28. The Anniversary

3.4K 66 4
                                    

ELIZE's

"Girl, ano? Nasaan ka na?" Frantic na tanong ni Sage kay Raven na nasa kabilang linya.

Nasa clubhouse na kami ng Villabella ngayon, celebrating our friendship anniversary. This is our 21st anniversary. It has been 21 years since we became friends. Kami ng mga Prexies.

"Ikaw na lang inaantay! Andito na ang boys!" Sigaw ni Katnisse na katabi ni Sage at pinapakinggan ang pakikipag-usap kay Raven.

"The Late Queen." Nakairap na sabi ni Hannah.

"Hannah." Saway naman ni Demie. "If Sage hears you..."

Hannah sighed. Mayroon kasing rift sina Hannah at Sage. It has been 7 years mula ng mangyari iyon. Pero may lamat pa rin kahit nagkausap na kami about sa issue na iyon. At si Sage ang pinaka-matigas sa aming lahat. She never treat Hannah the same way again.


"I know. I know." Sabi nito at umalis at nagtungo sa mga boys na nag-iihaw.

"Okay! Bilisan mo lang!" Sage shouted. Kung meron man nakakasigaw kay Raven ng ganon ganon, isa na si Sage doon. But it's not like they are afraid of Raven. Iba lang kasi ang dating ni Raven. Maybe because she has royal blood in her system.

"She is on her way. She brought someone with her." Imporma sa amin ni Sage bago umupo sa tabi ko.

"Archer?" Takang tanong ko. Ang alam ko, sabi ni Raven, nasa Las Vegas daw ngayon si Archer kaya hindi makakapunta.


"No. A friend from Martinique." Napatango na lang ako. Matagal tagal na ring nakakauwi si Raven sa Pilipinas. But she never told us what happened to her when she left. Ang alam lang namin ay naging model ito doon at designer ng tea cups. Maybe Sage knows. Pero hindi siya nagkwento sa amin. Hindi ko rin naman masisisi si Raven kung bakit nagkaganon. Kung bakit parang wala na siyang trust sa amin. Mahirap naman kasi talagang maibalik pa ang trust.


"Hey." Napalingon ako kay Troy na naupo sa tabi ko. May dala siyang spaghetti at inihaw na Liempo. Nilapag niya ito sa harap ko. "Eat."

I smiled at him. After what happened to us a few days ago, ay nag-iba na totally ang trato niya sa akin. He cared for me more. He always checks up on me. Kung kumain na ba ako, kung nakauwi na ba ako, or kung ano-ano pa. He is acting like a real boyfriend. Kulang na lang talaga ay maging official na kami by saying yes to him. And I think this night is the right time that I will answer him.


I like Troy. Lagi ko naman sinasabi iyon. Hindi man katulad ng dati at hindi man katulad ng pagmamahal ko kay Lio, masasabi ko namang I could try it with him. Gusto ko naman na sumaya. I want to try it with Troy. Lalo na wala na kaming ugnayan ni Lio. After what happened to us two weeks ago, siguro naman time na para sa akin na mag move on na talaga. We part ways two weeks ago. At masakit iyon. Lalo at mahal ko talaga si Lio. Na hindi lang lust ang nararamdaman ko for him.


I need to let go of Lio lalo at magpapakasal na sila ni Jenevy. I heard she is staying here for good para magpakasal na sila. Matagal na rin naman sila. 9vyears? Anong laban ko doon? Yung tipong pwede namang hiwalayan ni Lio si Jen just to be with me pero hindi niya ginawa. The mere fact na hindi niya kayang hiwalayan si Jen, means na hindi niya kayang mabuhay ng wala ito.

Yes, he may loved me but it can not be compared to what he feels for Jenevy.


I made a big mistake. Iyon ay ang kumabit sa isang taong may karelasyon. I became a mistress. The other woman. But what can I do? Mahal ko si Lio. Minahal ko siya. At kahit kaunting panahon lang okay na sa akin. Dahil mahal ko siya. Pero wala eh. Mahal niyang totoo si Jen at ayoko ng umasa pa. It's hight time for me to move on and be happy.


His Unofficial GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon