I am currently editing the story. Please, be patient. Thanks sa mga nagbasa, nagbabasa at magbabasa ng HUG. :*
---
"Go, Angelo! I-shoot mo iyang bola kung hindi matatamaan ka sa akin!" makabasag-eardrums na sigaw ni Sage kay Angelo na kasalukuyang naglalaro ng basketball sa covered court ng Villabella Village kasama ang ibang mga kalalakihan na nakatira din sa village na iyon. My paliga kasi ang village nila at ang kalaban ng team nila ay ang kabilang village - ang Caroline Estate.
Doon nakatira ang kaibigang si Raven at si Sage pati na rin ang ibang mga lalaking kaibigan namin. Executive Village iyon sa Taguig. Actually, nagpaplano na nga din akong lumipat dito dahil maraming happenings sa village na ito. Laging may pa-party, pa-liga, at kung ano-ano pa man. Maganda din ang ambiance. Child friendly at very exclusive. Lahat magkakakilala dahil every 6 months ay may pa-party ang mga taga dito. Acquaintance party kumbaga.
Nandoon ako para mag-unwind. Nagleave kasi ako ng dalawang linggo. Nang makauwi ako sa condo ko ng araw na iyon ay agad agad kong nagtext sa kanya na maglileave muna ako ng 2 weeks. Hindi naman na siya nagtanong pa kung bakit. He just approved my leave.
Hindi ko pa nao-open si Jenevy dito. Hindi ko pa nasasabing nagkita na kaming dalawa at alam kong nasa bansa na rin ito. Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa sinasabi ni Lio sa aking nasa Pilipinas na si Jen. Siguro nakwento na sa kanya ni Jen na nagkita kami.
"Ano ba naman iyan, Sage? Kung gusto mong sumigaw doon ka sa tabi ni coach. Huwag dito. Nakakadagdag ka sa niose pollution ng bansa, eh." Saway ko sa kaibigan.
"Wala akong pakialam. Basta, binibigyan ko ng moral support ang House Villabella." Ang basketball team nila ang tinutukoy nito.
"Pwede ka naman kasi mag-cheer sa matinong paraan, di ba? Hindi iyang parang susugod ka sa giyera." Napatingin ito sa akin.
"Giyera talaga ito, Elle." wika nito bago kumuha ng Cracklings na kanina pa namin kinakain. Engrossed na engrossed na kami sa panonood nang biglang may sumigaw sa kung saan.
"Go, Troy! Pag natalo kayo diyan lagot kayo sa akin! May tig-isang sampal kayo sa akin mamaya!" napatingin kami sa kaibigan naming si Raven na nasa tabi ng coach ng team nila.
"Coach Toffie, puwede ko bang hagisan ang mga players natin?" narinig kong tanong ni Raven sa coach nila.
"Ano naman ang balak mong ihagis sa kanila?" kalmanteng tanong ni Toffie, isa sa mga kaibigan namin at siya ring tumatayong coach.
"Ahas at ipis. Alam mo, iyang si Angelo, Troy and Denis, takot sa ahas eh. Lalo na iyang si Troy, kahit sa bulate takot iyan." Napangiti na lang si Toffie sa sinabi na iyon ni Raven.
"Sino ba talaga ang kinakampihan mo?" nakakunot noong tanong ni Toffie dito.
"Aba, syempre ang HV! Andiyan kaya ang baby boy ko! Archer Baby, I love you!"
Tumingin naman saglit dito si Archer. He even gave Raven a wink.
Raven on the other hand, blew him a kiss.
"Ay, naglandian na naman po sila!" komento ni Sage. "Tara, baba tayo!"
Nagpasiya na kaming lapitan at tabihan ang kaibigan.
"Hey." bati namin sa kaibigan na prenteng-prenteng nakaupo sa isang monoblock chair.
"Hey, my girls!" bati nito at isa isa kaming bineso.
"Ay bet ko iyang costume mo!" Bati ko sa kaibigan na nakasuot ng costume at mukhang si Margaery Tyrell sa sikat na sikat na Game of Thrones. Ito kasi ang kinuhang muse ng basketball team.
BINABASA MO ANG
His Unofficial Girl
General FictionEliette Zelene Montemayor has everything life could offer. Beauty, brain, popularity and the money. She can get anything and everything she wants with just a snap of her finger. Except for one thing... Lio's Love.