26

209 4 1
                                    

“Colleen, saglit lang ‘to ha. Alam mo namang binabantayan ako dito,” bungad ni Dante sa tawag ko.

“Bakit na naman, Dante? Ano’ng problema?”

“Sorry, Colleen. Tinakas ko lang ulit phone ko.”

Here we go again.

“Bakit? Kasi you’re engaged and your parents want you to break up with me, right?”

I can’t help the words coming out of my mouth.

Silence.

It means yes, right?

“Colleen, sorry.”

“Ganyan ka naman eh, puro sorry. Alam mo ba ginawa ng pamilya ng fiancee mo sa school ko? Sinisira nila buong sistema ng St. Claire!”

Hindi ko makontrol ang sarili ko na sumigaw. Nakaiinis!

“Colleen. Hindi ko alam ‘yun. Huh? Ano ‘yang mga sinasabi mo?”

“Seriously? Hindi mo alam?”

“Oo nga. Ano ‘yun? Anong ginawa ni Evelyn?” tanong niya. Halata ang pagkalito sa boses niya.

Man, he’s really clueless.

Kinuwento ko sa kanya ang nangyari. Hindi ko maiwasang ilabas lahat ng galit ko, lalo na dahil sa nangyari sa principal's office.

Tsaka sa araw na ito, ginamit ng pamilya nila iyong van ng school. Wala tuloy naghatid sa akin papunta sa Laguna kaya hindi ako nakapag-review. Nagklase ako, pero nakatunganga lang ako dahil wala akong alam sa mga lesson.

“Colleen, sorry ha. Sorry kasi umabot sa ganito. I will try to fix things,” sabi niya at nagbuntong-hininga.

“Wala ka ng mababago Dante. Pero, please… Tawagan o i-text mo naman ako. Namimiss na kita,”

“I miss you too Colleen. I love you,”

Nagdalawang isip ako kung magrerespond ba ako o hindi.

“Colleen? Nandiyan ka pa ba?” 

“Oo, my loves. I’m still here. Bakit?”

“May nalaman kasi ako, may pinsan ako sa SCA na fourth year na. Sabi niya sa akin crush ka raw niya,”

Ako? Crush ng pinsan ni Dante?

“Crush ka raw niya simula noong kumanta ka sa stage na kasama mo raw si Arvin,”

“Oh?”

“Tsaka, ‘di ba sabi mo NVR ang alias ng stalker mo?”

“Oo, bakit?”

“Kilala ko siya, pinsan ko si NVR, Colleen, ” tumigil siya sa pagsasalita.

“Shit!” sigaw ni Dante. Naririnig kong sumisigaw ang nanay niya sa background.

“Colleen. I have to end this call. Nahuli ako ni mama. Sorry, Colleen. I love you. Bye,” mabilis na paalam niya.

Bye-bye na naman tuloy. Pinsan niya si NVR?

Tapos na ang maikling usapan namin. Bihirang-bihira na nga lang nangyayari, napuputol pa. Grabe, para kaming si Romeo and Juliet, patagong nag-uusap. Wala na akong maramdamang spark sa relationship namin. Nakakawalang gana na kung palaging ganito. Mabuti pa dati. Sana hindi ko nalang nalaman na engaged siya. Pakiramdam ko nagmumukha nalang akong tanga dito sa relationship namin eh. I don’t want him to end up with that curly girl

Ang dami kong naiisp, si NVR, malapit na kitang makilala. Tatanungin ko agad si Dan kapag nakapag-usap na ulit kami.

Nong tiningnan ko ang locker ko. May bagong NVR letter na at nakalagay ang famous love verse na galing sa Corinthians 13:4

My Firsts With Him (Self-Published) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon