After the incident sa kitchen awhile ago ay hindi na kami ulit nakapag-usap ni Troy. Naging busy na kasi ang lahat para sa engagement party. Pero hindi naman nawala sa isip ko ang sinabi ni Troy. Ano bang sumapi dito at bigla niyang sinabi iyon? Girlfriend? Troy wants me to be his girlfriend. Again? Ano iyon? Na-realize ba niya na mahal niya talaga ako at gustong makipagbalikan? Or gagawin lang niya akong panakip-butas? Hindi ko pwedeng paniwalaan ang mga salitang sasabihin ni Troy. Emotional wrecked kasi ang lalaki. Sobrang broken-hearted nito ngayon. With Raven being engaged to Archer...
And for Lio... hindi din kami nakapag-usap na dalawa. Umalis din naman kasi agad siya sa kusina after kaming makitang naghaharutan ni Troy. Nagselos kaya siya? He looked so mad. But I doubt that. Bakit naman magseselos ito? Eh wala naman kaming relasyon. Hindi naman niya ako girlfriend. Kabit lang. And speaking of Lio, hindi ko pa alam kung bakit siya nandito. Kamag-anak ba ito ni Chase since kilala ko lahat ng kamag-anak ni Demie?
Sobrang coincidence naman kung ganon. Kung sino yung tinatakasan mo, siya naman yung ipagduduldulan sa iyo ng tadhana. Kaleche lang.
“DEMIE IS HERE. OH, MY GOD!” ang nakakairitang boses ni Sage iyon. Tense din ito. Para naman ito yung magpopropose. Naka-set up ang buong sea side sa isang napakagandang settings. Flowers and dancing lights everywhere, may make-shift stage pa para sa Bandits, may sounds, tables na may takip na itim na tela, at sa gitna nun ay may callalilies – Demie’s favorite flower. Sa isang banda naka-lagay ang mga inihanda ko kaninang mga pagkain. Kasama ang desserts ni Raven.
Napa-angat ang likod ko mula sa kinahihigaang duyan nang mapansin kong nakatitig sa akin si Lio. Shit lang. I cant afford to be busted by all of my friends today. Hindi pa ako ready. At ayaw kong malaman ng mga ito ang ginagawa ko. To them, I am a good girl and I cant do immoral things like what Lio and I are doing right now.
Natakpan ang view ko kay Lio nang makita ang nakangiting mukha ni Troy papalapit sa akin. I smiled automatically. If worse comes to worst with Lio, sigurado akong hindi ako gaano mabobroken-hearted. With what Troy said earlier? Even if magmukhang rebound. Rebound din naman ako ni Troy pag nagkataon.
Tinitigan ko siyang mabuti. Naka red na boardshorts ito, havaianas on his feet, at nakaputing floral polo shirt na bukas lahat ng butones. Kitang-kita ko ang magandang hubog ng katawan nito. That chiseled chest and that yummy six-pack abs. Damn that hot body of Troy. Parang pinagsisisihan ko na na pinakawalan ko siya noon na hindi natitikman.
Bad! Bad ka Elize!
“Hi.”
“Hi, back.” Umayos ako ng upo sa duyan para bigyan ito ng espasyo.
“What is that?” tukoy ko sa container na hawak nito. Ibinigay naman niya sa akin iyon.
“Silvanas.”
“Uuuyy!” binuksan ko gad iyon at kumuha ng isa.
“Alam kong paborito mo iyan kaya nung lumabas kami kanina nila Denis, bumili na ako ng stocks para sa iyo.”
I stopped eating the dessert. Ganoon si Troy. Mula noon hanggang ngayon ay napaka thoughtful nito.
“Troy…”
“About earlier? I’m serious, Elle.” Nakangiting sabi niya. Hindi ko tuloy makita ang mga mata niya kung seryoso o hindi. Mediyo may kadiliman kasi doon.
“Why?” why now? Gusto ko sanang idugtong.
He stared in front of us. Nakita kong lumabas ng resthouse si Raven. Lahat napatingin dito. Maging ang ilang bisita. Naka-sobrang maikling ombre shorts ito at black na bikini top. Kitang-kita tuloy ang sobrang sexy na katawan nito dahil sa suot. Aminado naman akong maganda ang katawan ko ngunit iba ang level ng kaseksihan ni Raven. Pang Victoria’s Secret iyon. She have all the curves on the right places. Her creamy complexion compliments her black bikini top. She had her hair tied in a messy bun.
BINABASA MO ANG
His Unofficial Girl
Narrativa generaleEliette Zelene Montemayor has everything life could offer. Beauty, brain, popularity and the money. She can get anything and everything she wants with just a snap of her finger. Except for one thing... Lio's Love.