15

234 4 2
                                    

Third place, third place kami sa regionals.

Si Arvin, Andrei at ako, puwede kaming makapasok ng Nationals. I'm just taking my hopes up. Hindi kasi sigurado kung makakapasok nga kami.

I asked NVR to give me some space. Surprisingly he did stop sending letters for a week (which is our exams week).

Kamusta na kaya siya? I'm kinda worried about him. Paano kung masaktan ko lang siya?

About kay Dante naman, madami akong nalaman tungkol sa kanya. Junior pala siya ng dad niya. May lahi siyang Chinese kaya singkit ang mga mata niya. They run several businesses at baka siya daw ang mag-manage ng mga iyon paglaki niya.

Nganga ako noong narinig ko iyon. Nasabi niya sa akin na hindi raw sila ganoong close ng parents niya kasi laging busy. Nasabi ko rin sa kanya ang sitwasyon ng pamilya ko. It’s almost a year since my parents separated. Si mommy, may trabaho sa States at si daddy, hindi ko alam. Basta pareho silang nag-aaral abroad at pinadadalhan na lang kaming dalawa ni kuya. We used to live at my aunt’s house, pero nagpilit kami ni kuya na tumira sa bahay namin this year kahit kaming dalawa lang. It took time bago namin “napilit” parents namin. We can manage naman eh.

Naguguluhan ako kasi si Dante, he’s very sweet. Kahit long distance ay napakikilig niya ako at ramdam kong sincere siya sa akin. Pakiramdam ko I left him hanging kasi hindi ko pa sinasagot kung puwede na ba siyang manligaw.

“Hoy! Colleen! Sali ka daw sa games, sabi ni Ma’am!”

Nagulat naman ako d'un. Natutulala na pala ako kanina pa. Bakit ba sa Christmas party namin ako napapaisip ng mga bagay-bagay?

“Ano’ng game?” tanong ko.

“Trip to Jerusalem daw.”

The boring game. Ehhhh, nakasasawa na kaya ‘yan.

Limang chairs ang nasa gitna ng classroom at nakapagtataka dahil napakarami ng nakatayo.

Gustong-gusto kong magback-out noong nalaman ko na sa isang monoblock chair, uupo ang lalaki at kakandong ang babae. Kasali pa si Arvin at Crestell.

Hindi naman ako natanggal sa first round, at medyo tumagal ako. Dalawang upuan na lang ang natitira at tatlong pairs na lang ang naglalaro.

“Colleen! Colleen!” paglingon ko ay nakaupo si Arvin at tinatawag ako para kumandong sa kanya.

Kakandong na sana ako, kaya lang tinulak ako bigla ng girlfriend niya at siya ang umupo sa lap ni Arvin. Nalaglag ako, nasambot ni Arvin ang braso ko, pero wala ring nangyari. Nalaglag ako sa sahig at ang sakit sa puwet!

“Out na si Colleen!” pag-aanounce ni Ma’am. Lumapit ang ibang kaklase ko sa akin para tulungan akong tumayo. Ang sakit ng puwet ko. Ikaw ba naman ang malaglag eh.

Paglingon ko kay Crestell, may laman ang mga ngiti niya at nilagay ang mga braso niya sa leeg ni Arvin. I hate her.

Arvin looks uncomfortable from Crestell’s gesture. Lagi siyang hindi komportable sa “moves” ni Crestell. Sana ako ang nasa lap niya.

Erase, erase, erase!

Mabilis ang naging takbo ng mga game. Nanalo kami ni Eugene na bestfriend ni Arvin sa paper dance. He’s so gentleman, pero inaasar-asar niya ako kay Arvin at trying hard ako para hindi mahalata. Lagi siyang nagbibiro ng “Akin si Colleen!” sa harap ng klase at natutuwa naman sila.

Pagkatapos magkainan, tsaka na kami nagbibigayan ng mga regalo.

“Noong nabunot ko ang pangalan niya, alam na alam ko na kung ano'ng ireregalo sa kanya at saktong ‘yun ang nakalagay sa wish list niya! Merry Christmas, Micah!” sabay abot ni Brian sa nabunot niya.

My Firsts With Him (Self-Published) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon