27

198 3 0
                                    

Napakadaming panahon na nakakasama ko si Cyril at si Joy para sa paghahanda ng nationals. Pareho silang galing din sa isang private school. Si Cyril ay galing ng Laguna at si Joy ay kababayan ko. Taga-Cavite rin siya pero sa Silang daw siya nakatira. Noong nalaman kong lalaban talaga ako para sa Nationals, naghahanda na akong mag-isa. Nagkita-kita kami isang buwan bago ang competition. Nagkasundo kami agad, at palagi kaming nagkukuwentuhan kapag pinag-aaral na kami. Sila ang lagi kong kasama sa mga oras na pumupunta ako ng Laguna para lang mag-aral.

Sa araw na ito namin magagamit ang lahat nang pinagpaguran namin. Pare-pareho kaming natatakot at kinakabahan, pero naniniwala akong kaya namin ito. Siyempre, gusto naming manalo, pero ang pinaka goal namin ay ang masagot ang bawat tanong na ibibigay sa amin.

Ako pa ang pinaupo nila sa gitna, at ako ang may hawak ng white board at marker na sinusulatan namin ng sagot.

5…4…3…2…1… nagbibilang ang timer at sumigaw ang quiz master nang“Raise your boards!”

Pakiramdam ko ay napakabagal ng oras. Pumasok kami ng clincher round, ibig sabihin kailangan naming manalo sa round na ito. Kapag nanalo kami, third place na kami.

Limang tanong na ang naubos nila, at wala paring makasagot. Kinakabahan ako, at mas naririnig ko pa ang tibok ng puso ko kaysa sa sinasabi ng quiz master.

Concentrate, Colleen, concentrate!

Nagkatinginan kami noong narinig namin na ang tanong ay patungkol sa tides. Anong tides daw ba ang nabubuo kapag nasa gitna ng Earth at Sun ang Moon.

“Spring tide ‘yan.” sabi ko sa mga kagrupo ko. Hindi ako sigurado, pero kinakabahan ako. Pakiramdam ko ito nga. Ito nga ba? Naghahalo-halo na kasi ang laman ng utak ko sa dami ng mga binasa ko.

Nandito na ako sa isang table, kasama ko ang dalawang pinakamagaling sa Science na third year sa buong Region IV-A, at nasa isang National quiz bee ako.

“Sure ka, Colleen?” tanong ni Joy sa akin

“Of course. I am definitely sure.” sabi ko.

Naalala ko na! Pinag-awayan namin ni Arvin iyan dati. Bakit ganoon ang tanong? Hindi naman iyon pang-Chemistry ha? Pero hahayaan ko nalang. Sinulat ko ang katagang Spring Tide sa white board.

Hinitintay ko lang na mag-bell, ang hudyat para itaas na ang aming mga sagot.

10…9…8…7…6, pagbibilang ng timer.

Si Arvin.

Kamusta na kaya siya? Hindi na talaga ulit kami nagkita simula noong nag-pinky promise kami.

Erase! Erase! Erase!

Nasa competition ako, dapat matindi ang focus ko. Iba siya sa inaasahan ko. Hindi ganoon kadami ang tao pero maraming cameras ang nakapaligid. May reporters ng malalaking tv stations at madaming booth ng sponsors tulad ng energy drink, book publisher at calculators.

Calculators, naalala ko nanaman tuloy si Mr. halimaw sa Math. I hope he will do well, ngayon ang flight niya papuntang Singapore.

“Colleen, itaas mo na!!!” sigaw ni Cyril sa akin. Sabay-sabay naming tinaas ang white board namin. Kinakabahan padin ako, pero alam kong tama kami.

Nakangiti ako sa mga kagrupo ko, pinagkatiwalaan nila ang sagot ko kaya masaya ako.

“And the correct answer is Spring Tide!”

Napatalon kaming tatlo sa tuwa. That’s the last question for clincher round. I didn’t bother to look at the score board. Basta ang alam ko I survived the Nationals!

I am a Philippine National Science Quiz Bee Finalist!

I heard the emcee say about the tough competition and saying we are all winners because of our effort and dedication for this competition. After listening to their endless congratulations, that’s when they announced the winners.

“Third place, Region IV-A! Congratulations!”

Masayang-masaya kaming tatlo, at nagtatalon ang mga naging coaches namin. Maya-maya ay nilapitan na kami ng kung sino-sino para i-congratulate kami. Sumunod ang mga reporter, buti nalang nandiyan sila Joy at Cyril para saluhin ako kapag wala na akong naisasagot.

Excited na akong umuwi, excited na akong bumalik ng Cavite at sabihin sa kanila ang napakagandang balita.

My Firsts With Him (Self-Published) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon