“Santina, gandahan mo naman!” reklamo ko kay Sage habang pinipintahan niya ang mukha ko.
Kasalukuyan kasing nagaganap na ang kiddie activities sa covered court ng RADIL. Napagtripan nilang magkakaibigan na magpa-face paint na rin para mas lalong mapalagay sa amin ang loob ng mga bata. Nauna na ang ibang Prexies at ako na ang last.
“O, tapos na, madam.” Sabi ni Sage habang nilalapag ang mga brushes sa maliit na mesa nito.
Kinuha ko agad ang salamin na nasa tabi at pinagkatitigan ang mukha ko. Blue and black ang kulay na nilagay ni Sage sa right side ng mata ko. It was a beautiful butterfly wings na may glitters-glitters pa.
Malaki ang ngiti ko nang bumaling ako muli kay Sage. “Thanks, Sage! You are the best.”
“Oo na. Oo na.” taboy na nito sa akin.
Inirapan ko at iginala ko na ang paningin ko sa nangyayari sa buong covered court. Lahat ay nagpaparticipate sa program at kitang-kita sa mga mukha ng mga bata na masayang-masaya at nag-eenjoy ang mga ito.
Nakita ko pa sina Denis at Troy na ina-assist ang mga batang gustong maglaro ng dart paint balloon. Iyong magbabato ka ng dart sa mga balloons na naglalaman ng paint na nakakabit sa isang malaking board.
Parehas na may suot itong mga raincoat para hindi madumihan ang mga damit. Pati na rin ang mga batang naglalaro ay may mga raincoat din na suot.
Nagdesisyon akong lapitan sila. Parehas na masaya at nag-eenjoy ang dalawang lalaki. Nakikipagtawanan pa ang mga ito sa mga batang hindi nakakatama ng lobo.
I decided to capture the moment. “Hey.” Bati ko sa kanila nang makalapit na ako.
“Oh, hi, Elle.” Bati ni Denis.
Napatingin sa akin ang mga bata at nanlaki ang mga mata. Nginitian ko naman sila.
“O, mga bata, ang Ate Elle ninyo.” Pakilala sa akin ni Troy na lumapit pa sa aking tabi.
“Hello po, Ate Elle!” sabay-sabay na bati ng mga ito sa akin. Dose lahat ang mga ito. Siguro nasa 4 years ang pinakabata at nasa 7 years naman ang pinakamatanda.
“Hello. Nag-eenjoy ba kayo?” lumuhod ako sa harap nila at hindi alintana na madumi sila dahil na rin sa mga nagsitalsikang mga paint sa kanila.
“Opo!”
“Sobra po!”
“Thank you po!”
May munting kamay na humaplos sa puso ko dahil sa nakita kong genuine na kasayahan na nakabalatay sa mga mukha ng mga bata. Hindi aakalain ninoman na may mga masasama at mabibigat na karanasan ang mga batang ito. And for the nth time, I am glad that someone like Raven did something like this. Masyadong fulfilling ang nararamdaman kong pagtulong at pagpapasaya sa mga batang ito. Hindi talaga ako nagsisisi na nagvo-volunteer ako dito.
May kanya-kanya kasing grupo ng mga bata ang in-assign sa kanila ni Raven. By partners iyon. Ako walang na-assign sa akin na mga bata dahil in-charge ako sa pagchecheck kung nakaayos na ba ang mga pagkain para mamaya sa lunch at merienda ng mga ito. Katatapos ko lang doon at okay naman. Mamaya ay may mga batch pa ng mga foods na darating. Kaya nag-ikot-ikot muna ako dito at para naman mapicturan ko na din ang mga kaganapan sa court.
Bukod sa face paint at dart paint balloon game ay madami pa silang naisip na gawing activities para sa mga bata at mga teenagers. Tulad na lang ng man in a bubble, on target, may mga pa coloring the book din, pa paint sa mga figurines. Mamaya naman sa mini-concert ay may pa-games din sila at alam niyang hindi lang mag-eenjoy ang mga bata kundi pati na rin silang mga adults.
BINABASA MO ANG
His Unofficial Girl
General FictionEliette Zelene Montemayor has everything life could offer. Beauty, brain, popularity and the money. She can get anything and everything she wants with just a snap of her finger. Except for one thing... Lio's Love.