14. Not Perfect

3.4K 75 7
                                    

"Ready na ba ang lahat?" tanong ni Raven sa aming lima.


Nasa mansion kami ng mga DiLaurentis nang umagang iyon para i-check lahat ng mga kailangan para sa mini-concert. Maya-maya pa ay aalis na kami papuntang RADIL sa Bulacan. Hinahantay na lang yung ibang boys para sabay-sabay na kaming umalis.


"I'm excited." Sage bumped her hips on mine. Nagtwi-twinkle pa ang mga ito. Sa aming lahat kapag may mga ganitong okasyon ay si Sage lagi ang excited. Ni hindi nga masyadong nakatulog ito kagabi. Nag-overnight kasi kaming lima sa mansion nila Raven.


"Lagi ka naman excited, Santina." Komento ni Demie na buhat ang isang kahon na nagco-contain ng mga giveaways. Ang mga pagkain na ihahanda mamaya ay galing sa Cait Shelter. Isa ito sa mga restaurants ng pamilya nila Archer. Bukas naman after ng mini-concert ay may pa-medical mission sina Angelo at Denis kasama ang ibang mga doctors and nurses ng mga hospital ng mga ito.


Kaya naman mag-oovernight kami sa bahay nila Gajeel sa Bulacan para hindi na kami ma-hassle.


"Uuuy, Santina, gandahan mo mamaya yung ilalagay mo sa aking face paint, uh?" singit ni Hannah sa pag-uusap namin dalawa.


"Pagmumukhain kitang clown!" nakairap na sabi ni Santina dito. Inirapan din ito ni Kit. Baliw talaga itong dalawang ito. Lagi na lang nagtatarayan pag may time.


May pa-face paint at ibang mga activites like painting ng mga maliliit na figurine mamaya before ng mini-concert. Planadong-planado talaga ang event na iyon sa RADIL. Lahat kasi kami ay benefactors ng RADIL.


I checked the time on my wristwatch. It says quarter to 7 am. Magstart kasi ang event saktong 8.30. Facepaint muna at ibang activities and then 11.30 ay paglalunch na namin ang mga nasa foundation. And exactly 1pm ay magsta-start na ang mini-concert.


"Ang tagal naman nila! Sabi ko 6am. Anong oras na?" kunot na kunot ang noong sabi ni Demie. Ayaw na ayaw kasi nito ng mga late. Palibhasa ay lagi itong on time.


"Iwan na natin!" suggestion ni Kit na nakaupo sa garden chair nila Raven at kumakain pa ng clubhouse sandwich na breakfast namin kanina.


"Ano? Di pa tapos? Lamon lamon din pag may time?" komento ni Demie.


"Inggit ka lang, eh." Kit pouted.


"Oy, tigil na. Ayan na sila." Nguso ni Raven sa mga kotseng sabay-sabay na pumasok sa gate. Sabay-sabay pang bumusina ang mga loko.


"ISA!" saway ni Raven sa mga ito. Nagcause kasi ng ingay ang sabay-sabay na pagbusina ng mga ito. Natawa lang ang nangungunang si Archer. Sakay ito ng silver Porsche Carrera nito at nakababa pa ang hood kaya kitang-kita ito. He gave Raven a fliying kiss before parking his car. Sakay nito si Troy.


Aba, himala? Close na yata ang dalawa.


"Hello, gorgeous ladies!" bati sa amin ni Denis na kababa lang ng Van nito. Sakay naman nito sila Gajeel, Drew, Angelo, Miggy at iba pa naming kaibigang lalaki. Sakay naman ng Montero ni Chase sina Aian, JD, RC, at Louie.

His Unofficial GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon