Kinabukasan, maaga akong pumasok dahil kailangan, maaga si kuya Kurt. Sila, may quiz bee; kami, wala. Mas malaki ang bag ko kasi may laman na mga libro. Hindi naman ako laging naglalagay ng libro sa locker dahil takot ako makalimot mag-aral. Madalas akong mag-uwi ng academic books. Si Camire pa lang ang nasa classroom. As usual, siya lang naman ang laging maaga eh.
“Ang aga mo naman, Colleen. Ay oo nga pala! May quiz bee kayo! Good morning!” bati niya sa akin.
“Good morning. Wala na. Nag-quit si Grace kaya hindi na kami puwede. Apat dapat ang participants eh.” pagpapaliwanag ko.
“Ha? Talaga? Sayang naman,” sabi niyang gulat.
“Oo nga eh. Sayang. Marami na kaming na-review,”
6:10 AM pa lang. Masyadong maaga at hindi ko alam ang gagawin ko. Napatitig ako doon sa patong-patong na encyclopedia sa table ni Ma’am Sandra sa likod. Bakit kaya nandoon ang mga iyon? Dapat nasa review class room iyan eh. Napalapit ako sa table ni Ma’am at kinuha ang isa sa mga libro ng Chemistry. Sa iba-ibang libro na iyan ay may kanya-kanya kaming favorite.
Nakakainis. Sayang, sayang ang mga nareview namin. Hindi ko alam kung bakit napapatitig ako sa mga librong ito. Ang drama lang eh, porke't hindi na makakasali sa quiz bee.
“Colleen! Nasaan na si Arvin? Aalis na tayo oh!”
Teka, si Andrei? Maliit ang bag niya, bag ng tipong sasali sa quiz bee. Nakasilip siya sa pinto.
“Colleen, labas na tayo, third year na lang ang kulang doon oh!”
Maya-maya ay bumukas pa lalo ang pinto at si Grace na pala ang nagsalita. Ano’ng ibig sabihin nito?
“Colleen, bilis! Kasali pa rin kayo!” sabi ni Camire sa akin na excited. Hindi ko alam, pero napakuha ako bigla sa bag ko. Sinamahan ako ng magbestfriend na ilagay ang books ko sa locker.
Pagbukas ko ng locker ay may envelope na halatang pinalusot lang sa butas ng locker ko. Color pink ang envelope. Bubuksan ko na sana, pero pinagmadali ako ng dalawa. Siguro galing kay NVR ang letter na ito. Nilagay ko na lang muna sa bag.
“Mabuti naman naisip n'yong bumalik.” sabi ko at ngumiti sa kanila. Papunta na kami doon sa service ng school.
“Na-realize ko kasi hindi tama na pairalin ko yung pride ko para sumuko sa isang bagay. Sayang ‘yung pinundar natin sa pagre-review eh, dapat wala nang atrasan.” sagot ni Grace.
“Tsaka unfair yata kung year level lang natin ay walang representative. Dapat meron!” singit ni Andrei.
Noong malapit na kami sa sasakyang maghahatid sa amin ay nakita kong nakatayo si Arvin sa may pinto ng van, hinihintay kami.
Pasakay na sana kami nang inasar si Grace ng mga fourth year na makipagbati na, pero matigas silang dalawa. Nakareserba na sa aming third year ang isang linya ng mga upuan. Utos ni Ma’am Kate na mauna si Arvin at sumunod sa pagsakay si Grace. Dahil hindi sila makatanggi kay Ma’am, magkatabi sila sa van, kaya ang tahimik noong nasa biyahe na kami.
#
Nakapasok kami sa elimination round. Top twenty schools ang kinuha at sa pagkakaalam ko ay more than sixty schools ang kasama dito. Division of Cavite ulit ang kalaban namin, ibig sabihin buong Cavite at lahat ng magagaling na schools ang kalaban namin.
We ranked eighteenth sa top twenty. Kulang kami ng isang araw ng review at muntik na kaming malaglag. Hindi gaanong nagpapansinan si Arvin at Grace. Nag-uusap lang sila kapag kailangang-kailangan. Ang awkward, pero nagulat ako dahil nakita kong hindi kumokontra si Arvin sa mga sagot niya.
BINABASA MO ANG
My Firsts With Him (Self-Published) (COMPLETED)
Teen FictionMy Firsts with Him Book 1 Meet Colleen, ang sudden quiz bee whiz na may crush(crush nga lang ba?) kay Arvin. Enter Arvin, ang walang dudang matalino't guwapo ngunit misteryosong makakasama ni Colleen sa isang quiz bee na babago sa buhay niya. First...