19

227 4 4
                                    

Nagsimula kaming mag-review ni Arvin. Kahit reserve lang ako, kailangan kong mag-review din.

Sa ngayon, binabalikan namin ang basics. Iyan daw kasi lagi ang nakalilimutan kaya binabalikan namin ang pinaka-simpleng lesson ng Chemistry. Ang magiging review daw namin ay intense at makakasama namin ang tatlo pang taga-ibang school. Ang utos daw ng association ng mga Science teachers ng Region IV-A, mag-review na kami sa kanya-kanya naming school. At hawak ko na naman iyong encyclopedia.

“Bakit parang lumilipad ang isip mo, Colleen? May problema ba?” tanong ni Arvin sa akin.

“Si NVR kasi. Alam na niyang may boyfriend na ako. Nakokonsyensya ako.”

“Bakit naman? Wala ka namang ginawa ah?”

“Eh kasi...Nasaktan ko siya. Nasaktan ko siya kahit hindi pa kami nagkikita.”

Nagbuntong-hininga si Arvin.

“Ano ba ‘yan, Colleen! Paano ka magco-concentrate niyan? Hindi mo naman kasalanan na nasaktan mo ‘yang NVR na ‘yan. Kasalanan na niya ‘yan kasi duwag siya!”

Duwag siya.

“Duwag ba talaga siya? Kasi paano kung nirerespeto lang niya na may nanliligaw na sa akin noon? Sinabi ko naman sa kanya lahat eh. Sinabi ko na may nanliligaw na sa akin at sinabi ko na magpakita na siya sa akin pero,”

“Pero hindi naman siya nagpakita eh. Kaya hayaan mo na siya!”

Nagulat ako sa mga sinabi ni Arvin.

Duwag si NVR. Ewan ko. Bakit parang ang big deal sa akin na nasaktan si NVR? Eh kasi! Kasalanan ko kung bakit siya nasaktan!

“Arvin. Kamusta ang review mo kasama ni Sir Lons at Ma’am Sandra?” nasabi ko bigla habang binabasa niya ang isa sa mga encyclopedia.

“Ayos lang. This Saturday na laban ko, sa Manila raw yata,”

“Well, goodluck. Ay mali, God bless pala. Galingan mo ha. Kailangang manalo ka.”

I’ll try to encourage him. Mukha kasing nawawalan siya ng gana magreview sa both subjects, Math at Science.

“Sana,” His voice is full of sarcasm.

“Colleen, gusto ko nang i-give up ‘yung Science. Hindi ko sila kayang pagsabayin. Please.”

And, now he’s begging me.

“Arvin, ayaw ko. Ayaw ko! Ayaw ko nang hindi kita kasama,”

Then it went out of my mouth. Ayaw ko na wala akong kasamang hindi ko ka-school. Sa tingin ko hindi ko kaya at ayaw kong hindi ko kasama si Arvin.

Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan niya.

“Ako ang nahihirapan, Colleen,”

“Eh ‘di bitawan mo tapos bibitawan ko. Hayaan na lang natin na ‘yung isa pang reserve ang lumaban,” sabi kong matter-of-factly.

“Ayoko nga! Igi-give up mo rin? Okay ka lang?!” sabi niyang pasigaw.

“Eh Arvin! Hindi naman ako kasing galing mo! Hindi ko kaya ‘to!”

“Kaya mo ‘yan! Umabot ka nga ng regionals eh!”

“Arvin, iba ‘yun. Kasama ko kayo d’un. Eto, ako lang, tsaka mga ibang tao…”

Nanahimik siya pagkatapos kong mangatwiran.

May tumatawag na naman sa cellphone ko.

“Hello? Dante?”

My Firsts With Him (Self-Published) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon