Nagising ako na puro puti ang nasa paligid ko at may mga poster ng parts of the body. Ang sakit-sakit ng ulo ko. Ang init ng pakiramdam ko. Nilalagnat yata ako.
“Nag-ipit ng basa ang buhok. Nagpuyat at hindi kumain. Ayan tuloy napala mo,” sabi ni school nurse sa akin. Ang galing ha? Paano niya iyon nalaman? Psychic powers?
Binigyan niya ako ng gamot, huwag ko raw iinumin kung walang laman ang tiyan ko. Sobrang nilalamig ako. Siguro dahil sa lagnat. Maya-maya’y pumasok na si Arvin.
“Hi Colleen. Ayos ka na ba? Alam mo bang bigla kang nahimatay kanina noong pabalik na tayo sa Sci lab?” bungad niya. Suot-suot niya ang dark blue jacket niya.
Ako, nahimatay?
“Si…sino nagdala sa akin dito?”
Ikaw ba, Arvin? Binuhat mo ako?
“Buti na lang nakasunod na sila kuya Kurt. Agad-agad ka naming dinala dito. Bakit ka ba nag-collapse?”
Aba, malay ko.
“Hindi raw kasi siya nagbreakfast, sabi ng kuya niya,” singit ni nurse.
Epal ito eh. Moment ko na eh!
“Ano ba ‘yan, Colleen. Dapat nagbe-breakfast ka. Alam mo bang nakakaapekto sa pag-iisip ‘yun kapag hindi ka nag-almusal.”
Hindi ko alam kung concerned siya sa akin o sa utak ko eh.
“Bakit gan’un? Feeling ko, ang lamig-lamig.” sabi ko at niyakap ang sarili ko.
Hinubad ni Arvin ‘yung jacket niya at nilagay niya sa mga balikat ko. Bakit kaya siya naka-jacket? Dahil malamig dito sa clinic? Kinikilig na naman ako!
“Magpahinga ka muna. Tuloy pa rin ang review pero, mag-isa lang ako. Pagaling ka ha para makasama ko na kayo ni Crestell mag-review bukas.”
Nginitian ako ni Arvin bago siya lumabas. Unconsciously, nahihimas-himas ko pala yung jacket na suot niya.
Hmmmm, amoy Arvin. Ay hindi! Hindi!
“Colleen! Colleen! Ang landi mo! Ang landi mo!”
Patay.
May nurse nga pala akong kasama dito. Tinitigan lang niya ako nang masama tapos bumalik na siya sa desk niya. Hay salamat,pero nakakahiya!
Humiga ako nang dahan-dahan.
“Kumain ka muna!” sigaw ng nurse sa akin. Nakagugulat at nakatatakot naman ang nurse dito. Ganoon ba talaga kapag medyo may katandaan na?
“Ma’am, wala po akong gana.”
“Sinabihan ako ng kuya mo na pag gumising ka na ibigay ko sa 'yo ito.”
Inabot niya ang isang balot ng burger. Kumakalam na rin sikmura ko. Hindi ko kasi halos nakain pagkain ko kanina. Pipilitin ko nalang kumain, nagwawala na ang alaga kong elepante sa tiyan.
Two PM na. Ganoon katagal na pala akong passed out. Pagkaubos ko ng burger ay ininom ko ‘yung gamot na inabot sa akin kanina. Nag-ipit ulit ako. Hindi ako sanay na nakalugay ang buhok ko. Nagpaalam na rin ako sa nurse. Sa wakas, makatatakas na sa boses niya matapos ang mahabang sagutan. Kaya ko naman na siguro.
“Naks. Tapos na acting?” bati ni kuya Kurt noong nakasalubong ko siya sa hallway ng elementary.
“Hindi ako umarte! Hindi ko alam na hihimatayin pala ako.” sagot ko sa kanya. Medyo tumabi kami dahil marami-raming estudyante na rin ang dumaraan.
“Bakit ba kasi sobrang late ka na natulog kagabi?” tanong ni kuya sa akin.
“Eh hindi ako makatulog eh,”
BINABASA MO ANG
My Firsts With Him (Self-Published) (COMPLETED)
Teen FictionMy Firsts with Him Book 1 Meet Colleen, ang sudden quiz bee whiz na may crush(crush nga lang ba?) kay Arvin. Enter Arvin, ang walang dudang matalino't guwapo ngunit misteryosong makakasama ni Colleen sa isang quiz bee na babago sa buhay niya. First...