3

432 11 11
                                    

“Arvin, first time ko ‘to sa isang inter-school quiz bee.”

Thank you, Lord!!!

Si Arvin lang naman ang kasama kong maglakad. Sa Science laboratory raw kami magre-review.

“Kaya mo ‘yan. Alam mo, n’ung bata pa ako akala ko rin hindi ko kaya.”

Ngumiti siya habang patuloy kaming naglalakad. Hawak-hawak ko ang dalawang magkaibang libro sa Chemistry na binigay ni Arvin kani-kanina lang.

“Eh iba ka naman eh. Every year mo ito ginagawa. Ako ngayon lang,” sabi kong nahihiya.

“Bakit hindi mo nga subukan? Ang galing mo kaya kahapon.”

Wuhooo! Galing ko raw kahapon oh.

Kinuha ni Arvin ang dala-dala kong libro at patuloy kaming naglakad papuntang laboratory.

“Arviiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiin!”

Naku po, si linta na naman yata ‘to.

“Arvin, bilisan n'yo nga! Para kayong naglalakad sa buwan eh. Kayo na lang kulang!”

Ay! Si Ma’am Ferer pala iyong tumatawag sa amin.

“Tara, Colleen!” sabi ni Arvin tapos bigla siyang tumakbo. Kinuha ni Arvin kamay ko.

Dug dug…Dug dug…

Dug dug…Dug dug…

Bigla siyang bumitaw noong nasa harap na kami ng pinto ng Science lab. Mula sa classroom namin na nasa dulo ng walang hanggan papuntang Science lab, ang tindi rin ng boses ni ma’am ha.

“Oh siya bilis pasok! Pasok!” utos ni Ma’am.

Kada isang table sa lab ay may tatlong magkakasama. Mga hindi ko sila kilala at nakita ko si kuya sa isang table. Ibig sabihin kasama rin siya. May tatlong representative kada level, sa level namin, si Crestell, Arvin at ako. Sabi ni Ma’am sakop daw lahat ng klase ng Science ang paglalabanan namin. Naku po, mahirap ito.

Nginitian ako ni kuya ng pang-asar niyang ngiti.Palibhasa nakita niyang kasama ko si Arvin.

Pumuwesto kami ni Arvin sa isang table na malayo sa iba.

“Ganito ang gagawin natin, magtatanong ako, parang quiz bee lang and answer the best that you can. May mga papel naman kayo ‘di ba?” tanong ni Ma’am.

Pumunta ako sa table ng kuya kong napakagaling. Sabay bumulong siya ng “Himala ata wala ‘yung girlfriend.”

Nginitian ko at sumagot ako, pabulong din ng “Minsan lang yan.”

Ngumiti ulit si kuya sa akin, at pumunit ako ng iilang papel sa yellow pad niya.

“Goodluck, Colleen.” sabi niya bago ako bumalik sa table namin ni Arvin.

Nagsimula nang magtanong si Ma’am. Bigla ko namang natanong si Arvin kung nasaan si Crestell.

“Ewan ko. May sakit yata,” sagot niya sabay simangot. Mukhang malungkot siya na wala ang girlfriend niya.

“Sabihan mo siya na alagaan niya sarili niya. Ang lungkot mo tingnan pag wala siya oh.”

Walang hiya. Bakit ko ba ito sinasabi?

“Tinext ko na nga kanina eh. Hindi naman sumasagot.”

Ako ang i-text mo sasagutin kita. Sagad-sagad pa.

“Arvin at Coleen, ano, wala kayong sagot?” tanong ni ma’am sa amin.

“Ma’am, pa-ulit nung tanong,” request ni Arvin.

My Firsts With Him (Self-Published) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon