One month, then it's our monthsary which is February 4.
Hindi ko alam kung ano ang ireregalo ko sa kanya. Noong una, kung sino-sino ang tinatanong ko kung ano ang puwede kong iregalo kay Mr. Surprise ko. I call him "bhek", "bakla","mr. surprise" at "my loves". Ayos lang naman sa kanya ang mga tawag ko. He never fails to surprise me.
Ngayon ang pinakamatagal na hindi pa kami nagkikita. Two weeks na ang nagdaan.
"Happy Monthsary, my loves," sabi niya sa kabilang linya.
"Yuck, ang corny talaga ng my loves,"
"Eh 'di pinakamamahal kong bhek. Happy monthsary, bhek ko!"
Grabe, corny overload itong si Dante, pero kinikilig ulit ako.
"Happy monthsary sa aking Mr. Surprise-slash-pinakamalahal-kong-bhek,"
"Wow ang haba ah. Ano, sunduin kita?"
Nadale na. Ano ang sasabihin ko sa kanya? Nasa bus na ako papuntang Dasma. Hindi niya ito alam at surprise ko ito sa kanya.
"Ahhhhhhh.....ehhhhhhhh....ano..."
Ano ang puwede kong sabihin?
"Colleen?... Ano? Susunduin ba kita? Magde-date ba tayo?" tanong niya.
"Ano...'wag na! Basta 'wag mo na ako sunduin!"
"Hala! Bakit? Hindi ka ba pinayagan ng kuya mo?"
"May plano ka na ba? Wala pa tayong napag-uusapan, 'di ba?"
Eto na lang, change topic para makaiwas ako sa sunod na tanong niya.
"Wala pa nga,”
Silence.
Wala akong ibang naririnig kung hindi tibok ng puso ko at paghinga ko. Rinig kaya ni Dante ang inhale-exhale ko?
"Colleen, nasa school ka ba?"
Nadale na lalo. Ano ang sasabihin ko?
Mas gumapang ang kaba sa katawan ko mula talampakan hanggang ulo.
"Colleen, nasaan ka? Sagutin mo ako!!!"
Hala! Naninigaw na siya. Hala, paano ito? Balak ko pa naman na ma-surprise siya pagdating ko sa school nila.
"Colleen?" rinig ko ang pagdududa sa boses niya.
"Dante. Ano...ahhh...ehhh, my loves,"
Hinihintay niya talaga ang mga sasabihin ko.
"Colleen, nasa bus ka ba?"
Huli.
"Dante... Ano eh.. Oo eh. Papunta ako sa school n'yo. 'Wag kang mag-alala. Kaya ko na ang sarili ko!" sabi ko pero medyo napalakas yata boses ko dahil nagtinginan ang mga kasama kong pasahero.
"Colleen naman! Bakit ikaw pa pupunta dito?! Paano kung may mangyari sa 'yong masama?!" Kinikilig tuloy alo lalo sa sweetness niya, sweet na naninigaw. It's pretty normal him.
"Dan, my bhek, my loves. Okay lang ako. Malapit na ako. Abangan mo ako ha? Tsaka para naman makapunta ako sa inyo. Lagi na lang ikaw ang nagpupunta sa amin eh,"
Sana naman kumalma siya. God please calm down my boyfriend.
"Sige na nga. Pero mag-iingat ka ha. Uy baba ko na 'to. Nagpa-excuse lang ako para matawagan ka. Kunwari nag-cr ako. See you sooner, loves. I love you."
Binulong lang niya iyong “I love you”.
I whispered "I love you" back at medyo nabigla ako dahil binaba na nga niya. He's really in a hurry.
BINABASA MO ANG
My Firsts With Him (Self-Published) (COMPLETED)
Teen FictionMy Firsts with Him Book 1 Meet Colleen, ang sudden quiz bee whiz na may crush(crush nga lang ba?) kay Arvin. Enter Arvin, ang walang dudang matalino't guwapo ngunit misteryosong makakasama ni Colleen sa isang quiz bee na babago sa buhay niya. First...