8

317 8 10
                                    

Pinatawag kami ni Ma’am Kate. Kaming tatlo ulit. May quiz bee na naman daw.

“May problema ako,” sabi ni ma’am sa amin.

“Ano po ‘yun ma’am?” pagtatanong ni Arvin.

“Kulang kayo ng isa. Sa quiz bee na sasalihan n'yo, apat dapat kayo.” Nagkatinginan kami, ibig sabihin may madadagdag na isa pa.

“Sino kayang puwede?” tanong ni Ma’am sa amin.

“Si Andrei, ma’am,” mungkahi ni Grace.

Binigyan ni Ma’am Kate at ni Arvin si Grace ng kakaibang tingin. May something ba sa kanila ng Andrei na iyon?

“Hoy, issue kayo ha!” sigaw bigla ni Grace. Nakapabilog na upo ulit kami. The usual thing we do when there are reviews. Hinihintay lang daw namin ang ibang level.

“Sus. Grace, bestfriend?” pang-aasar ni Arvin. Kaya pala! Kaya pala lagi silang magkasama. Kasi mag-bestfriend sila! Noong una kasi akala ko lovers din sila.

“Issue ka rin? Ayos yan, Arvin.” sagot ni Grace. Mukhang hindi naman siya napipikon kahit inaasar siya.

“Naku ‘tong si Grace, kunwari pa,” biglang banat ni Ma’am Kate. Napangiti si Arvin, hudyat kasi iyon na puwede pa niyang asarin lalo si Grace.

“Hi ma’am Kate!” bati ni kuya Francis mula sa pinto. Pumasok nga ang apat na fourth year. Si kuya ko, kuya Francis, ate Angela at ate na hindi ko kilala.

“Upo na. May Quiz Bee ulit kayo,” sabi ni ma’am sa kanila.

Kumuha sila ng mga upuan tapos gumawa rin ng bilog na nakatabi sa amin.

“Saan naman, ma’am?” tanong ni kuya Kurt.

"Sa isang school sa Dasma, hindi ko pa alam kung saan exactly,” sagot ni Ma’am Kate.

Pinakuha na ni Ma’am sa amin yung mga libro sa likod ng classroom. Para kasing may mini library itong  review classroom namin at nandoon ang mga encyclopedia at kung ano-anong libro na ginagamit namin para sa review.

“Grace, sunduin mo na si Andrei. Ayieeeeeee.” sabi ni Arvin.

“Tigilan mo nga ako, Arvin! Ikaw nalang, tinatamad ako eh.” sagot ni Grace.

“Ano ba ‘yan Grace, bestfriend, tapos tinatamad sunduin. Tsk tsk tsk,” patuloy na pang-aasar ni Arvin.

“Inggit ka lang,” pambabara ni Grace. Napatahimik si Arvin nang mga sandaling iyon.

“Oo, inggit lang yan si Arvin, wala kasi ‘yang bestfriend eh. Si Eugene lang.” sabat ni kuya Francis. Grabe itong mga fourth year na ito, lakas makisingit sa usapan.

“Ayieeeeeeeee, brooooomaaaance!” singit ng dakila kong kuya Kurt. Natawa kami dahil doon.

“Bilis na, Grace, sundo na kay Andrei. Ayieeeeeeeeeeeeee.” tapos si kuya Francis na naman.

“Sino ba talaga inaasar n'yo? Si Arvin o ako?” tanong ni Grace.

“Kayo ni Andrei. Ayieeeeeeeeeee.” si kuya Francis ulit ang sumagot. Grabe ano? Ang lakas nilang mang-asar. Buti na lang! Buti na lang, hindi ako napagdiskitahan ng mga ito.

“Samahan mo nga ako, Colleen! Inaaway nila ako dito oh!” pagyayaya ni Grace na mukhang malapit nang mapikon.

“Ay pikon na. Pag pikon totoo. Andrei, ayieeeeee!” si kuya Francis na naman ulit.

“Che! Tigilan mo ako, kuya Francis!” tapos hinila ako ni Grace palabas.Pumunta nga kami ng classroom at tinawag niya si Andrei.

“Ma’am excuse po kay Andrei. Kasama po kasi siya sa quiz bee,” sabi ni Grace habang naka-silip sa pinto.

My Firsts With Him (Self-Published) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon