18. My one and only You

3K 68 1
                                    

"Here." Inilapag ni Troy ang isang plastic cup sa lamesa sa harap ko. I smiled and thanked him before turning back my attention to Sage who is now singing at the top of her lungs.


"Sage, tama na iyan!" sigaw ni Denise dito. Nakatakip pa ang dalawang kamay nito sa mga tainga.


"Baka bumagyo!" segunda naman ni Jeel.


Natawa na lang ako nang bigyan ni Sage ng dirty finger ang dalawa.


"What is her problem?" natatawang sabi ni Troy.


"Para naman hindi ka pa sanay." Natatawa ko ring sagot sa kanya.


Nasa likod-bahay kami nila Jeel. Nagrent pa nga ng videoke ang mga ito para daw masaya. Hindi ko alam kung paano magigising ang mga ito bukas para sa medical mission. Kanina pa kasi tumatagay ang mga boys.


"BH kasi iyan." Natatawang sabi ni Katnisse. "Magkakabalikan na kasi kayong dalawa."


Natawa ako at hindi dinibdib ang sinabi ni Kat. Oo. Alam ko na kung ano ang meron sa kanila ni Troy noong college pa kami. Sage confessed to me nang ikwento ko na nagpaparamdam na ulit sa akin si Troy. She said that they used to be friends with benefits. Wala naman sa akin iyon. I mean, I am an open-minded person. Atleast alam ko na kahit ginagawa nila iyon ay never silang na-fall sa isa't-isa. They stopped na rin naman when Sage went to Australia after college graduation.


"Di pa rin ba nakaka-move on sa akin iyan?" malakas na wika ni Troy. "Aba! It's been years, Sage!"


"Ulol!" sigaw ni Sage sa mic kaya dinig na dinig hanggang loob. Natawa ako ng malakas. "Kapal mo! Eh, napaka lousy mo naman sa bed!"


"Woah?!" Troy turned to face me. "Don't believe her, Elle! Hindi totoo iyon!"


Ngumisi lang si Sage dito at nagpindot na uli sa karaoke machine ng sunod na kakantahin nito.


"Ayan ang napapala mo, Herrera." Tatawa-tawang sabi ni Kat.


Napasimangot si Troy. "Baliw na babae."


"So... lousy ka pala?" nakataas ang kilay na tudyo ko sa kanya.


"What?" tinaasan din niya ako ng kilay. "Tara sa kwarto at ng masubukan mo ang 'lousy' performance ko!"


I blushed when I understand what he meant.


"Hoy, ang bastos ni Troy!" Raven teased.


"Si Elle, eh?! Sinusubukan ang pagkalalaki ko, eh!"


Nagkatawanan at nagkatuksuhan dahil sa sinabi ni Troy.


"Sira." Pinalo ko siya sa balikat.


"Uy, favorite kanta ni Troy!" sabi bigla ni Raven. "Kantahin mo, Troy, bilis! Para kay Elle!"


"Nako. Wag na. Baka bumagyo." Sabi ni Sage.


"Just shut up, Sage." Tumayo na si Troy at lumapit sa harap ng videoke machine at inagaw kay Sage ang mic.


"Ehem, ehem." he looked at our table. "Elle, love. This is for you."


Napangiti ako ng wala sa oras. Kinikilig ako.


It took

One look

Then forever laid out in front of me


One smile

Then I died

Only to be revived by you


Mas lalong lumawak ang ngiti ko when he started singing. May boses si Troy. In fact, maganda ang boses nito. Malamig. Ramdam na ramdam ko ang pagtaas ng balahibo ko habang pinapakinggan ang boses niya. Para akong pinatapon sa nakaraan when I was still a teenager feeling giddy whenever I saw or talked to him. Noon pa naman kasi ay crush ko na si Troy. But then he only had eyes for Raven. Kaya nga hindi matawaran ang saya ko when he courted me. Sabi ko sa sarili ko noon, I will make him fall. Pero after 2 years of being together ay wala pa rin. Na kay Raven pa rin ang puso niya. Oo nga. Ramdam ko naman na mahal niya ako pero it is not enough to stay in that relationship. Kaya I gave up and moved on. That was when I met Lio. Siguro kung na-realized ni Troy ng mas maaga ang feelings niya for me ay sana ayos ang lahat.


I take one step away

Then I find myself coming back

To you

My one and only you

One and only you

Ohhhohhh


Yes. I like Troy. Siyempre hindi naman mawawala iyon. Parang residue ba. Pero alam ko rin naman sa sarili ko na may mahal na akong iba. Oo. Aaminin ko naman na mahal ko si Lio. Papayag ba naman akong maging kabit kung hindi? Siguro nun simula, challenge lang talaga. Pero habang tumatagal ay nafa-fall na talaga ako sa kanya. Lio can be sweet and thoughtful. And that was why I fell for him.


Now I know

That I know not a thing at all

'Cept the fact that I am yours

And that you are mine



Troy smiled at me. I smiled back. Bakit nga ba ako nagsasayang ng oras mahalin ang isang tao na may mahal ng iba? Bakit nga ba pinagkakaitan ko ang sarili kong sumaya? Bakit nga ba nakikiamot ako ng oras sa isang taong hindi naman kayang ibigay sa akin ang lahat kung andiyan naman ang isang taong kayang ibigay sa akin ang kanyang puso ng buo. Oo sa ngayon mahal ko si Lio. Pero alam ko naman na sa pagdaan ng mga panahon ay makakalimutan ko din naman siya at ang nararamdaman ko sa kanya.



Ohhh

They told me that this wouldn't be easy

And no

I'm not one to complain



I take one step away

Then I find myself coming back

To you

My one and only

One and only



Lumapit sa akin si Troy at binigyan ako ng isang tangkay ng rose na hindi ko alam kung saan galing.


"I love you, my princess." He kissed both of my hands before kissing me on the lips.

His Unofficial GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon