.” Sabi pa ni Troy.

Her ex-boyfriend.

Yes, yes, yes. Naging kami ni Troy Herrera nong college. Naging mag-on kami ng two years. Kaso wala eh. I tried and he also tried to fall in love with me. Kaso hanggang magkaibigan lang talaga kami. Yes, we shared a lot of intimate moments but… wala, eh. Pinilit niyang mahalin ako. Kaso hindi siya maka move on sa first love niya.

He also didn’t go beyond our make-out sessions. Ginagalang ako nito kasi ng sobra. We parted ways and decided to be just friends. At alam kong iyon ang pinakamagandang desisyon para sa aming dalawa.

“Hey, grabe kayo. Alam ninyo naman na noon pang highschool gusto na niya si Dominique.” Sabi ni Raven. We all fell silent. “Ay, ako lang ba ang may alam?”

“Ikaw ang gusto non, di ba?”

Raven chuckled. “Eh lahat naman kayo ako ang gusto. Ano pa ba nakakagulat doon?”

“Yung sinabi mo.”

“Kasi nga… gusto talaga ni Chase si Demie noon pa. But they did have a little misunderstanding. Kaya ayon.” Sabi pa nito.

Natahimik ang Prexies. Lalo na si Hannah. “Well, past is past so let’s just enjoy this moment. Magpapakasal na si Demie.”

“Oo nga, eh. Ikaw ba walang balak?” tanong ko.

Raven pouted. Nahigit ng mga lalaki ang hininga ng mga ito. Hanggang ngayon ay ang lakas pa din ng dating ni Raven. Mas lalo pa nga yatang nadagdagan.

“Ini-enjoy ko pa ang pagiging single.”

“Anong single?” napalingon kami sa kadadating lang na si Archer. Kasama nito ang mga kabanda nito.

“Ay, may sinabi ba akong single?” patay-malisyang lusot pa nito.

“Raven…”

“Wala, babe. Wala talaga. Ikaw talaga. Maglinis ka nga ng tainga minsan.” Nilapitan na nito si Archer at nilambing-lambing.

“Ugh. Eto na naman sila.” Reklamo ni Kit.

Natawa ako. Kapag kasi magkakadikit ang dalawa ay akala mo may mangyayari na. Lakas maka-PDA.

“Get a room, you two!” sigaw pa ni Denis.

“Tse! Inggit ka lang!” asar pa ni Raven dito.

Natawa na lang ako sa kakulitan ng barkada. Maya-maya ay naglaro na kami ng mga baraha. May iba scrabble naman ang nilaro. Yung iba chess at dama. Madami na din nainom ang mga kaibigan ko. Yung ibang girls nakasalampak na sa sahig at tulog.

Tumayo ako at lumabas para magpahangin saglit. I settle on a garden set chair. Ipinikit ko ang mga mata. Mediyo hilo na din kasi ako.

“Hey, are you okay?” I looked up to see Troy with a worried expression on his handsome face. Sinundan pala niya ako.

“Mm-mm.”

“Akala ko kasi magpapalunod ka na.” he joked. Umupo ito sa tabing upuan ko.

Ilang minuto din ang namayani sa pagitan namin. Ikiniskis ko ang mga palad sa braso. Nilalamig na kasi ako.

“Here.” Napatingin ako kay Troy. He is offering his cardigan to me. See? Sabi na gentleman itong si Troy.

“Thanks.”

“So, how are you?”

Napataas ang kilay ko. “We just met a few weeks ago.”

“Few weeks ago pa iyon.”

I giggled. “Oo nga pala. Well, I am okay.”

“Really?”

I looked at him questioningly. “You are unusually quiet. Naalala ko kasi na ganyan na ganyan ka pag may bumabagabag sa iyo. Isang tanong, isang sagot.”

“You remember?” I was shocked. Akala ko hindi nito napapansin ang mga mannerisms or habit ko na ganon.

“Of course. We’ve been together for two years, Eliette.” I smiled. Ito lang ang tumatawag sa akin ng Eliette. Bale, term of endearment niya daw sakin.

“And believed it or not, minahal naman kita.”

“Ako din naman. But we both know that it is not enough.”

Natahimik kami. “Ano ito? Throwback Thursday?”

Natawa ito. “Hay nako, Eliette Zelene. Halika nga dito.”

Lumapit naman ako at kumandong. He gently wrapped his arms around me. I felt that familiar warmth whenever I was enveloped in his gentle arms. Nakatingala lang kami sa langit na madaming mga stars. Walang nagsasalita sa amin ngunit hindi awkward.

“If you have problem you can always tell me, Eliette.”

Tumango lang ako ng marahan. Kapag kaya nakipaghiwalay ako kay Lio, sasaluhin kaya ako ni Troy? Maybe this time we can work things out? Maybe this time, ma in love na siya sakin?

His Unofficial GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon