19. Congratulations

3.2K 67 0
                                    

"Hindi mo naman ako kailangan sunduin at ihatid." Sabi ko kay Troy habang tinatanggal ko ang seatbelt at nagpapark na siya sa parking lot ng Squisito. Nagulat na lang ako kaninang umaga nang mapagbuksan ko siya ng pintuan ng condo unit ko saying he's gonna drive me to work. Pumayag na lang ako dahil sayang naman ang effort.


"Ang aga mo tuloy nagising."


"No big deal." He winked at me at lumabas na ng sasakyan. Lumabas na din ako ng Lamborghini Veneno nito. Napanganga pa nga ako ng makita ko ang sasakyan nito. Oo at alam kong mayaman sila Troy. But seeing his car is another thing. Natakot pa nga akong sakyan ang kotse niya.


Nakita ko si Lilibeth na napatigil sa pagpasok sa restaurant at nakangangang nakatitig lang din sa sasakyan ni Troy.


Don't worry, Lils. Ganyan din ang peg ko kanina.



"Lili." Tawag pansin ko sakanya. Nag-snap pa ako ng finger para makuha ang atensyon niya. Kung sa anime lang siguro ito ay baka may tumulo ng laway sa gilid ng bibig nito.


"Oh! Hey, Elize!" nakangiwing bati nito sa akin. Dumapo ang mga mata nito kay Troy na nakangiti lang sa babae. "Uhhm... hello?"


"Hi. Good morning." Swabeng bati ni Troy dito. Di ko mapigilan ang mapangiti nang wala sa loob na mapakagat labi si Lili. I couldn't blame her. Troy is really handsome and hot.


Napapailing na binalik ko ang tingin ko kay Troy. "Tara. Kape ka muna."


"Sure." He held my hand and we walked towards the entrance of Squisito. Wala pang costumers sa restaurant dahil may 1hour pa bago magbukas ito.


Nawala ang ngiti sa mga labi ko nang makita kung sino ang mga nakaupo sa pinakagitnang table. Walang iba kundi si Lio at ang girlfriend nitong si Jenevy.


Nag-angat ng paningin sila Lio nang batiin ito ni Lilibeth. Nakita ko ang pagngiti ni Jenevy kay Lili at ang pagganting bati nito dito. Si Lio naman ay nakatingin lang sa aming dalawa ni Troy. I wanted so much to take my hands from Troy's grip but I stopped myself from doing so. Nakapagdesisyon na ako the other day. I will stopped my relationship with Lio and I will start a new life with Troy. Kakalimutan ko na ang pagmamahal ko kay Lio.


"Oh!" napatingin ako kay Jen na biglang tumayo at lumapit sa amin. "Mr. Herrera! It's so good to see you here. Pupuntahan ka pa lang namin dapat sa firm nyo."


I knotted my forehead. Magkakilala ang dalawa? Kailan pa?


"You knew each other?" naitanong ko.


"Oh, hey, Elle." She leaned towards me and gave me a cheek to cheek kiss. "As for your question, yes. Ilang beses na rin kaming nagkasama ni Troy Herrera sa mga projects. And he is one hell of an engineer."


"Same as you, Jen." Sabi naman ni Troy. "Bakit ka nga pala pupunta sa firm? May new project ba?"


"Yes. But let's talk about it over breakfast?" tumingin sa akin si Jen. "Eat with us too, Elle."


"Mmmm..."


"Come on!" hinila na ako ni Jen. Nakaramdam agad ako ng tensyon nang makalapit na ako sa table nila. Lio is eyeing me. I sigh.


"Goodmorning, Sir Lio." Bati ko. He just nodded as an acknowledgement. Nagtanguan din ang dalawang lalaki.


Nang maka-order si Jen ng breakfast namin at inilatag na niya ang sinasabing project. At sobra akong nagulantang sa sinabi nito.


"Lio and I are getting married." I held my breath when I heard her say that.


They are getting married.


So Lio trully loves Jen. Isa lang talaga akong parausan para dito. He will never ever love me. Patunay iyon ng nakita kong diamond ring sa daliri nito.


"Really?" sabi ni Troy. Tunog masaya pa ito. "Congrats! That is long overdue, right? Finally."


"Yes." Magandang-maganda ang ngiti ni Jen. At kahit nasasaktan man ako ayokong mabura ang ngiti niyang iyon pag nalaman niya ang kataksilan namin ni Lio. "We've got engaged just last week."


Last week? So nung nakipagmake-out siya sa akin sa RADIL ay engaged na siya? Ano ba ang balak sa akin ni Lio? Gawing mistress habang-buhay?


Hindi ka naman magiging mistress kung hindi ka papayag.


"Congrats." That's when I looked up. Sinalubong ko ang seryosong mga mata ni Lio. Nakatingin siya sa akin. Hindi ko mabasa ang nasa mga mata niya.


"Thank you, Elle. Invited kayo." Sabi ni Jen. "Anyway... napagusapan namin ni Lio na kunin si Troy and his team as our engineer sa ipapatayong bahay namin ni Lio. That is kung papayag ka."


I am hoping and wishing that Troy will say no. Pero mahina nga yata ako sa mga ganyan dahil hindi natupad ang hiling ko.


"Sure. I'll arrange my sched para ma-accommodate iyan. Saan nga ba iyan?"


"Tagaytay." Napatingin na naman ako kay Lio as a certain memory flashed my mind.


Maybe we could build our lovenest here. This will be a great place, don't you think?


"That would be a great place!" Troy exclaimed.


Hinawi ko ang aking buhok para mapigilan ang luhang kanina ko pa tinitiis. Masakit na din ang lalamunan ko kakatiis doon.


"U-uuhmm... e-excuse lang?" sabi ko at hindi ko na hinintay pa ang mga sagot nila. Madali akong pumasok sa restroom at ni-lock iyon. Sumandal ako sa pader at hinayaan kong tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.


Akala ko okay lang na kahit na tanggap ko na kailanman ay hindi ako ang pipiliin ni Lio. Alam ko naman, eh. I never expected him to choose me. Because if he will, noon pa sana. Pero masakit pa rin pala. Hearing from Jenevy that they are getting married is one thing. But hearing the place that they want to start with their new lives is another. Because that is the same place they want to spent the rest of their lives together.

His Unofficial GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon