29. Friends

3K 71 4
                                    

"Elle." narinig kong may nagsalita at agad naman akong umupo sa pagkakahiga ko. Nakita ko si Sage at bigla na naman akong umiyak. I'd been crying for the last four days after that confrontation. Nagkampo lang ako sa condo unit ko at ini-off ko din ang cellphone ko. I don't want anyone to see me like this. Especially my friends.



"Elle..." lumapit si Sage sa akin at niyakap ako. I cried hardet as she hugged me tight.



"Ang sama ko. Sobrang sama ko." paulit-ulit kong sabi sa kanya habang umiiyak.



"Everyone makes mistakes, Elle. Wala naman taong perfect." sabi sa akin ni Sage. Hinagod hagod niya ang likod ko para mapakalma ako. "Di ba, ako din naman noon? Naging kabit din ako noon ni Lance."



"But Lance didn't love his girlfriend that time." sabi ko. "Magkaiba naman iyon."



"Still." sabi niya habang yakap pa din niya ako. She let me cry until I have no tears left. "Okay ka na?"



Umiling ako habang pinupunasan ang mata ko ng cleenex. "I am such a bad person."



"You are not. Nagmahal ka lang." sabi niya. "Raven wants to talk to you. Nasa labas sila."



Napatitig ako kay Sage pagtapos ay sa pintuan ng kwarto ko. Parang ayokong lumabas. Natatakot kasi ako. Natatakot akong sabihin nila na mali ako. Na totoo naman pero...



"You have to face the consequences of your action, Elize. Walang mangyayari kung tatakbuhan mo ito." Sage said and held my hand. "Tara? Di ba strong tayo?"



Naiiyak na tumango ako at sumama sa kanya. Mahigpit kong hawak ang kamay ni Sage na parang sa paraan na iyon ay kumukuha ako ng lakas mula sa kanya.



Paglabas namin ng kwarto ko ay agad akong sinalubong ni Demie at Kit ng yakap. Naiyak na naman ako. Hindi ko mapigilan talaga. I'd been so emotional these past four days. Naisip ko lang na kung masakit para sa akin ito, paano pa kaya kay Jenevy.



"We are here for you, Elle." sabi ni Hannah.



Tumango ako at tumingin sa kinaroroonan ni Raven. She was seriously staring at me. Nakaupo lang siya sa couch. She looks calm but I know better.



"Masaya ka ba sa ginawa mo?" basag niya sa katahimikan. Napaiyak na naman ako habang umiiling. Nakayakap pa rin sa akin si Demie, silently giving me her support.



"Why did you do that, Elle? Alam mong may masasaktan." she said as tears falls down on her face. Mas lalo akong naiyak.



Napahawak ako sa dibdib ko. "Mahal ko, eh."



"But it doesn't give you the right to do that. It doesn't give you the right to ruin a good relationship." sabi niya at alam kong tama siya. "Elize, may girlfriend yung tao. Of all people, I didn't expect you to do that. I didn't expect you to stoop that low."



"Well, I am sorry because I am not perfect like you." inis na pinahid ko ang mga luha kong ayaw tumigil. Para itong gripo na sira.



"You know I am not." tumaas ang boses ni Raven. "Ipaliwanag mo nga. Kasi hindi ko maintindihan kung bakit... bakit mo nagawa iyon."



"Raven, we don't have the rights to questioned her. Kaibigan niya tayo. Dapat sinusuportahan ---" sabi ni Hannah na pinutol ni Raven.



"Suporta? What? You think what she did is right? Oo. Kaibigan niya tayo. At ang tunay na kaibigan, pinapamukha sa isa't-isa ang mga kamalian nito. Hindi iyong susuportahan mo pa sa mga maling gawain niya. And don't tell me that I don't have the rights to questioned her, Hannarae. Kaibigan ko ang biktima dito. Jenevy is like a sister to me, too. Hindi ko papabayaan iyon. Lalo at alam ko kung sino ang nasa mali."



Natahimik si Hannah. Walang nagsalita sa amin. Iyak at hikbi lang ang maririnig sa buong unit ko ngayon.



"Tinapos ko na." basag ko sa katahimikan. "A month after Jenevy came back here... tinapos ko na. Kaya nga nag-resign ako para wala ng ugnayan pa."



"Mali pa rin, eh."



"Ano bang mali sa pagmamahal?" hagulgol ko na.



"Walang mali sa pagmamahal, Elize." sabi ni Raven. "Ang mali ay iyong alam mo ng hindi tama, ginagawa mo pa din." Raven stood up. "Kaibigan kita, Elize. But I won't tolerate this." sabi niya at tuloy tuloy na lumabas.



Bumigay ang mga tuhod ko at napabagsak ako sa sahig. Umiyak lang ako ng umiyak habang tinatahan ng mga kaibigan ko. Tama si Raven. Walang masama sa pagmamahal kung ang pagmamahal na iyon ay iyong pagmamahal na wala kang masasagasaang ibang tao.

His Unofficial GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon