Hello guys! :D
I will be self-publishing this story. Wala pa akong release date ng book pero nagsimula na ang printing niya.
What will you get if you'll buy the book?
1. Edited and better version of the story - May mga minor inconsitent and illogical details pa akong binago tapos dumaan na sa matinding editing ang manuscript kaya expect a better reading experience. Wala akong dinagdag o binawas. ^_^
2. Bookmark - My friend(the one who made the cover) and I are working on a good bookmark design. You'll get the bookmark for free!
3. Personal Letter to you from me - Madaming tao akong gustong pasalamatan at naniniwala akong it's best to do it with letters(madrama ako eh, lol). Kapag pina-ship ko 'yung book, sasamahan ko 'yun ng letter of thanks, handwritten with love by me. :D
Comment or message me kung gusto n'yong magpa-reserve ng copy. We'll talk about the payment and shipping matters in private. Nakahanap na ako ng courier na sasagot ng madalas na problema ng online buyers at online sellers. In this case, n'yo(kung kukuha kayo ng copy) at ako(na bibilhan n'yo ng copy).
I am planning to use Cliqnship, mayroon silang service na puwedeng bayaran yung package at shipping fee kapag na-receive n'yo na yung book. Wala nang hassle pumila sa banko o magbayad gamit ang Cebuana Lhuiller/Western Union. I will be available if you have concerns. :D
The book's price is P250+shipping fee(depending on your area). We can meet-up if you want kaso kaunting places lang kaya ng powers ko like Mall of Asia.
Another thing: I won't remove the story from Wattpad or any other sites. Kaso, unedited version po iyan. Hehe.
Makikita n'yo sa side ang cover. Here's the book Blurb:
"First time ni Colleen sa isang inter-school quiz bee. First time din niyang umibig.
Tatahi-tahimik si Colleen mula noong lumipat siya sa St. Claire Academy ngayong 3rd year high school. Tinatago niyang may crush siya kay Arvin at mas tumitindi ang paghanga kahit misteryoso ang dating nito.
Nagkasama ang dalawa para sa isang inter-school quiz bee. Naging magkaibigan nga kaso may girlfriend na si Arvin. Noong napagtanto ni Colleen na wala na siyang pag-asa, biglang nagparamdam ang isang secret admirer. Sabay dating ni Dan, ang malaking kabaliktaran ni Arvin na siguradong kukuha ng attensyon niya.
Nag-iisang tao lang ang tinitibok ng puso ni Colleen ngunit paano niya ito mapakikinggan kung mas bumubuo ng ingay ang paparating na National quiz bee, lumalabong relasyon niya kay Dan at gumugulong pagkakaibigan nila ni Arvin?
Higit sa lahat, handa ba siyang harapin kung sino ang secret admirer niya?"
BINABASA MO ANG
My Firsts With Him (Self-Published) (COMPLETED)
Teen FictionMy Firsts with Him Book 1 Meet Colleen, ang sudden quiz bee whiz na may crush(crush nga lang ba?) kay Arvin. Enter Arvin, ang walang dudang matalino't guwapo ngunit misteryosong makakasama ni Colleen sa isang quiz bee na babago sa buhay niya. First...