16. On Mission P2

2.7K 50 0
                                    

So Sorry for the delays. I am editing this story. Sobrang nabusy ako last December. Merry Christmas and Happy New Year, readers! Thanks for patiently waiting sa mga stories.



ELLE's

After I saw Lio looking at us kanina ay nawala na ako sa sarili ko. Gusto kong lapitan siya at itanong kung bakit nandito rin siya sa RADIL. Kung ano ang ginagawa niya dito. Napaka-small world naman. Nung engagement party nila Chase at Demie ay nandoon din siya. Nung kumain kami sa labas ng Prexies ay nandoon din siya. At ngayon ay nandito na naman siya. Ano ba ang gustong ipagduldulan ng tadhana? Gusto na ba talaga nito na sabihing malapit ng mabuko ang tagong relasyon namin ni Lio? Is this one of the signs I prayed for the night I saw Jenevy?


Pero iniiwasan ko na rin naman siya. And I think umiiwas na rin naman siya sa akin dahil hindi na niya ako pinupuntahan sa condo. Hindi na rin siya masyadong nagtetext or tumatawag. Hindi na rin niya ako masyadong kinakausap sa restaurant. Kung kausapin man niya ako ay laging related to business.


Muntik ko na ngang makalimutan na may isang Luis Antonio Valdemare na nage-exist sa buhay ko ngayon at masyadong komplikado ang buhay namin dahil sa relasyon naming dalawa. Kung relasyon bang matatawag iyon.


"Hey." Muntik na akong mapatili nang marinig ko ang boses na iyon.


"Why do you became so jumpy all of a sudden?" hinarap ko si Troy at ngumiti rito.


Because of a certain Luis Antonio.


Muntik ko na mai-blurt out kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Ngumiti na lang ako kay Troy.

"Mediyo kabado lang ako para mamaya." Sabi ko na lang. Inayos ko din ang mga styrofor na naglalaman ng mga pagkain ng mga bata. Malapit na kasing mag lunch time at isa ako sa mga nakatoka para mamigay ng mga pagkain.


"I see." Sabi din nito at pumwesto sa tabi ko sa mahabang lamase na iyon.


"Bakit ka nandito?" takang tanong ko.


"I'll help." Hindi kasi ito nakatoka sa pamimigay ng foods.


"Paano si Denis?"


"Nakipag-switch ako kay Cheeka." Si Cheeka ang kaibigan ni Katarina na dancer na kasali sa G-Force. Volunteer din ito.


Nangiti na lang ako pagtapos ay tiningnan ko ang mga volunteers na inaayos ang pila ng mga bata. Iginala ko ang mga mata ko searching for Luis... Nakita ko naman agad siya na nasa drinks area at nag-aayos din kasama si Demie at Chase na natoka din doon.


Napansin siguro nitong may nakatingin dito kaya inangat nito ang mukha at saktong pag-angat nito ay tumitig ito sa akin. Madilim pa rin ang expression ng mukha nito. Pinaglipat-lipat pa nito ang tingin sa akin at kay Troy na thank God ay busy sa pag-aayos. Naalala kong ayaw nga pala nitong dumidikit ako kay Troy.


Pero ano ba ang pakialam nito? As far as I know ay wala naman kaming relasyon nito. It was just pure sex between us. May Jenevy naman ito. Kaya anong karapatan nitong pagbawalan ako?

His Unofficial GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon