“Colleeeeeeeeen! Na-miss ka namin!” bati ni Nicole mula sa malayo. Pagkatapos ng isang linggo pa kasi ako nakapasok ng maayos. Last week, pumapasok ako, pero hinahatid ako ng van ng school papunta sa Laguna para doon mag-review. Bugbog ako sa pag-aaral araw-araw, pero kaya ko ito! Para sa Nationals!
“Miss ko na rin kayo!” All of the girls outside our classroom welcomed me in a big hug.
“Colleen, alam mo na ba ang balita?” tanong bigla ni Nicole.
“Ano ‘yun? Teka, bakit nga pala ang dami ng sasakyan kanina sa parking? Weird eh.”
“Pasok tayo sa loob. Explain ko sayo lahat,”
Hindi ko alam kung anong magiging expression ko pagkatapos ikuwento ni Nicole ang mga nangyayari.
Dalawang tao ang unang pumasok sa isip ko.
Si Dante at si Arvin.
Everyone else knows that the school principal is Arvin’s father.
Someone bought our school. Basta ganoon ang nangyari at bigla nalang daw pinalitan na ang tatay ni Arvin sa puwesto. Madami ring teachers at employees ang biglaang pinaalis.
Basta nalang sila pinatalsik sa trabaho. Pinag-uusapan pa raw ng bagong set ng administrators kung sino ang magiging principal ng school.
Magulo raw ang lagay ng school ngayon, pero tahimik lang ang faculty at staff ng school.
How come I didn’t notice those things? Siguro kasi dahil lagi akong wala.
Ang pinakanakagugulat, ang nakabili ng school ay may-ari ng Montesorri De Dasmariñas.
Ang gulo na dito. Naiinis na ako.
Pinatawag ako sa principal’s office. Kinakabahan ako habang naglalakad ako.
Unang-una ko nakita mukha ng sinasabing “fiancée” daw ni Dante.
Si babaeng kulot na humalik sa kanya noong monthsarry namin.
Iba ang pakiramdam sa principal's office. Siguro kasi wala na ang aura ni Dr. Hagacer na dati naming principal.
“Hi Colleen. It’s nice to finally meet you,”
Ngumiti lang ako sa kanya. Sila! Sila ang bumili ng school namin! Sila rin ang may-ari ng MDD, at fiancée siya ni Dante.
“Hello. Bakit n’yo po ako pinatawag?”
“Nabalitaan ko nagre-review ka for the Nationals. Well, good for you,” sabi niyang sarcastic.
“Yeah. Bakit?”
“Wala lang. I just want to tell you na mukhang hindi na interested si Dante sayo. Hindi ka naman siguro made-destruct if ever I tell you that news, ‘di ba? Remember, engaged na kami.”
Pakialam ko? Ako kaya ang mahal ni Dante.
“Alam ko. At hindi ako pathetic na kailangang bumili ng isang school para lang mapatunayang pagmamay-ari ko ang isang lalaki. Sayong-sayo na siya!”
Ano ba itong mga sinasabi ko? I can't control my voice.
Napatigil siya dahil sa mga sinabi ko. Tumayo siya sa kinauupuan niya, handa na akong sampalin. Ang puso ko, grabe ang tibok. Tinawag pa niya akong bitch.
“Kung bitch ako, ano ka pa kaya?”
Nakita kong nag-iinit na rin ang tainga ng mga magulang niya na kasama niya dito sa loob ng principal’s office. Well, hinding-hindi ako magpapatalo sa kanya. Sapat na iyong hinalikan niya si Dante sa harap ko.
“Remember, Colleen. Puwede kitang ipa-kick-out dito. Ang kuya mo and everyone that belongs to your section…lalo na si Arvin,”
Dinamay pa talaga si Arvin ha?
Dinadaan niya ako sa kapangyarihan nila.
“Puwede ko rin namang ilantad sa media ang lagay ng school ko if ever someone interviews me after the Nationals. Baka masabi kong may bigla nalang bumili ng school namin at kung ano-ano ang ginagawa ng bagong may-ari,”
Hala, baka naman ma-kick out ako ng wala sa oras dahil sa mga sinasabi ko. Kinakabahan tuloy ako lalo.
“Evelyn! Put that girl out of this room!” sigaw ng matandang naka-upo sa desk.
“Sige po. Aalis na po ako. I’m excited for the Nationals. Alam ko pong may laban ang Region IV-A. Thank you po. Good afternoon.”
Paalam ko, kunwari ay gumagalang.
I went out of the room smiling but I am very nervous. Akalain mo ‘yun? Nasabi ko ‘yun lahat kanina. Napaglaban ko sarili ko! Yes!
Sabi ng mga kaklase ko, proud sila sa akin dahil sa ginawa ko.
I messaged Arvin in Facebook that night. Hindi na rin kasi siya uma-attend ng klase dahil sa review niya for his International Math quiz bee.
We talked about our school’s situation. Kahit hindi niya sabihin, alam kong apektado siya. I feel sad for Arvin. Sinabi namin sa isa’t isa na magiging matatag kami kahit ganito ang nangyayari sa school namin. Ipinaalala niya na dapat manalo kami sa quiz bees naming dahil nga nangako kami sa isa’t isa. I wish I can really do this.
Noong binuksan ko ang bag ko, may sampung letters ni NVR. I opened them one by one. Puro love notes, love quotes or simpleng mga mensahe ni NVR sa akin. NVR uses pink papers all of different shapes. Minsan shaped heart. It’s so cute. Ang sweet niya. Abangan ko raw na makumpleto ang lahat ng love notes niya. Sino ka ba kasi Mr. NVR?
Napakasuwerte ng magiging girlfriend ng lalaking ito.
I have a weird feeling na kilala ko siya.
BINABASA MO ANG
My Firsts With Him (Self-Published) (COMPLETED)
Teen FictionMy Firsts with Him Book 1 Meet Colleen, ang sudden quiz bee whiz na may crush(crush nga lang ba?) kay Arvin. Enter Arvin, ang walang dudang matalino't guwapo ngunit misteryosong makakasama ni Colleen sa isang quiz bee na babago sa buhay niya. First...