10. Hate

3.7K 88 5
                                    

Lumilipad pa rin ang isip ko nang makarating sa lugar na usapan namin ng mga kaibigan sa BGC. Inilibot ko ang mga mata sa lugar, nakita ko naman kaagad ang mga hinahanap. Kinawayan akoni Demie.


"Oh, ang ganda ng mukha natin ngayon, ah." Salubong kagad nito sa akin.


"Oo nga, eh." Walang gana kong sagot. Kanina ng magising ako, bigla ko na lang gustong magtiti-tili nang makita ang hitsura sa salamin. Ang laki ng eyebags ko nang dahil sa hindi pagtulog ng nagdaang gabi. Talagang binabagabag ako dahil sa unexpected na pagkikita namin kaninag madaling araw ni Jenevy. 


"Oh, what happened to you? Are you sick?" sinipat ni Hannah ang aking noo. "Nanlalamig ka ah. Ano bang nangyari?"


Kung alam ninyo lang.


"Wala naman. Hindi lang ako nakatulog ng maayos kagabi. Siguro dahil nasasanay na akong magpuyat." palusot ko. Ngumiti na din ako dahil mukhang worried na talaga sila sa akin.


"Sabi ko naman sa'yo, huwag mong masiyadong dibdibin ang pagta-trabaho, eh. Hindi ka naman mawawalan ng pera pag nagkataon." paalala ni Hannah na gumana yata ang instinct nito bilang nurse. Hannah is a registered nurse. Mas pinili nga lang nito ang mag-artista muna bago i-practice ang propesyon nito.


"Yes, Miss nurse."


"Huwag mong gawing biro iyan, Elle." Tumango na lang ako. Wala naman talaga akong laban sa mga ito. Ito ang tama dahil nasa field ito ng panggagamot.


Ilang sandali lang ay masaya na kaming nagkukwentuhan nang may biglang kinawayan si Kit sa likod ko. Ang bagong dating na laging late sa usapan. Nakita naman sila agad nito. Pero talagang nag rumampa pa ang kaibigan nilang ito na animo nasa catwalk.


"Am I late?" tanong pa nito sa boses na inosente.


"Ay hinde. Ang aga mo nga, eh. Super aga." Pabalang na sabi ni Sage.


Tiningnan ni Raven ang suot na wristwatch. "I'm not late. One minute pa." sabi nito na naupo na sa katabing upuan ko. Ipagpapasalamat ko na sana na wala itong napansin sa akin nang tawagin nito ang waiter at ibigay ang orders nito. Ngunit nabitin ang paginom ko ng iced tea nang mapatutok sa akin ang atensyon nito.


"Eliette Zelene anong nangyari sayo?" tanong nito. "Para kang eyebags na tinubuan ng mata!"


"Wala naman. Hindi lang ako nakatulog kagabi." But my friend just eyed me. Tinitigan ako ni Raven ng mabuti. I should have known. My friend is a keen observer.


"Sabi ko nga sa kanya wag niyang dibdibin ang pagpapayaman." Sabi ni Hannah.


"Kailangan. Plano ko na nga kasi magpatayo ng sarili kong restaurant." Paliwanag ko.


"Oh, akala ko magi-invest si Troy sa plano mo?" tanong ni Sage.


Ang bilis ng balita.


"He is just kidding."

His Unofficial GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon