13. Friends

3.4K 68 4
                                    

"Hey, ladies!" masayang bati ni Troy sa amin. Nasa mansion kami nila Raven ng time na iyon. Planning for the mini-concert na gagawin namin sa RADIL. RADIL stands for Raven Amarise DiLaurentis Foundation. Nagkakalinga ito ng mga batang wala ng mga magulang at mga kababaihang naabuso.


"Hi, Troy!" sabay-sabay naming bati sa kanya pagtapos ay naghagikgikan. Ewan ko ba sa malalanding kaibigan ko. Pero, well, di ko naman sila masisisi. Ang gwapo naman kasi ni Troy sa suot na red v-neck shirt, brown khaki shorts at black loafers nito. He also had that famous cheeky grin of his.


Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang balingan ako ni Troy at kindatan. Ilang araw na din ang nakalilipas mula ng pasimpleng haranahin ako ni Troy noon sa victory party sa Villabella. At mula non ay mas lagi na kaming magkatext nito at magkatawagan. Noon isang araw nga ay pumunta kami sa Baguio.


As for, Lio, hindi ko na siya gaano nakakausap dahil alam kong focus siya kay Jenevy ngayon. Actually, hindi ko pa nga nasasabing alam ko na nandito na si Jen sa bansa. Wala naman siyang sinasabi dahil hindi naman kami gaano nagkikita nito. Lagi kasi itong wala sa Siquisito Alabang branch kung saan ako nagtratrabaho. And I know the reason kung bakit lagi itong wala. Dahil kay Jenevy. The love of his life.


Okay lang. Para kasing nababaling na rin ang atensyon ko ngayon kay Troy. Ewan ko ba. Para kasing bumabalik ako nung college days ko kung saan niligawan din ako ni Troy. Yun nga lang mas intense ang kilig ko ngayon dahil alam kong may feelings na involve ngayon sa sitwasyon namin dalawa. Feelings niya, actually. As for me, hindi ko pa alam. Ang tagal na kasi mula nung last na naramdaman ko ang pagiging in love. Hindi ko alam kung mahal ko pa si Troy katulad ng pagmamahal ko sa kanya noon.


"Where are the boys?" tanong nito habang isa-isang nilalapag sa harap namin ang pasalubong nitong coffee and frappe from Starbucks. Special request ng ibang Prexies. Di na nahiya ang mga ito. Buti at mabait itong si Troy.


"Nasa pool area. Nagswi-swimming." Sagot ni Raven na tutok sa iPad nito. Busy ito dahil ito ang head organizer ng RADIL. Quarterly namin ginawa ang mini-concert for RADIL. At ngayon ngang magsa-summer na ay naisipan namin na gawing summer ang theme.


Umupo sa tabi ko si Troy after niyang maibigay lahat sa amin ang pasalubong niya. Nagulat pa nga ako ng ilapag niya sa harap ko ang isang stem ng Callalily.


"Aaaaaw... how sweet!" komento ni Sage. "Asan yung sa amin, Herrera?"


Ngumisi lang si Troy dito. Ako naman ay pinalo ito ng hawak kong Callalily.


"Ano?" natatawang sabi ni Sage.


"Baliw ka." Sabi ko.


"Hindi mo ba alam yung kasabihan ng Prexy na 'If you want to be a lover of a Prexy, you gotta get with her friends.'?" Naka-irap namang sabi ni Kit kay Troy. Masama pa yata ang loob dahil walang flower.


"Uuuuy, kanta iyon, di ba?" sabi ni Demie.


"Ay, hindi, teh. Tula iyon. Tula." Nakairap na pambabara ni Sage kay Demie. Sumimangot lang ang huli at pabirong hinila ang unat na unat na buhok ni Sage.

His Unofficial GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon