23. May alam ka ba?

3.1K 64 7
                                    

Tulala ako habang nakaupo na sa isa sa mga upuan sa loob ng theater na nasa loob rin ng The Site. Hindi kasi ako makapaniwala na kaibigan ni Raven si Jen. At alam kong hindi lang simpleng kaibigan ang meron sa kanilang dalawa. Jen was included sa mga pictures sa gallery.

“Are you okay?” tanong ni Troy habang inaabutan ako ng bottled water. Agad ko naman tinanggap at tinungga iyon.

“Yeah…” wala sa sariling sagot ko.

“Sure? You look flushed.”

Binalingan ko siya at nakita ko siyang nakakunot ang noo sa akin. “Yeah. I am okay. Mediyo… overwhelmed lang.”

He smiled. “I feel the same.” Sabi niya bago kinuha ang nanlalamig kong kamay at pinasalikop niya ang mga kamay namin.

“This will be the engagement of the century!” sigaw ni Cheeka na girlfriend ni Denis.

“I know, right?!” sabi naman ni Jericka na isa sa mga kababata namin.

“Grabe! One Archer de Cordova, please?!” sigaw ni Mayumi na nagpatawa sa mga guests na nasa theater na. Doon magpropropse si Archer mamaya. Sa harap naming lahat.

At nasa theater kami na iyon ngayon para mapanuod ang magiging reaction ni Raven mula pagdating nila mamaya.

“Grabe lungs?” pinapaypayan pa ni Anicka ang sarili gamit ang mga kamay. “Sana ako na lang ang minahal ni Archer!”

“Gaga! Marinig ka ng Raven!” saway ni Jericka sa kakambal.

Tawanan ulit. Nanatiling blanko ang mukha ko. Hindi ko kayang makisaya sa kanila ngayon dahil sa nalaman ko.


“Elize, are you okay?” tanong sa akin ni Demie na katabi ko lang.

“Yes. Kinakabahan lang.” nanatili ang titig niya sa akin bago kinuha ni Chase ang atensyon nito.

I sigh. Buti na lang at tinapos ko na ang kung ano ang meron sa amin ni Lio. Lumiliit ng lumiliit ang mundo naming tatlo. It’s really a small world after all. Sino bang mag-aakala na ang gilfriend ng kinabitan kong lalaki ay malapit na kaibigan ng isa sa mga bestfriend ko? Small world, indeed.

“Nagtext si A.” sigaw ni Linux habang winawagayway ang cellphone. “Malapit na daw sila.”

Excited na nagsiupuan ang mga bisita sa kanya kanyang mga upuan. Nakita ko din sa gilid ng mga mata ko ang pagpasok ni Lio at ni Jenevy. Nakaputing cocktail dress si Jen. Nagpupunas ito ng mga mata habang inaalo ni Luis. Nag-iwas ako ng tingin. I can’t… I just can’t bear see them this sweet.

“Hey.” Salita ni Troy sa aking tabi. Niyugyog niya ako at tinuro sila Lio na paakyat para makapwesto sa likod. “Sila Jen.”

Napilitan akong tingnan sila. Nagtama ang mga mata namin ni Lio. I refrained from showing any emotions. Nilipat ko ang tingin ko kay Jen at nginitian ko siya. She smiled and waved back. After that ay hindi ko na sila tiningnan ulit.

“Lio is one lukcy bastard.” Sabi ni Troy. “Jenevy is one of the sweetest and kindest woman I know. Yun tipong inuuwi sa bahay para ipakilala sa magulang. Tulad mo.” Napatingin ako kay Troy at hindi ko napigilan ang hindi maguilty dahil sa huli niyang sinabi. Kung alam lang nito. Kung alam lang nito ang totoo. Troy will be disappointed. He will be very disappointed.

“Really?” nasabi ko na lang.

“Yep.” He smiled. “At ang maganda pa kay Jen, hindi man lang nag waver ang love niya for the guy. Ang totoo niyan kasi, I once courted her nung nagkasama kami sa isang project sa Australia. Well, who wouldn’t? She’s a nice woman. And instead of entertaining me, aba, sabi wala daw siyang intensyong palitan ang boyfriend niya. Madaming manliligaw si Jen. Too bad she’s already taken.”

Mas lalo akong naguilty. I fooled a good woman. At hindi ko yata kakayanin kapag nalaman niya at ni Troy ang nangyari sa amin ni Lio.

“But I heard Lio got a mistress nung wala pa si Jen dito.”

Nakaawang ang mga labing napatingin ako sa kanya. Naramdaman ko din ang pagtakas ng dugo sa aking buong katawan.

“Saan… saan mo nalaman iyan?”

“Well, it’s just a rumor.” Nagkibit-balikat siya. “May alam ka ba?”

“HAH?!” napalakas yata ang boses ko dahil nagsitinginan ang mga bisita sa amin. Binigyan ko lang sila ng alanganing ngiti.

“What… what do you mean?”

“Well, close ka kay Lio, di ba?” hindi ko alam ang isasagot ko. “I mean, you work for him. Baka may alam ka.”

“Wala.” I cleared my throat. “Wala naman. And we… we aren’t close. Aside of course sa employer-employee relationship.”

Tumango-tango si Troy. “I see.”

Napapikit ako at napahawak sa aking noo. Shit. All hell breaks loose kapag nalaman nila ang ginagawa namin ni Lio behind their backs.

His Unofficial GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon