22

225 4 0
                                    

“Guys, working committee daw tayo sa Inter-school musical show down!” pag-aannounce ni Jewel sa klase.

“Nicole, ano ‘yun?” tanong ko.

“Contest ‘yun, iba’t ibang school sa Cavite. May dancing, may singing from pre-school to high school,” sagot niya.

“Hindi. I mean, ano ‘yung working committee?”

“Ahhhh! ‘Yun ba? Magfa-facilitate tayo sa contest. Ibig sabihin, tayo ‘yung mag-aassist ng contestants, mag-aayos ng registration, etc,”

“Ahhhh. Okay,”

Binalik namin ang attensyon namin sa sinasabi ni Jewel.

“As usual, sa SM Bacoor na naman ito. Katulad ng dati ma-a-assign tayo, toka-toka ulit,” pagpapatuloy ni Jewel habang hawak ang white board marker

.“Considered quiz at exam na raw ito kaya kailangan lahat umattend. Arvin at Colleen, paano kayo? Tinatanong ni sir kung may review kayo,”

Eto na naman si sir MAPEH, kung ano-anong pinagagawa sa amin, tapos puro plus points na lang. Halos hindi na nga siya nagkaklase eh kaya magmumukhang free time ang MAPEH namin sa kanya. Napatingin ako kay Arvin. The review is basically the same, buong araw na kapiling ang mga libro at kung ano-anong reference pero mas intense ang review sessions with teachers.

By next week daw, ang review namin ay gagawin sa iba’t ibang school with well known educators. Kinakabahan padin ako. Pakiramdam ko sinasayang ko lang oras ko eh. Si Arvin naman, I know na nahihirapan because he is mastering two things at once.

“Kailan daw ba ‘yan?” pagtatanong ni Arvin na nasa kabilang side ng classroom.

“February 11, sa Friday.” Nagkatinginan ulit kami ni Arvin at siya na ang sumagot para sa amin.

“Kakausapin nalang namin ni Ma’am Kate. Papayagan naman siguro kami n’un.” tugon ni Arvin.

Nagpatuloy ang meeting. Mukhang kakainin ng meeting na ito ang oras ng Math namin. Ayos lang naman kay Ma’am Sandra, hanggang sa matanong niya si Arvin kung wala itong balak isuko ang Nationals to give way for me. Kahit ‘wag na! Ayaw ko ng pressure pero parang gusto ko rin. Ewan.

Si Dante, ewan ko rin sa kanya. Ayaw ko muna siyang kausapin. Ang sakit padin eh. Hindi ko naman inaasahang masasaktan ako ng sobra sa nakita ko. He keeps on calling and texting me his apologies. Wala akong sinasagot sa mga iyon. Hindi pa yata akong handang kausapin siya ulit.

“Arvin at Colleen, may pinapasabi nga pala si Sir MAPEH n’yo,” pati si Ma’am Sandra nahawa na rin sa Sir MAPEH na tawag namin.

“Kakanta daw kayong dalawa sa Show Down. Intermission number,”

Nagkatinginan ulit kami ni Arvin at nagulat ang buong classroom. Impulse ko ng tumingin kay Crestell na patay malesia. Anong mayroon? Hindi ba dapat tinatarayan na niya ako?

#

Maaga palang ay pinapunta na kami dito. Nagkaroon pa nga kami ng pagkakataon na dumaan doon sa dinadaanan ng mga empleyado ng SM. Nakakatakot pala sa loob ng mall kapag patay pa ang mga ilaw, at tanging mga maliliit na bintana sa taas nito ang nagbibigay liwanag. Maaga palang pero inayos na namin ang mga dapat ayusin.

“Colleen. Ganito ang gagawin mo, kapag registered na sila, pupunta sila sayo. Kuhain mo ‘yung CD tapos ilagay mo ‘yung school name at ‘yung track number nila. Ilalagay mo rin pala kung pang-ilan sila.”

“Okay. Copy,” sabi ko. Kasama ko si Karol dito sa backstage. Siya ang bahala sa registration, ako bahala sa CDs at nakaupo kami sa isang table. Taga label ako ng CDs ng mga magpe-perform.

My Firsts With Him (Self-Published) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon