31. Reasons

3.7K 78 3
                                    

Jen's POV

Isang linggo pagkatapos kong kausapin si Elize ay nagdesisyon akong kausapin si Lio. I want to know his reasons. I want to know why it happened. I want to know the side of his story. Gusto kong malaman kung may mali ba ako. Kung may mali sa akin kaya niya ginawa iyon.

Pinindot ko ang mga numero para mabuksan ang unit ni Lio. It opened. Hindi pa pala niya napapalitan ang password niya. Malamig na temperatura ang sumalubong sa akin at mga nagkalat na basyo ng mga alak sa living room. Mula ng malaman ko ang ginawa ni Lio ay ngayon pa lang ulit ako haharap sa kanya. Sa text ko sinabi na alam ko na may kabit siya. Na may iba siya. Pumupunta siya sa Ciael para kausapin ako pero hindi ko siya hinaharap. He is banned from entering Ciael Towers. Tinatawagan din niya ako but I turned my cellphone off. Hindi ko rin ito chinacharge mula ng malow-batt.

Sa loob ng isang linggo na iyon ay pumunta ako sa Palawan para makapag-isip. Inisip ko ang lahat. Nandoon pa rin ang sakit. Hindi mawawala iyon. Pero tama nga ang sabi ng ilan that Time Heals All Wounds. Dahil ang sakit na sobra kong naramdaman noong nalaman ko ang ginawa ni Lio ay nabawasan na ngayon. Kaya ko na siyang harapin at kaya ko na siyang pakinggan.

"Lio?" mahinang tawag ko. Hindi ko alam kung nandito siya. Wala naman akong pasabi. Napabuntong-hininga ako at isa-isang pinulot ang mga bote ng alak na nagkalat sa sala. Hinugasan ko na rin ang mga pinggan na nakakalat sa sink.

Habang naghuhugas ay naramdaman kong parang may nakatingin sa akin. Bumuntong-hininga muna ako bago tumalikod para harapin siya.

Luis Antonio, the man I love, looks so miserable. Pumayat siya at nanlalalim ang mga mata. Namumutla na rin siya at kulang sa ahit. Nag-init ang sulok ng mga mata ko.

"Jen..." mahinang sambit niya at tumulo ang mga luha.

Tuluyang tumulo na ang mga luha ko at tinakbo ko ang distansya naming dalawa at niyakap siya ng napakahigpit. I don't want to see Lio like this despite what he did to me. I still love him and seeing him like this breaks my heart. Masakit.

"Jenevy, I am so sorry. I'm so sorry." Paulit ulit niyang sinasabi habang niyayakap ako ng mahigpit. Nakabon na rin ang mukha niya sa leeg ko at nararamdaman ko ang pag-agos ng mga luha niya. Ako man ay ganon din. Umiiyak din ako habang hinahaplos ang likod niya.

Ilang minuto lang kaming ganon. Umiiyak habang magkayakap. Nang humupa ang aming mga emosyon ay lumayo ako ng kaunti. I cupped his face between my hands and tried to smile.

"Usap tayo, ah?" umiiyak kong sabi. Tumango siya. Inakay ko siya papunta sa kakalinis ko lang na living room. Umupo kami doon at hinawakan ko ang mga kamay niya.

"Jenevy. Sorry." Sabi na naman niya habang mahigpit ang hawak sa mga kamay ko. Tumango ako. I know that he is sincere. Kilala ko si Lio. He never cried like this. I never saw him cried. Noon lang nung nagkahiwalay kami bago nangyari ang sa kanila ni Elize.

"I want to know why." Mahina kong sabi sa kanya. Tiningnan niya ako, namumula ang kanyang mga mata dahil sa iyak.

"I was so frustrated with what's happening to us." Simula niya at tumitig sa may plasma TV. "I want you beside me. I want us to get married. It has been a long time na magkahiwalay tayo. You chose your career over me. At masakit iyon. I want you that time. I need you that time. That was the darkest days of my life. That was when my father died and you weren't there." Napaiyak na naman siya. Napaiyak na din ako.

Kaya kami nagkahiwalay non ay dahil gusto na niya akong pakasalan because his father is dying. Gusto ng daddy niya na makita siyang ikasal sa babaeng mahal niya. But I chose my career. I chose myself.

"Ano ba iyong magpakasal muna tayo just for my dad? Doon din naman ang punta natin noon." Sabi niya. Napaiyak ako. Ngayon ko lang naisip na ang selfish ng ginawa ko noon. Oo nga naman. Ano man iyong magpakasal ako sa kanya since mahal na mahal ko naman siya.

"Papayagan naman kitang umalis. Pinayagan naman kita after you graduate, di ba? Papayag din naman ako basta magpakasal lang tayo. Basta for dad. But you said no. Paulit-ulit kitang niyaya, paulit-ulit ka ding tumanggi. And that was when Dad died. Ni hindi ko man lang natupad ang huling hiling niya." I know how Luis love his Father. He is his idol. If it wasn't for Tito Franco, Luis wouldn't be what he is now. He wouldn't be this succesful. It was Tito Franco who saved Lio from being a nobody. Lio wasn't his biological son. He was adopted. And he will do anything for his dad. At hindi ko sinuportahan iyon.

"I broke up with you." Napatango ako. Nahuli ako ng dating. Nalibing na ang daddy nito ng makabalik ako. I had to do something in Australia regarding work. Hindi ako pwedeng umalis. And again, I chose my career. Hindi niya ako pinansin noon at nakipaghiwalay sa akin. I wanted to patch things between us kaya lang tinawagan na ako ng firm para bumalik. And again, I chose my work. I left him. Iniwan ko siyang nagluluksa. At the back of my mind alam ko naman kasi na babalik at babalik siya sa akin.

"That was when I met Elize. Binuhos ko kasi ang atensyon ko sa business para hindi maalala ang masakit. I lost dad. I lost you." He said as he wiped his tears. "Elize was full of life. She is playful and everyone loves her. Napapatawa niya ako. She told me that Dad doesn't want me to be miserable and lonely. She became my escape from the pain. At unti-unti, nawawala ang sakit. We had a relationship. I like her but I don't love her that time. She doesn't too. That was okay as long as we are happy and we really are."

"But then I came back..."

"Yes, you came back." He sighed. "Alam ko, mahal pa kita. I know that I was still in love with you that is why I broke up with her and accept you again in my life. That was okay with her. But you have to go again and leave me. I told you. Frustrated na ako sa relationship natin. And Elize... she was there. Kapag malungkot ako, pinapasaya niya ako. And I feel happy with her at ayokong mawala ang happiness na iyon dahil ayoko ng maramdaman ang ganoon klaseng sakit. I was so hurt when you left me. Pinayagan kitang umalis dahil iyon ang gusto mo. Iyon ang nakakpagpasaya sayo. I kept you at bay because I know that I still love you and what I had with Elize is just a sexual thing. A sexual relationship. But I wasn't aware that I am slowly falling for her. Na-realize ko lang ito nung..."

"When her ex-boyfriend came in the picture." Pagtatapos ko sa sasabihin niya. He nodded.

"But I tried. I tried loving you again. But I just... I just can't. I always think of her. Every damn time." Suminghot siya. Nakatingin lang kami sa plasma TV.

I should have known what Lio was feeling. Kaso that was overshadowed with my success and happiness with what I was achieving in Australia. I didn't consider his feelings. I took it for granted.

"I am sorry, Jen."

"I know." Napahigpit ang hawak ko sa kanya. "Ngayon alam ko na." tumingin ako sa kanya. "Did you ever tell her how you really feel?"

Tumango siya. "She got tired of waiting for me."

I nodded once again. Ilang minuto ang lumipas na walang nagsasalita. We were just staring at the plasma in front of us. I feel so empty. Pero gumaan ang nararamdaman ko.

"I am going back to Martinique." I whispered. Naramdaman kong tumingin siya sa akin at humigpit ang kapit niya sa aking mga kamay.

"When?"

"Three days from now." Tumingin ako sa kanya. "I am so sorry too, Lio. I... I just realized how selfish I am and how I took you for granted." Tumulo ulit ang mga luha ko. He moved a bit and I was in his arms once again. Humigpit ang yakap ko sa kanya.

"I will miss you." Bulong ko.

He nodded as I closed my eyes and savor this one last embrace from the man I love.

His Unofficial GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon