3. Beach

4.6K 107 0
                                    

 

Cause you sex takes me to paradise

Yeah, your sex takes me to paradise

And it shows, yeah, yeah, yeah

 

That is my cellphone ringing tone.

Napabalikwas ako ng bangon. Kinapa ko ang cellphone sa side table ng kama.

“Hello?” groggy pa na tanong ko.

“Hoy, bakla! Magga-gabi na, tulog ka pa din?”

Ang nakakairitang boses ni Sage ang sumagot sa akin. Sage is one of my bestfriends. Kasama din namin ito sa grupo naming Prexies. The pretty and sexy ladies.

“Bakit ka ba tumawag?”

“May ka-sex ka siguro kaya hanggang ngayon tulog ka pa din?”

Napa-ungol na lang ako sa kakulitan nito. “Wala, okay? Wala.”

“Suuuus, teh…” humagikgik pa ito.

I can’t believe na may alam ito sa nangyayari sa akin! Or inaasar lang talaga ako nito. Kung may alam man ang mga kaibigan ko ay hindi ko na alam. Masyado kasi akong malihim tungkol kay Lio. I never introduced him to my friends. I intended too. Noon. Kaso nga naghiwalay kami. At lalong hindi ko na ipapakilala ito sa mga kaibigan ko. Ngayon pang magulo ang relasyon namin ng binata. At wala naman itinatanong ang mga ito tungkol sa lovelife ko.

“Ano bang kailangan mo?”

“May paparty daw si Demie sa Batangas ngayon. Invited tayo!” sigaw pa nito.

Lalo tuloy sumakit ang ulo ko. “Party? Anong meron?”

“Aba, malay.” She said. “Basta invited tayo. Nag-gm iyon, eh. Tinetext din kita para sana sabay na tayo. Kaso di ka nagrereply so I called you na lang. At tama nga ang hula ko! Tulog ka nga!”

“Masakit lang ang ulo ko kaya nag undertime ako kanina. Natulog ako pagka-uwi ko pa lang.” dahilan ko. Totoo naman. Doon kasi ako natulog sa condo ni Lio kagabi. Hanggang kaninang tanghali ay nandoon kami. Wag ninyo na alamin ang nangyari kasi meron ngang nangyari. Lio is very insatiable last night kaya ayan puyat-puyat ako.

“Ngeh! So hindi pala ako pwede makisabay sa iyo?” worried na tanong pa nito.

“Saan ba yung kotse mo?”

“Nasa talyer, eh.”

“Na naman? Palitan mo na nga iyan! Lagi na lang yan nasisira.”

“May sentimental value sakin yon.” I can imagine Sage pouting right now.

Natawa ako. “Kasi doon kayo unang nag-sex ng boyfriend mo. Tama?”

“Hoy! Hind kami nag-sex, no?” I laughed. Alam kong nanlalaki ang mga mata nito. “We made love, okay? We made love. Magkaiba iyon.”

Ako naman ang natigilan. Buti pa itong si Sage. May ka-make love na. Eh ako? Puro sex lang. Alam ko naman ang kaibihan ng dalawa. Yung ginagawa namin ni Lio pure lust yon. Pure sex. Walang pagmamahal na involved.

Napaisip ako. Ako kaya? Kailan ko kaya masasabi na nakipag-make love na ako?

“Hoy, bakla. Andiyan ka pa ba?”

“Oo. Sorry. Bigla lang ako may naalala.”

“Sus. O, so paano tayo?”

“Sino ba mga pupunta?”

“Prexies and the boys, I think?”

“Tawagan mo na lang si Angelo. Pasundo tayo. Punta ka na lang dito para dito na niya tayo sunduin.”

“Aryt.” Ibababa ko na sana ang cellphone nang sumigaw ito. “Dala ka pala ng mga damit. Sa Sunday pa ng gabi balik natin.”

“K.”

Ibinaba ko na ng tuluyan ang cellphone. I checked the time. It says quarter to 6 on her kerokeroppi wall clock.

Tumayo na ako at pumuntang kusina. I checked my fridge at tamang-tama na may lasagna pa akong natira. Ipinainit ko iyon sa microwave oven. I made myself a cup of coffee.

I checked my phone to read some messages. May messages nga si Demie at ibang mga kaibigan ko. Asking kung makakasama ba ako. Nag-scan pa ako. Ngunit wala ang text na inaasahan kong matanggap.

Walang text ni Lio.

Well, ano ba inaasahan ko? Magtext ito at magtanong kung nakauwi na ba siya? Kung nakapagpahinga na siya? Kung kumain na siya? Kung ano ginagawa niya? Asa pa ko. Hindi naman ako ang beloved girlfriend nito. Kabit lang ako.

Bigla ay may naramdaman akong kirot. Binalewala ko na lang iyon. Sa ngayon, mag-eenjoy muna ako kasama ang mga kaibigan. Hindi ko na muna iisipin si Lio. Or… pwedeng habang nasa malayo kay Lio ay isipin na niya ang plano niya. Kung itutuloy ko pa ba ang relasyon namin o magmomove-on na ako. 28 na ako. At gusto ko naman na before ako mag 29 ay mahanap ko na ang the one. Hindi ko mahahanap iyon kung na kay Lio lang ang atensyon ko.

His Unofficial GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon