Busyng-busy ang lahat para sa preparation ng surprise engagement party para kay Demie. Dumating na si Chase kanina. Nagalit pa nga ito ng maabutan kami lahat sa living room. Plakda lahat.
Ngayon ay kasama nito ang ilang boys para i-pacify ito. Masyado kasing tense. Baka daw pumalpak ang surprise nito. Or worst, baka tanggihan siya ni Demie.
I rolled my eyes. As if tatanggihan ni Demie ito.
"Hey." I looked up to see Troy's smiling handsome face. May dala itong supot.
"Hey. How's Chase?" tanong ko habang naghihiwa ng sibuyas. Simpleng putahe nga lang daw ang kailangan lutuin. So I decided to cook Spaghetti, Carbonara, Beefsteak, Paella Valenciana, Fish Fillet in TarTar Sauce and Demie's favorite, Kare-Kare. The other boys are busy grilling liempo, barbeque, chicken and hotdogs.
"Still tense." Linapitan niya ako. "Need help?"
"Oh, yeah. Ikaw na maghiwa nito." Sabi ko at binigay and kutsilyong gamit. "Na-stress ako sa mga boys. Ang kukulit tapos hindi pa nila alam ang gagawin! Seriously, paano sila nabubuhay ng walang alam?"
I heard him chuckle. "Take out, love. At nandiyan naman kasi kayo para hatiran sila ng mga rasyon." Well that's true. Every week may isa sa kanilang mga babae ang naghahatid ng mga lutong pagkain sa pad or bahay ng mga boys.
"We spoiled you rotten." I snorted as I checked the beefs kung malambot na.
"True." Sang-ayon naman nito. "Wala ka bang balak magtayo ng sariling restaurant mo?" tanong niya maya-maya
"Meron, siyempre. Kaso nagiipon pa ako, eh. Gusto ko naman kasi kapag nagpatayo ako ng business, dugo at pawis ko ang puhunan. You know how I hate getting something from the fam." Well wala naman issue sa pamilya ko kung humingi man ako. Pero proud kasi ako. Gusto ko kapag may ginusto ako, pinaghihirapan.
"Pwede akong mag-invest diyan."
Napatingin ako bigla kay Troy. Seryosong-seryoso siya sa paghihiwa sibuyas. Parang wala lang iyon sinabi niya ilang segundo lang ang nakakalipas.
"Totoo?"
"Oo naman." Nakangiting binalingan niya ako.
"What's the catch, Herrera?" hindi ako makapaniwalang ganon-ganon lang ito kung mag-invest. I know that he is a goddamn businessman but...
"Nothing."
"Ano nga?" tinusok ko ang tagiliran niya. Malakas kasi ang kiliti ni Troy sa bewang.
"Wala nga." Napapaigdad na sabi niya.
"TROY!"
"Eliette Zelene!"
"Hindi ako nagbibiro."
"Lalo naman ako."
Tinusok ko ulit siya sa tagiliran. "Ano nga kasi, Troy?"
"Wala nga, Eliette. Ang kulit." Natatawang umiiwas siya sa akin. Namumula ang pisngi dahil sa pagkiliti ko.
"Troy, ah!" hindi kasi ako makapaniwala sa sinabi niya. He will invest in my business at walang kapalit? Huh.
Hindi na siya sumagot kaya kinulit ko siya ng kinulit. Nakita ko ang icing na ginamit ni Raven kanina sa pagbake. I took the spatula full of icings. Lumapit ako kay Troy at pinahiran siya sa mukha.
Tawa ako ng tawa ng makita ang nanlalaking mga mata nito. "ELIZE!"
"Ayaw mo kasi magsalita!"
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang kumuha din ito ng icing. Napatakbo ako sa loob ng kusina ng tumitili.
"Come here, Elize!"
"Ayoko!"
Napatili ako ng malakas nang ma-corner ako ni Troy. Hinapit niya ako sa baywang at nilapit sa katawan niya. I can feel the heat emanating from his body. Nagtitigan lang kaming dalawa. I can feel the awkward feeling I never felt when we were together.
"Gotcha!" napatili na lang ako ng ipahid nito sa mukha ko ang icing.
"What the heck, Herrera!"
"Ikaw ang nauna!"
"Hindi mo kasi ako sinasagot..."
"Be my girl, again, Elize."
"Kaya naman kinulit kita..." unti-unti akong natahik nang mag-sink ang sinabi niya. I stared at his eyes. Gone was the playful Troy. Napalitan iyon ng kaseryosohan.
Wait, what? Did he just say...
"Ano nga ulit yon, Troy?"
"I said..." hinaplos niya ang isang pisngi kong walang icing. Napakalambing ng mga mata ni Troy. Napalunok tuloy ako. "Be my girl, again, Eliette."
No shit? Ano ba dapat ang sinasabi sa mga ganitong sitwasyon? Kagabi lang ay iniisip ko kung may pag-asa pa kami ni Troy kung sakali? Ang bilis naman yatang dumating ang sign na ito...
Oo ba? Hindi ba?
Biglang pumasok sa utak ko si Lio.
Paano si Lio?
Eh hindi naman kami ni Lio...
"So this is what's happening here."
Sabay kaming napalingon ni Troy sa bukana ng kusina.
Leaning along the door frame is non other than Luis Antonio Valdermare. He looks so serious while looking at the both of us.
Napaawang ang bibig ko. What is he doing here? Why is he here? At bakit feeling ko I was caught cheating by my boyfriend?
BINABASA MO ANG
His Unofficial Girl
Narrativa generaleEliette Zelene Montemayor has everything life could offer. Beauty, brain, popularity and the money. She can get anything and everything she wants with just a snap of her finger. Except for one thing... Lio's Love.