28

195 3 4
                                    

Nagulat ako dahil alam ni Dan na kakauwi ko lang galing ng Cebu kahapon. Matagal ko na rin kasi siyang hindi nakakausap. 

Kahapon ay nagpahinga lang kami saglit, at nang kinagabihan ay lumipad na kami pabalik ng Maynila. Masayang-masaya si kuya noong sinundo ako. Kahapon lang nangyari ang National quiz bee, at kapag naiisip ko, hindi parin ako makapaniwala.

Malapit nang magbakasyon kaya wala si kuya ngayon dito sa bahay. May gimmick daw silang magkakabarkada, susulitin na raw nila ang oras na magkakasama pa sila. Ipinagluto nalang niya ako ng almusal at tanghalian.

Noong nakita ko si Dan, gusto kong mag-celebrate pero parang pagod padin ako. Kagigising ko lang noong dumating na siya, parang kulang padin ang tulog ko. Sumasakit ang ulo ko. Dala siguro ito ng pagod.

“Dan, may problema ba?” tanong ko.

“Wala,” tipid na sagot niya.

“Meron, Dan. Alam kong, meron. Sabihin mo nalang sa akin, please,”

“Colleen,” tumitig siya sa mga mata ko. Ayaw kong nakikita ang malulungkot niyang mata. Nahahawa ako sa nararamdaman niya.

“Bakit ba, Dan? Ano’ng problema?” lumapit ako sa kanya. Gusto ko siyang yakapin. Miss na miss ko na kasi siya.

“Colleen, sorry but I’m breaking up with you.”

Tila gumuho ang buong mundo sa narinig ko. Humakbang ako palayo.

Bakit? Joke lang naman iyan ‘di ba?

Hindi masabi ng mga labi ko ang mga salita sa isip ko. Tumutulo lang ang mga luha ko, nag-uunahan pababa sa mga pisngi ko. Ayaw kong makita ni Dante ang pag-iyak ko kaya tumungo ako.

"Colleen, please, say something, tell me everything that you want to say. Alam kong galit ka sa akin ngayon,"

Something? Ano ba ang gusto kong sabihin sa kanya?

Galit sa kanya? Not only today, but maybe for the rest of my life.

After all the trouble you brought me, break? Ayos ka, Dante! I hate you!

“Seryoso ka ba?” tanong ko. Hindi ko mapigilan ang mga hikbi ko. Umiiyak na nga ako.

“Sabi na eh, hindi mo ako ipaglalaban,” dugtong ko.

Nagulat ako noong nakita ko ang mukha niya. Luha, umiiyak din siya at kitang-kita sa mukha niyang nasasaktan din siya sa mga sinasabi ko.

"Hindi mo ako kayang ipaglaban lalo na sa parents mo! At lalo na sa babae mo! Kaya you're breaking up with me, ‘di ba?!” sigaw ko sa kanya.

Ayaw kong magalit, pero ito ang una kong naramdaman. Naninikip dibdib ko sa galit, at sunod kong naramdaman ang sakit. Ang sakit-sakit na parang may tumutusok sa dibdib ko.

Tumalikod na ako, gusto kong pumunta sa kuwarto ko at umiyak nang umiyak doon. Hahakbang na sana ako palayo, pero naramdaman ko ang yakap niya bigla sa akin.

"Colleen, sorry. Mahal na mahal kita. Alam mo 'yan,"

Hinarap niya ako sa kanya. Ang pupula ng mga mata ni Dante sa pag-iyak. Ayaw ko ng ganito. Ayaw kong nakikita siyang umiiyak, lalo na ngayon na ako ang dahilan ng mga luha niya.

"I love you, Colleen,"

Nakatungo ulit ako. Ayaw kong makita ang mukha niya. Hinalikan niya ang noo ko habang hawak ang mukha ko.

I love you, pero nakikipaghiwalay!? Siraulo yata ito eh.

Sana, sinabi niyang "Joke lang, bhek! I love you. Uyyy tampo na 'yan!" pero hindi, hindi eh.

Seryoso siya sa mga sinabi niya kanina at pinanood ko na lang siyang lumabas ng pintuan. Hindi man lang siya lumingon at dirediretso lang siya.

#

Pagkamulat ko ng mga mata ko, katabi ko si Dante. Ang sakit-sakit padin ng ulo ko. Pagod nga siguro ito dala ng kahapon. Kababalik ko lang ng Cavite, tapos bigla na lang sumulpot si Dante kanina. Ngayon katabi ko siya sa kama ko. Bakit?

Gising siya at nakatitig lang sa kisame.

“Gising ka na pala. Sorry, Colleen.”

Halos bumangon siya noong napansin niya ako. Madilim na at ang lamp shade ko ang tanging nagbibigay ng liwanag dito sa kuwarto ko.

“Dante, please. Don’t break up with me.”

Naiinis ako sa boses ko dahil halata ang aking panghihina. Dahan-dahang tumulo ang luha ko noong humarap ako sa kanya. Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya, parang naiiyak na rin siya.

“Colleen, sorry. Matulog ka na. Kailangan mo ng pahinga. You passed out kanina,”

He kissed me on my forehead. Nakabalot kaming dalawa sa isang kumot at sinubukan kong yakapin siya, he hugged me back.

God, please, tell me he’s joking a while ago. We will not break up.

“Colleen, pinainom na kita ng gamot kanina. Get well soon, baby,”

He hugged me tighter. I can feel my eyes dropping. Kaya siguro I feel sleepy again.

“Colleen, sorry. I love you,”

Those are the last things that I heard before my eyes brought me to darkness.

Ayaw kong antukin, pero hindi ko mapigilan. Pakiramdam ko, ayaw ko nang gumising ulit.

My Firsts With Him (Self-Published) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon