The day we met
"Uugh! What the hell..." nagpapanic kong sabi nang biglang huminto ang kotse ko. Ini-start ko ng ilang beses ang Beetle ko pero hindi man lang umandar iyon. "Uuugh!" hinampas ko ang manibela sa inis.
On the way na ako sa birthday party ni Enzo pero nangyari naman ito. Ang malas!
Maybe I should really buy a new car...
Tumingin ako sa harap ng deserted na kalsada sa exclusive village na iyon. Maglakad na lang kaya ako? Oh, wait. Pwede naman ako tumawag... Hinalughog ko ang cellphone ko sa loob ng bag. Pero pagtingin ko sa cellphone ay lowbatt pala iyon. Ano bang klaseng kamalasan ito?
Wala akong ka-alam alam sa pag-aayos ng kotse. Ang alam ko lang ay magmaneho. Dapat siguro ay matuto na ako kahit basics.
I sigh. Nasa kalagitnaan na ako ng papunta kina Enzo. Hindi na ako pwedeng bumalik pa para patawagin na lamang sa guard. Nagbuntong-hininga muli ako bago nagdesisyon. Lalakarin ko na lang ang papunta kina Enzo tutal malapit na naman ako sa kanila. Kinuha ko ang bag ko at ang box ng cake na ako mismo ang nagbake para sakanya.
Nakakailang minuto na rin ako naglalakad papunta kina Enzo nang biglang kumulog. Napatingala ako sa madilim na kalangitan. Mukha pa yatang uulan! Mas lalo kong binilisan ang paglalakad para hindi ako maabutan ng ulan. Pero dahil malas ako ngayon, nakaka limang hakbang pa lamang ako nang biglang bumuhos naman ang napakalakas na ulan. Ang malala ay wala pa akong payong na dala!
"Damn it!" gigil kong mura at nagmamadaling tumakbo papunta sa bahay nila Enzo. Wala naman akong masisilungan na bahay or something dito dahil exclusive ang village na ito. Baka pagkamalan pa akong magnanakaw ng mga homeowners kung sakaling tumayo ako sa labas ng mga bahay nila.
"Kasalanan mo talaga ito, Enzo!" gigil kong sabi. Nagulat ako nang biglang may bumusina sa likod ko at dahil sa lakas non ay nabitawan ko ang pinaghirapang cake ni Enzo!
Nanlalaki ang mga matang nilingon ko ang sasakyang walang pakundangang bumusina! Inis akong nagmartsa at kinatok ang bintana ng driver's seat.
"Lumabas ka diyan!" malakas kong sigaw. Naghalo-halo na ang mga emosyon ko. Kung minamalas ka nga naman talaga! Mukha akong basang sisiw pero wala na akong paki! Sinira nito ang cake na pinaghirapan ko!
"Lumabas ka diyan, hoy! Labas!" mas nilakasan ko pa ang katok sa bintana niya.
Naingayan siguro sa akin ang driver dahil dahan-dahan niyang ibinaba ang bintana niya. Isang seryosong mukha ang bumungad sa akin. Mestizo at may pagkasingkit ang mga mata nito.
Napasimangot ako. Gwapo sana siya. Kung hindi lang niya ako ginulat at nabitawan ko pa ang pinaghirapang cake.
"You! Lumabas ka diyan at harapin mo ako!" Sigaw ko para marinig niya. Malakas kasi ang ulan at may kasama pang kulog.
"Ano bang problema, miss?" Ni hindi man lang lumabas nag kumag.
"Sinira mo ang cake ko!" Tinuro ko pa ang kawawang cake ko na nakalagmak na lamang sa kalsada.
The guy snorted. "Hindi ko kasalanan kung wala kang prescence of mind. Ikaw na nga ang nakaharang sa daan, ikaw pa ang galit." Aba!
Namaywang ako at napaawang ang bibig sa sinabi ng lalaki. Antipatikong ito!
"Alam mo---"
"Kung wala ka ng sasabihin, aalis na ako. Busy ako." Iyon lang at tinaas na niyang muli ang window shield ng kotse niya. Nagulat ako sa ginawa niya kaya naman hindi ko na siya nahabol pa nang humaharurot na pinatakbo niya ang kanyang sasakyan.
The nerve!
BINABASA MO ANG
His Unofficial Girl
Ficción GeneralEliette Zelene Montemayor has everything life could offer. Beauty, brain, popularity and the money. She can get anything and everything she wants with just a snap of her finger. Except for one thing... Lio's Love.