5

357 9 3
                                    

“Colleen, Arvin, Crestell, Sachiko, Nicole, Eugene, Yeoj, Grace, Karol, Jannela, Jewel, Naomi, April. Pinatatawag kayo sa Principal’s office,” bungad ni Ma’am Sandra na adviser naming habang Homeroom time.

“Bakit po, ma’am?” tanong ni Karol.

“May violation daw kayo,” pabirong sagot ni Ma’am.

“Hala, lagot ka, Arvin!!! Hahahaha.” pang-aasar ni Eugene. Balita ko kasi takot magka-violation si Arvin dahil pinapangalagaan nga niya ang pagiging top one niya.

“Oh bilis, punta na kayo dun,” si Ma’am Sandra ulit.

“Now na, ma’am? As in?” tanong ni Karol.

“Ay hindi, next year. Bilis! Wag n'yo na galitin ang principal.”

Dahil pasigaw ang sabi ni Ma’am, wala pa yatang limang segundo ay nasa labas na kaming lahat.

“Arvin, bakit kaya kasama ako? Sa tingin mo, ano ‘to?” narinig kong pagtatanong ni Grace kay Arvin.

“Grace! Baka ikaw ‘yung kasama namin sa quiz bee!” sagot ni Arvin na mataas ang energy kaysa kay Grace.

Tumingin si Crestell nang masama kay Grace. Nginitian lang siya ni Grace at nagsabi ng “Hi, Crestell!”

Nasa harap ko silang lahat at naglalakad na kami papuntang Principal’s office.Nasa main building pa kasi siya at malayo iyon sa High School Department.

“Hi Colleen. Kamusta, p're,” bati ni Sachiko na katabi ko na palang maglakad. Para kaming sila Madeline dahil by twos ang pila. Si Arvin, kapartner si Colleen este si Crestell(ilusyunada na naman ako), ako at si Sachiko ang magkasama, si Yeoj at si Jewel, si Jannela at si Karol.

“Kamusta, Sachi!” bati ko sa kanya, sabay nag-apir kami.

“Ayos lang. Bakit kaya kasama ako?” tanong niya. Ang astig ng dating ni Sachi, ang ganda pa naman niya, kaso tomboy.

“Hmmm..Bakit ang dami natin? Ano kaya ang violation natin?” pagbibiro ko.

“Public display of kagandahan,” sabi ni Naomi na nangunguna pala sa pila at mag-isa.

“Weeeeeeeeeeh???” kontra nilang lahat at sumunod ang malakas na tawanan.

“Third year! Bakit ang tagal n'yo! Kayo na lang ang hinihintay! Ang ingay-ingay n'yo pa!” sigaw ni Mr. principal sa amin noong pumasok na kami sa office niya.

“Sorry po,” magalang na sagot namin.

Nagulat ako dahil nandito rin sina kuya Francis, kuya Kurt at iba pang high school students. Nakita ko rin si ate Beth na fourth year din (na kapatid ni Crestell). Dalawang fourth year ang hindi ko kilala, pati ibang estudyante hindi ko kilala bukod sa mga kaklase ko. Eto ang mahirap kapag transferee eh.

“May mga sasalihan tayong mga competition. Ang sasalihan natin ay may quiz bee, may poster-making contest at interpretative dance.”

Nanahimik ang lahat noong nagsalita na si Mr. Principal.

“Crestell, Nicole, Eugene, Yeoj, Karol, Jannela, Jewel, Naomi, April, Beth kasama kayo sa Interpretative dancers,” pagpapatuloy ni Sir.

“Sir, eh kasama po ako sa quiz bee. Paano ‘yun?” halata ang gulat sa tono ng boses ni Crestell.

“Grace will take your place sa quiz bee. Magaling ka raw sumayaw kaya I want you to join the dance team.”

Hindi na sumagot si Crestell sa sinabi ni Sir Principal. Talaga lang ha? By the way, si Grace! Siya ang kausap ni Arvin kanina! Kitang-kita ko sa mukha niya ang saya pagkatapos magsalita ni Sir.

My Firsts With Him (Self-Published) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon