8. Thinking

4K 74 0
                                    

"Fifty-seven minutes before two in the morning..."


Hindi ko na alam kung ilang beses ko nang tinitigan ang wall clock na nakasabit sa pader sa aking silid. Madaling-araw na pero heto pa rin ako at dilat na dilat. Lahat na yata ng posisyon sa pagtulog ay nagawa ko na. Nakinig na rin ako ng mga instrumental music para lang makatulog. Ang dami ko na nga rin nai-imagine mula sa pagbibilang ng mga tupa sa isip. Parang nakadroga ang isip ko at ayaw dalawin ng pagod.


Dalawa lang naman talaga ang alam kong dahilan ng lahat ng iyon --- si Luis Antonio Valdemare at si TJ Troy Herrera. I don't know what to do with the two.


I want to break the connection between Lio and I but I can't. Alam ko sa sarili na ayaw ko pang mahiwalay dito kahit mga nakaw na oras lang ang meron kaming dalawa. Ine-enjoy ko pa ang kung ano ang relasyon at ano ang meron sa amin. And that is the sexual relationship between us. I admit that Lio is a beast in bed. Magaling ito sa kama kahit wala naman akong maipagkokomparahan since ito lang naman ang sexual partner ko. I wanted out, but I don't want to be away with him. Ang gulo lang di ba?


At isa pa si Troy. Nagpahiwatig nga ito na gusto nitong makipagbalikan sa akin. Hindi ko naman alam ang isasagot dito.


We went out yesterday night. We watched movie, dined in a five-star restaurant and had coffee after. Nothing happened. Syempre, gentleman si Troy. Wala ngang nangyari sa amin nung kami pa dahil nga ginagalang niya ako. May times noon na gusto ko ng ibigay kay Troy ang  v-card ko dahil mahal naman ko nga siya. Kaso nga lang... wala eh. Hindi din nagtagal ang relasyon namin dahil na-realize kong kahit kailan hindi niya makukuhang mahalin ako. Kaya pinakawalan ko na lang siya and moved on.


Just like Luis Antonio. May mahal itong iba ngunit may relasyon kaming dalawa. Mas malala nga yung ngayon dahil nagtataksil kaming dalawa sa Jenevy nito. Ang kaibahan lang non ay nakaya kong i-give up ang pagsinta kay Troy habang yung kay Lio, hindi. I like Lio a lot. Nasa-satisfy niya ang womanly needs ko just like nasa-satisfy ko ang manly needs niya.


Ngunit sapat ba iyon para mag-stay pa ako sa relasyon naming iyon? If I wanted a love like Demie and Chase's, Raven and Archer's, kailangan ko ng kumilos at pakawalan si Lio. Mahirap. Nasanay na rin naman kasi akong gabi-gabi ay kasama ko si Lio sa kama.


Tama. Sa kama.


If one normal girl will choose between Lio and Troy... siguradong pipiliin nito si Troy. Mabait, gentleman, sweet, may respeto sa babae at higit sa lahat walang sabit. Unlike Lio.


Naisip ko nga kung kahit konti may gusto sa akin si Lio, baka sakaling hiwalayan nito si Jen. Pero hindi. Nakakadalawang taon na kami sa ganitong bagay pero matatag pa din ang relasyon ng dalawa.


"Shit." sabi kong bumalikwas ng bangon. Kinamot ko ang ulo sa sobrang inis. Tumingala ako sa kisame. Pero kahit doon ay naaalala ko pa rin si Lio. Okay, fine. Hindi na ako magpapaka-hypocrite. Gusto ko talaga si Lio. Gusto ko pa rin ang nangyayari sa aming dalawa kahit mga nakaw na sandali lang iyon. Kahit na may girlfriend pa siya.


Ngunit kung ipagpapatuloy ko pa iyon at tatanggapin ko si Troy, magiging unfair iyon para sa kaibigan. At ayaw ko na mangyari iyon. Sobrang bait ni Troy para lokohin lang.

His Unofficial GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon