30. Sorry

3.2K 74 1
                                    

Jen's POV

Isang buwan. Isang buwan akong nagluksa. ISang buwan kong pinagaling ang sarili ko. Isang buwan akong nagself-pity. At ngayon... tatapusin ko na ang lahat. I want to be the Jenevy Licaros who is confident in whatever she will do. Ibabalik ko ang nawala.


Nag-doorbell ako. Hinintay ko na may magbukas ng pinto. Ilang segundo lang ay nagbukas na din ang pinto revealing a distressed mistress.


"Jen..." mahina at gulat niyang sabi sa pangalan ko nang makita kung sino ang kanyang bisita. I was not on her guests list kaya naman nagpatulong ako kay Raven para makapasok at makausap siy.


I smiled weakly. "Can I come in?" tanong ko.


She stared at me bago nilakihan ang bukas sa pinto. Pagpasok ko ay hindi ko maiwasang isipin kung dito... kung dito rin ba ay nagkikita sila at ginagawa nila ang dating ginagawa namin ni Lio. I brushed a tear that escaped from my eye.


"May... may gusto ka bang inumin?" mahinang wika niya. Umiling ako.


"I want us to talk." sabi ko. Tumango siya at pinaupo niya ako sa couch. Sa couch rin ba kaya na ito...? Ipinilig ko ang ulo ko to erase those unwanted thoughts.


I stared at her as she took her seat. Nakayuko siya at bakas ang mga luha sa mukha. Hinintay ko siyang magsalita. And when she started talking, I can't help but to cry once again.


"I'm sorry, Jenevy. I am so so sorry..." sabi niya at umiyak. "Alam kong hindi sapat ang sorry lang sa nagawa ko sa iyo pero ito lang ang alam ko..."


Naramdaman ko din ang pagtulo ng mga luha na pinipigil ko kanina pa. Masakit pa rin hanggang ngayon.


"How?" I asked. "I want to know how it all happened." Matapang kong sabi. Nang magdesisyon akong kausapin siya ay napagdesisyunan ko na rin malaman ang lahat. Ayoko ng maging bulag sa lahat.


"Jen..." napatingin siya sa akin.


"Please. I need to know." kahit masakit. Kailangan kong malaman. "I deserve to know."


Huminga ng malalim si Elize. Tinitigan ko siya. Maganda si Elle. Alam kong may lahi siyang Korean kaya naman ang kutis niya ay tulad sa mga ito. Mapuputi at mamulamula. Naalala kong ang tipo ng babae ni Lio ay tulad ni Elle. Petite, paper white skinned, and looking innocent.

"It started when I became one of the chef of Squisito. Yun yung naghiwalay kayo ni Luis." Of course, I remember that time. Iyon iyong nagkakalabuan na kami ni Lio because he wants me to be by his side. Pero iyon din iyong time na pinili ko ang sarili ko.


"3 months naging kami. But then you came back and he chose you." she said. Naaalala ko din iyon. Mahal ko si Lio kaya umuwi ako ng Pilipinas para makipag ayos sa kanya. Humingi ako ng ilan pang taon para makamit ko ang mga pangarap ko. And after that I promised him that I will be back. That I will marry him and I will stay here for good.


"I don't know what happened... pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na..." she didn't finish what she was saying. Alam ko naman iyon. Gets ko iyon. "I saw him as a challenge. Kasi may girlfriend siya. Kasi he is off limits. Pero Jen... hindi ako ganon. Siguro deep inside me, gusto ko pa rin siyang kasama. I really did fell in love with him. And I know how wrong is that pero... mahal ko, eh."


"Mahal ka niya." sabi ko. "Mahal ka ni Lio."


"Pero mas mahal ka niya." she said as she sobbed. "Kasi alam mo? Kung hindi, mas madali sa kanya na makipaghiwalay sa iyo. He won't keep you at bay if he is not in love with you. Kasi ang tagal kong nag-antay. Two years? Two years akong naghintay na hiwalayan ka niya. Na kusa ka niyang hiwalayan kasi mahal niya ako. Na kahit papaano may nararamdaman siya sa akin. Pero wala, eh."


"He realized it late. Siguro kasi noon wala siyang karibal pagdating saiyo." I said. "Nakita ko ko kasi kayo ni Troy. Ang tanga ko kasi hindi ko napapansin na kapag magkakasama tayo at kasama mo si Troy, nag-iiba ang timpla niya. Nagseselos siya kay Troy."


"Tinapos ko na, Jen." she said as she held my hand. Napaiyak na naman ako. "Kasi mali, eh. Kasi alam kong madami ng masasaktan. And you are a good woman, Jenevy. You deserve so much better. And I know hindi makukuha ng isang sorry lang ang ginawa ko sa iyo."


I can't help but to feel pity of her. Nagmahal lang din si Elize. Pero hindi pa rin tama iyon.


"I am so sorry..."

His Unofficial GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon