“Kuya, sinong sasamang guardian sa 'yo sa graduation mo?” pagtatanong ko habang binubuksan niya ang gate ng bahay. Last day of practice na pala ng recognition at graduation ceremony ngayong araw na ito.
“Alam mo, ang lakas talaga ng tama ni NVR sa 'yo. Mas malakas ang tama niya kaysa sa ex mo,” sabi ni kuya. He’s holding the bouquet of flowers when we entered out home.
“Tatawagan ko pa si tita mamaya. Gusto mo si tita na lang din maging guardian mo sa recog?” tanong ni kuya sa akin.
“Ayos lang, kuya. Pero mas okay sa akin na ikaw ang tumayong guardian ko,” sagot ko.
“There’s no need for that, mga anak!”
Mom and Dad are standing in our Living room; both smiling widely at us.
Hindi ko napigilang mapatakbo para yakapin sila.
“Miss ko na kayo, mga anak ko!” sabi ni mommy habang yakap-yakap kami.
“I miss you, too, Ma. Hindi mo ba ico-congrats si Colleen? She won third place sa Nationals!” sabi ni kuya pagkatapos kaming yakapin ni mama.
“Alam ko, Kurt. That’s why pinilit namin ng daddy n’yong makauwi. Buti na lang your aunt has the duplicate key; kung hindi, namuti na ang mata namin kahihintay sa labas. We’re excited for your graduation, Kurt. Congrats!”
Mom smiled at us and I hugged her again.
“Ma, namiss kita,”
Mom hugged me tighter.
“Ako rin, baby. Nag-text kuya mo sa akin. Kabe-break n'yo lang daw ng boyfriend mo.”
Alam pala ni mama. Kainis naman si kuya Kurt, kahit kailan talaga!
“Colleen, don’t dwell on your heartbreak, hija. You know it’s just a part of growing up. Tsaka, don’t worry, I won’t be mad at you. Alam ko naman kasing your kuya watches over you and I don’t need to worry. Si Kurt ba, may girlfriend na?”
“Torpe, mommy. He’s in love with a beautiful tomboy girl named Sachiko,” sabi ko habang masama ang tingin ko kay kuya.
“Hoy, Colleen!” sigaw niya.
Dinilaan ko siya. Gusto kasi ni kuya na sikreto lang dapat ang love life niya.
“What about those roses?” tanong ni mama.
“Bigay ‘to ng secret admirer ni Colleen, pero hindi na secret ngayon. Kilala na niya kung sino,” sagot naman ni Kuya Kurt.
I remained silent. Mom just smiled.
“Tsaka, ma, may girlfriend na nga pala ako,” sabay-sabay kaming napatingin kay kuya.
“Sino?” tanong ko. Duh Colleen! Anong klaseng tanong ‘yun?
“Sino pa ba?”
Kuya smiled and I hugged him next
.“Congrats, kuya!!! Wuhooo! Lalaki na si kuya!” sigaw ko habang yakap-yakap siya. Kinurot niya ako, siguro dahil sinabi kong lalaki na siya. Ang sakit! Siguro, ganoon rin ako kasakit kumurot.
Sikreto lang kasi naming dati na alanganin si kuya pusong babae ba siya o ano, pero ngayon, alam kong hindi.
When I looked at dad, he congratulated me, then he hugged me.
He said his apologies and for the first time, with his arms around me … I felt safe. I felt secured. I felt that I am the most loved girl in the world, not by an ordinary boy, but a man – my dad.
“Daddy, sorry. I kept ignoring your messages,”
“No, baby. Ayos lang ‘yun. I understand. I hope you forgive me.”
BINABASA MO ANG
My Firsts With Him (Self-Published) (COMPLETED)
Teen FictionMy Firsts with Him Book 1 Meet Colleen, ang sudden quiz bee whiz na may crush(crush nga lang ba?) kay Arvin. Enter Arvin, ang walang dudang matalino't guwapo ngunit misteryosong makakasama ni Colleen sa isang quiz bee na babago sa buhay niya. First...