2. Challenge

5.1K 100 2
                                    

“Ano nga pala ang sasabihin mo sa akin?” I asked while hooking my bra. Tiningnan ko si Lio. Wala. Naka-slump pa din ito sa couch. Ni hindi man lang mag-ayos ng sarili. Pervert talaga.

“Or you just called for me because you miss me?” I teased him. He chuckled.

“Come here.” Lumapit naman ako. He nuzzled my neck, giving little wet kisses.

“You guess right. I do miss you.” I smirked.

“Bakit? Hindi ka ba na-satisfy kay Jen?” tukoy ko sa girlfriend nito. Australia based kasi ang girlfriend nitong architect. Pumunta si Lio sa Australia and stayed there for a week. Akala ko nga next month pa ito babalik. May times kasing isa or dalawang buwan siyang nawawala.

“Elize...”

“I’m just kidding. I know I am trailing on a dangerous ground, so I’ll stop.” I sighed and get up.

Bakit nga ba kasi pumayag ako sa ganitong set-up? Actually, hindi ko nga rin maintindihan. Maybe I like Lio a lot to be his mistress. Yes. Kabit ako ni Lio. Yung Jen kanina na sinabi niya ay ang girlfriend nito for 9 years na. College pa lang ata ay sila na nito.

But three years ago ay nagkalabuan ang mga ito. That is when I met Lio. We met in a very bizarre way. Nasiraan ako non ng kotse, I was on the way to a friend’s party. Basang sisiw ako noon dahil umulan malakas habang naglalakad sa village. Nakita niya ako at tinulungan. Sinabay niya ako. Little did we know na iisa lang ang party na pupuntahan namin.

Akala ko pa nga ay iyon na ang huli naming pagkikita. Pero nang mag-apply ako sa Squisito, hindi ko inakalang ito pala ang may-ari non. We started dating, we went out a lot, we became an item. I gave him the most precious thing a woman could give to his husband-to-be. I was happy with him. Tumagal din naman ang relasyon namin ng mga 8 months. But his Jenevy came back and claimed what was hers. Hindi pa nga alam ng babae na may iba ng girlfriend ito. Pero nalaman ko palang hindi naman naghiwalay talaga ang mga ito. Nag-cool off lang. Mahal nga sigurong totoo ito ni Lio kaya nagawang makipag-hiwalay sa akin at bumalik kay Jen.

I was devastated at first. Syempre, kahit naman hindi mo ganon ka-minahal ang isang tao, masasaktan at masasaktan pa rin ang pride mo kapag nalaman mong binalikan nito ang ex nito at iniwan ka.

Pero siyempre, life must go on so I did. I moved on. I dated other men, but I didn’t give them myself. Ewan ko nga ba kung bakit. Hindi na rin naman ako virgin so parang okay na naman kung makipag-do ako sa mga naging boyfriends ko. But no. Hindi ko magawa. Hanggang momol lang sila ng mga ito. Isang taon din akong papalit-palit ng diyowa.

Until this Lio jerk befriended me again. Alam kong may motibo ito behind sa ino-offer na friendship. At hindi nga ako nagkamali. One night, a year ago, something happened between the two of us. At nasundan ng nasundan ng nasundan iyon. At hanggang ngayon, ginagawa pa rin namin iyon. Isang tagong relasyon.

I am okay with it until my sister Xyrille announced that she’s getting married. Malapit na nga iyon, eh. Ewan ko. Pero nakaramdam ako ng inggit. Gusto ko din namang ikasal. Gusto ko din namang bumuo ng sariling pamilya. And until I have this kind of relationship with Lio, hindi mangyayari iyon. Pero… gusto ko si Lio. Ilang beses na rin naman akong nagtangkang makipaghiwalay pero hindi ko magawa.

Sa isip ko, wala pa naman akong rason para iwan ito.

 

Hindi pa ba sapat na rason na may girlfriend siya?

 

I shook my head.

“Hon, what’s wrong?”

I smiled. “Nothing.” Tumayo at lumayo na ako mula rito. I picked up my tank top and wore it. “Kung may sasabihin ka pa, sabihin mo na. Magbubukas na kasi ang restau.”

He looked at his wrist watch -- wrist watch na bigay ko noong birthday niya. He then shook his head and stood up. Inayos na din nito ang sarili. Ako naman ay inayos na ang nagulong buhok. Baka kasi may makahalata na may ginawa kaming kakaiba. Hindi naman alintana ng mga tao sa Squisito na naging kami ni Lio. Pero ang alam ng mga ito ay wala na kami at magkaibigan na lang talaga.

“Wala na.” he said but he pulled my waist and claimed my mouth. Ano ba yan? Katatapos lang kaya nila. Ang landi talaga ni Lio.

“Sige, you can go now.”

“Ok.” I smiled before heading towards the door. Nginitian ko ang mga nakasalubong na crews. Pumunta ako sa locker room. Buti at walang tao.

I sat on one of the couches. Katangahan ba ang ginagawa ko? Alam ko naman na may girlfriend ito at mahal nito ang babae. Bakit pa babalikan kung hindi na mahal, di ba?

But doing this forbidden thing is fun. I love adventures and challenges. At itong ginagawa namin ni Lio? Ang patagong relasyon naming ito ay malaking challenge na para sa akin. Challenge na hindi kami mahuli nino man.

His Unofficial GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon