One moment I was thinking about him and now I am with him. Dinala niya ako sa SM Dasmariñas. Ang layo ng narating namin.
Naglalakad kami ng biglang hinila niya ako palabas ng pinto, papunta sa parking
“Saan tayo pupunta?!” hindi ko maitago ang gulat sa boses ko.
“Sa parking.”
“Bakit?”
“Basta.”
May itim na sasakyan na tumigil sa harap namin. Binuksan niya ang pinto habang hawak-hawak ako. Hawak niya ang kamay ko.
“Pasok, Colleen.”
“Huh?! Ano ‘to?!”
“Sasakyan. Bilis pasok.” Sabi niya na parang naiirita. Ano ito? Kidnap?
“Bakit? Saan tayo pupunta?” tanong kong medyo inis na rin. Natatakot tuloy ako.
“Sasakay ka ba o iiwan kita dito?!”
Napapasok niya ako ng sasakyan. Ang weird niya.
“Kaninong sasakyan ‘to? Bakit…”
“Sa akin ‘to. Meet my personal driver, kuya Isko.”
“Per....so...nal?”
“Oo. Sorry Colleen kung binigla kita.”
“May personal driver ka? Sosyal!” sabi ko. Nakita ko si kuya na tiningnan ako sa rear view mirror at ngumiti sa akin.
“Oo, Colleen. Sorry kung biglaan na naman ito.”
Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanyang okay lang sa akin o ano eh. Saan naman niya ako dadalhin? Teka, baka sa isang malayong lugar tapos...Errrrrr, your thoughts Colleen!
“Wala akong gagawin sa ‘yo, kung sakaling iniisip mo,” sabi niya bigla.
Telepathic ba itong lalaking ito?
“Saan ba tayo pupunta?”
“Hindi ko rin alam eh.” sagot niya honestly. Ano ito road trip lang? Ang gulo niya ha.
“Akala ko ba settled na tayo sa SM Dasma? Bakit bigla mo akong hinila dito?”
“Basta.”
Iba ang tono ng basta niya. Nararamdaman kong ayaw niyang sagutin kaya nanahimik nalang ako.
“Gusto mo sa ibang mall nalang? Or kahit saan mo gusto...Sorry, Colleen.”
I know he is sincere. Paano kung my ears are just fooling me?
“Mayaman ka talaga ‘no?”
Mas mabilis bibig ko kaysa sa kontrol ko.
“Hmmmmm. Ewan ko.”
Ewan ko! Which means puwedeng oo, puwedeng hindi pero mukhang oo. Pahumble lang itong guwapong ito.
Hindi ko napansin na kanina pa ako nakatitig sa kanya. Singkit ang mga mata, puting Chinese, matangkad at guwapo, mabait, killer smile, sweet, full of surprises, iyan si Danteng kilala ko.
I wonder what will I know about him next. He’s a man close to me in a different way. Text ang pinaka form of communication namin at naiinis ako kasi ang layo niya sa akin.
Nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Nginitian lang niya ako.
“Ikaw ha. Tinitingnan mo na naman ako.” sabi niyang pabiro.
“Bakit ikaw din naman ahh, grabe tumingin sa akin!” ganti ko. Hindi yata ako magpapatalo!
“Bakit alam mo?” sabi niyang gulat.
BINABASA MO ANG
My Firsts With Him (Self-Published) (COMPLETED)
Teen FictionMy Firsts with Him Book 1 Meet Colleen, ang sudden quiz bee whiz na may crush(crush nga lang ba?) kay Arvin. Enter Arvin, ang walang dudang matalino't guwapo ngunit misteryosong makakasama ni Colleen sa isang quiz bee na babago sa buhay niya. First...