12. What Makes You Beautiful

3.4K 68 5
                                    

"Hey, sorry about that." Hinging-paumanhin ni Troy nang naglalakad na kami sa sementadong kalye ng Villabella papunta sa Clubhouse ng village. Doon kasi gaganapin ang celebration ng pagkapanalo ng team kanina.


"Alam mo naman sila. Ganoon talaga pag natutuwa."


I giggled. "Okay lang. Nabigla lang talaga ako."


"About that..." he put his hands inside his pockets.


"Okay lang. I know you mean no harm." I smiled to assure him that everything is okay. Totoong nagulat lang talaga ako sa sinabi niya. Hindi pa namin kasi ulit napag-uusapan ang gusto niyang mangyari.


Napalingon kami sa likuran nang marinig ang matinis na boses na iyon.


"Tita Elle! Tito Troy!" bati sa amin ng five-year-old adopted daughter ni Raven na si Zafrina.


"Hello, Nina." Binuhat ko siya nang makalapit na siya sa amin. And then I kissed her chubby cheeks. "What are you doing here?"


"Mommy said that there will be a party here. So we came here to join." binalingan nito si Troy na nasa aking tabi. "Why are you with Tito Troy, Tita?" napalingon din tuloy ako kay Troy na nakatingin lang sa bata.


"Ahm, you see, kasama din siya sa celebration dito, Nina. He was one of the players, right? That's why he's here." ngunit nanatiling nakatingin lang ito sa Tito nito.


"But why are you with him? Di ba, dapat si mommy o kaya sina Tita Sage ang kasama mo?"


"Ang dami mo namang tanong, Nina. Daig mo pa ang mommy mo."


"Nandito din sina Tito Chase mo, baby. Nagkasabay lang kami ng Tita Elle mo sa pagpunta rito." May gusto pa sanang sabihin ang bata ngunit hindi na nito naituloy iyon dahil nakarating na kami sa clubhouse ng Villabella.


"Nandito ka lang palang bata ka." napalingon ako kay Sage na hinihingal na. "Pinaghanap mo pa ako sa buong village. Kung hindi lang kita mahal, kinurot na kita." Nang makalapit ito ay parang noon lang kami napansin.


"Oi, nandito na pala kayo."


After kasi ng game kanina ay nagsi-uwian muna ang mga kaibigan. Iyong ibang walang bahay dito ay naki-ligo sa mga may bahay. Ako naman ay binisita ang kapatid na nakatira sa isang condominium building na malapit lamang dito.


Ngumiti si Troy sa amin. "Ahm, Elize, doon muna ako sa boys." Paalam sa akin ni Troy. Tumango lang ako sa kanya.


"At talagang pinannindigan niyo na talagang mag-jowa kayo, huh?"


"Manahimik ka nga diyan, bakla." Nilapitan na rin namin ang ibang mga kaibigan na nakatira rin sa village na iyon. "Where's Raven? Bakit niya pinababayaang maglagalag si Nina?"

His Unofficial GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon