Inilapag ko sa harap ni Jen ang isang baso ng mainit na gatas. Nasa living room na kami ng penthouse. Dinala ko siya dito nung nag-break down siya sa ibaba. Nakaupo na siya ngayon sa couch at balot ng kumot. She looks really broken. Gone was the beautiful and sophisticated Jenevy Licaros.
Jen and I, we've been friends for almost 6 years. I met her in Martinique, France. Kaibigan ito ni Hendrick. In fact, she was the one who designed Hends' house in France. Architect/model kasi ito. Co-model ito ni Hendrick at naging kaibigan. Pinakilala kami ni Hendrick sa isa't-isa, and we instantly clicked. Mabait kasi si Jen. She is always smiling and she looks really really happy. She is full of positivity. Bagay na wala ako noon.
Akala ko pa nga noong una, Jen and Hendrick had something going on between them. Nang tinanong ko kay Jen iyon ay sobrang natawa ito. Sabi nito ang may boyfriend na nga ito. 3 years na ang mga ito nang makilala niya si Jen. Doon kasi nag-aral ng Architecture si Jen. Kailangan nitong umalis at iwan muna ang boyfriend nito sa Pilipinas para sa studies nito. Wala naman daw problema sa boyfriend nito dahil sobra daw mahal na mahal ito ng binata. Tsaka, dumadalaw-dalaw naman daw ang binata tuwing weekends kung hindi ito busy.
Kitang-kita at dama ko ang pagmamahal ni Jen sa lalaki. Lagi itong bukambibig ni Jen noon. Laging may kwento tungkol dito. I really wanted to meet this guy who captured sweet Jenevy's heart. Ngunit hindi mangyari-yari ang pagkikita namin ng lalaki. Parang itinadhana yata kaming hindi magkita nito. Kung wala ako sa Martinique ay tsaka ito dumadating. Kung wala naman ang lalaki sa Martinique ay tsaka ako andoon.
And Jen never showed any pictures of him. Sabi niya, she wanted me to meet him personally. Sigurado daw magki-click kami dahil mabait nga iyong Lio — as she lovingly called him — at chef din daw. Knowing her appetite, sigurado daw magiging isa sa mga favorite kong tao daw iyong Lio.
And now how come that Lio is cheating on her? The last time we talked, and that was just two weeks ago ay sinabi nitong magpapakasal na nga ang dalawa! Permanente na nga daw na titira sa Pilipinas si Jen. Matagal na din naman daw itong nag-hintay kay Jen. And Jenevy is very much willing to give up her promising carreer in France.
"Jen..." I gently said her name and touched her arms. Hindi kasi matigil-tigil ang mga luha nito. Mugtong-mugto na nga ang mga mata nito. Nag-aalala na ako para sa kaibigan.
"We... Made love..." Napalunok si Jen. Ako naman ay tahimik lang at pinapakinggan ito.
"No." She laughed sarcastically. "We had sex." Pinagdiinan pa nito ang last word. "For the first time, we had sex."
I bit my lower lip. Hindi ko kasi kayang tingnan ang kaawa-awang hitsura ni Jen. Pinahid nito ang mga naglandas na luha mula sa mga mata nito.
"For the first time... He..." Huminga ito ng malalim
"Jen... Please..." Nilapitan ko siya at niyakap. "Kung hindi mo kaya, just stop. I know how it hurts..."
"No." She continue wiping her eyes. "I need to let this out. Kung hindi... Mababaliw ako..."
Tumango na lang ako. "I am just here."
"He was... He was so aggressive... I..." Humikbi na naman ito. "I felt like a whore..."
Napapiksi ako sa mga saliting lumalabas sa bibig nito. Sweet si Jen. At hindi bagay dito ang mga balahurang mga salita.
"I thought he really missed me kaya ganon siya ka-aggressive. And its not like, I am not doing that to him. Of course, we do that." Ngayon naman ay natatawa ito ngunit hindi iyong masaya. Parang nanunuya.
"Okay lang na ipagawa niya sa akin iyon. Nagulat nga ako kasi it was the first time... He initiated the oral sex. I do that to him to pleasure him kahit ayaw niya noon dahil daw hindi bagay sa akin yung ganon. I wanted to please him. I always want to do that because I love him... But when we were doing it kanina... I can feel na iba... Na ibang-ibang tao na siya..."
Hinaplos ko na ang buhok niya to calm her dahil nagsisimula na naman siyang manginig.
"He was so aggressive to the point na nasasaktan na ako. But it was okay... Kasi akala ko okay kami. Akala ko na-miss niya lang talaga ako. But no... Every thrust he made, I felt like a dirty woman. A whore. A slut... Parang parausan. He can't even look straight in my eyes."
"Sssssh. Jenevy, dont say that. You know you are not like that." Saway ko sa kanya. Hindi pa lang ay nag-iinit na ang ulo ko sa Lio na iyon! How dare he do that to my sweet sweet Jen?!
"Nung natapos na... Of course, hindi ko ipinakitang nasaktan ako. Na naninibago ako. Baka kasi dahil lang lasing siya kaya ganon." Napahigpit ang yakap ni Jen sa akin. "I was about to sleep when I heard him whisper. He said he loves me. I was beyond happy kasi ngayon ko lang ulit narinig iyon with all his emotions into it mula ng dumating ako. But my world... My world collapsed when I heard him say another girl's name."
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko dahil sa mga naririnig ko. Damang-dama ko ang sakit na nararamdaman ni Jen. Damang-dama ko.
"Ang sakit. So... I hurriedly walked out from his condo. Kaya pala. Kaya pala I saw a woman's clothes sa condo niya. When I asked him about it, sabi niya sa pinsan niya. Hindi ako nagduda kasi confident ako... Na ako lang. Na mahal niya ako and he will never cheat on me. He will never do that because he loves me. He loves me."
I wiped my tears dahil alam ko ang pakiramdam na iyon. Naranasan ko na din iyon noon. Yung tipong gumuho ang mundo mo.
"We've been together for 9 years. I always thought of my future with him. But he... He got a change of heart. Alam ko... Alam ko nung binulong niya iyon... Yung pagkakasabi niya ng mahal niya yun babaeng iyon... Alam ko na iba na. Na wala na ako sa puso niya. He whisper that words like he used to whisper it to me 8 years ago..."
Ilang sandaling hindi umimik si Jen. Tahimik lang siyang umiiyak habang ako naman ay yakap siya ng mahigpit. Gusto kong kunin ang lahat ng sakit na nararamdaman ngayon ni Jenevy. I owe Jenevy a lot. Siya iyong isa sa mga taong hindi ako iniwan at sinukuan noon.
"Kasalanan ko naman..."
"No. Wala kang kasalanan." Mariin kong sabi sa kaibigan. Ngumiti lang ito ng mapait.
"Of course, I have. Siguro kung hindi... Hindi ko siya iniwan... Kung hindi ko siya iniwan dito sa Pilipinas... Kung sana napaaga ang uwi ko, sana hindi mangyayari ito. Sana ako pa rin. Sana ako pa rin yung mahal niya."
"No, Jen. It will be his loss." Sabi ko. "Cheating is always a choice. Wag mong i-justify ang panloloko niya sa iyo."
"I dont regret studying abroad. But I regret staying there longer that it should be. Pero... Bakit? Even though nandoon ako, nandito siya, he still doesn't have the right to cheat on me. To bed other girl. If he really loves me, he wouldn't do that, right?"
Di ako makasagot. Di ko alam ang sasabihin ko so I let her talk more. Para naman kahit papaano ay gumaan ang loob niya,
"Kanina ko pa naiisip iyon. And then I realized... Talagang wala na akong halaga sa kanya. Kasi kung meron... He wouldn't keep me at bay. Hindi niya ipagpapatuloy kung ano ang meron sila nung babae... If he really loves me. But he did. He still kept me. Ni hindi man lang niya naisip ang mararamdaman ko once na malaman ko!"
I hugged Jen tighter. Letting her cry like a wounded kid in my arms. Alam na alam ko ang nararamdaman ni Jen. Naramdaman ko na iyon. Yung sakit na malaman mong yung taong mahal na mahal mo, yung taong naging sentro ng buhay mo ay may iba.
"Hush, Jenevy. Everything will be allright. I am here. I won't leave you." Bulong ko sa kaibigan. Hindi ko magagawang talikuran si Jen. Mahal ko si Jen. Naging tunay itong kaibigan sa akin noong sobrang kailangan ko ng tulong. Naging sandalan ko siya noong panahong sirang-sira ang buhay ko. And its time for me to do the same to her.
BINABASA MO ANG
His Unofficial Girl
General FictionEliette Zelene Montemayor has everything life could offer. Beauty, brain, popularity and the money. She can get anything and everything she wants with just a snap of her finger. Except for one thing... Lio's Love.