9

295 8 2
                                    

“So, nakalimutan mong may best friend kang lalaki kasi natameme ka sa harap ni Arvin, gan’un?” pagdududa ni kuya Kurt.

Oo! Ako na ewan! Bakit ko ba kasi nakalimutan si Dan? Huli ko siyang nakita noong Envi. Sci. quiz bee, pero hindi kami nagkausap. Nagkatinginan lang kami. Simula kasi noong magka-girlfriend siya, bihirang-bihira na talaga kaming nagkakausap. Girlfriend niya ang naging mundo niya hanggang sa lumipat ako sa SCA.

Napatitig ako sa isang baso ng Slurpee sa harap ko. Hinihimas-himas ang malamig na katawan ng baso na may droplets of water. Bakit nagkaka-droplets ng water kapag malamig ang laman ng baso? Eto, kasi raw nagco-condense ang hangin sa paligid, ibig sabihin, ang hangin ay nagiging tubig dala ng malamig na temperatura. Kanina ko lang iyan natutunan sa review.

Ang daming explanation ng Science. Ang love kaya ma-e-explain ng Science? Eh ang nararamdaman ko kay Arvin? Anong theory ang puwede gamitin sa sitwasyon ko?

“Hoy, Leen, natutulala ka na naman,” sabi bigla ni kuya Kurt na sumira sa pagmumuni-muni ko.

Tumambay muna kami dito sa 7-11 na pinakamalapit sa school. Pagabi na at kauubos ko lang ng siopao na nilibre ni kuya sa akin. Si kuya ba? Ayun, nag second round sa siopao niya.

“Kuya, ang weird. Bakit ganun? In love ba ako? Para kasing ‘pag kaharap ko si Arvin, siya at siya na lang nakikita ko. Masyado ba akong halata? Halata ba na crush ko siya kuya?” hindi ko mapigilan ang mga labi ko. Dirediretso na naman yata ako magsalita.

“Leen, easy lang. You want me to be honest?” sagot ni kuya na lumunok muna bago nagsalita ulit. Dito pa kami nakaupo doon sa nakatapat sa salamin. Kita ko tuloy ang iba’t ibang SCA students na hindi pa nauwi o pauwi pa lang.

“Of course, kuya,” sabi ko sabay hinga nang malalim.

“Leen, sa tingin ko halata ka. Manhid siguro si Arvin or ayaw niyang pansinin na may gusto ka sa kanya kasi may girlfriend na siya.” sagot ni kuya Kurt. I know he’s trying his best not to hurt me.

“Eh kuya, naisip ko lang,” saglit na bumalik ang ala-ala ng best friend thingy kahapon.

“Bakit mo yayayain ang isang babae para maging best friend mo?”

Sa wakas natanong ko rin!

“Wala lang.” sagot ni kuya. Tiningnan ko lang siya. Napanganga ako. Hindi kasi iyan ang inaasahan kong sagot niya.

“Dahil ba ‘to sa niyaya ka ni Arvin na maging bestfriend niya?” tanong bigla ni kuya.

“Yeah. Badtrip. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.Kuya, what do you mean wala lang?”

“Hmmm...Kapag may close relationship ang isang girl at boy at hindi sila, automatic best friend,” pag-eexplain niya. So hanggang best friend lang ako?

“So, you mean walang possibility na mahulog ang loob nila sa isa’t isa?” tanong ko.

Hala ka, Colleen, ano’ng nangyayari sa 'yo? Pero curious lang talaga ako.

“Mayroon naman, pero kung sa sitwasyon mo,”  napatigil si kuya. Nag-isip yata.

“Dapat walang mang-friendzone. Hintayin mo lang, aamin at aamin ‘yan na may gusto ‘yan sa 'yo.”

Hintayin ko lang? Kailan pa iyon?

“Colleen, the guy should always make the first move.”

Napatigil ako sa mga sinabi ni kuya Kurt. Is he telling me na may possibility na may gusto si Arvin sa akin o friendzoned na ako? Sa akin kasi, malabo pa ang ibig sabihin ng friendzone.

My Firsts With Him (Self-Published) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon