24

211 2 0
                                    

“Colleen, pinapapasok ka ni Ma’am Kate. Kailangan n'yo raw mag-usap para sa Nationals.”

sabi ni kuya pagkapasok na pagkapasok sa bahay.

“Colleen. Bakit hindi bawas ito? Hindi ka kumain?!”

Tanong ni kuya na pasigaw na. Oo, hindi ako kumain dahil wala akong gana. Matapos ng lahat ng nangyari, magkakagana pa ba ako?

“Colleen, ano ba! Kinakausap kita! Magsalita ka naman!” sigaw ni kuya mula sa kusina. Mula sa mga commercial na pawang tinititigan ko lamang sa tv screen, lumingon ako sa kanya.

Tiningnan ko lang si kuya. Concerned nga siya sa akin, nakakainis! Bakit ba hinahayaan ko ang mga taong ito na mag-alala ng sobra para sa akin.

“Colleen!”

“Dante!” napalundag ako sa tuwa noong nakita ko siya sa pinto. Niyakap ko siya ng mahigpit at niyakap din niya ako.

“Miss na miss na miss na kita,” bulong niya sa akin.

“Ako rin, Dante!” Lalo ko siyang niyakap at tumulo ulit ang mga luha ako.

“Okay ka na ba?” tanong kong hindi matago ang pag-aalala.

“Oo naman. Ikaw? Ayos lang ba ang baby ko?”

Hinalikan niya ako sa noo. Palagi niyang ginagawa ito.

Kapag si Dante ang nakayakap sa akin, iba ang pakiramdam. I feel like I am on the safest place on the earth. Tinitigan ko ang mukha niya na nakatitig din sa akin. He’s wearing a smile and I know he wants to comfort me with that smile.

Nag-iba ang mukha niya noong napalingon siya sa pinto. Tiningnan ko ang direkyon kung saan siya nakatitig.

Si Arvin.

Bumitaw si Dante sa pagkakayakap sa akin. Nagtitigan lang sila ni Arvin.

Naglakad si Dante papunta sa kanya at bigla niya itong sinuntok.

“Subukan mo ulit bastusin girlfriend ko mas malala pa diyan matitikman mo!” sigaw niya.

Natutulala lang ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.

Hindi ako makagalaw noong nakikita kong binubugbog ni Dante si Arvin. Maya-maya ay nagkakagulo na sila. Inaawat ko si Dante pero ang kulit niya.

“Dante tama na!” sigaw ako ng sigaw pero mukhang wala siyang naririnig. Napatunganga nalang din si kuya sa mga nangyayari. Nagsimula na  ring gumanti si Arvin.

“Dante, tama na sabi!!!” sinubukan ko ulit na awatin siya. Tiningnan niya ako sa mata, kitang-kita ang galit.

“Bakit ba Colleen? Binastos ka ng lalaking ‘yan! Ayos lang sayo ‘yun?!”

Galit siya, at ayaw kong salubungin ang galit niya. Naiinis ako. Bakit kailangan pa ito maging gulo?

“Hindi, pero sobra ka naman! Nasasaktan na si Arvin!”

“Nasasaktan si Arvin? Deserve niya ‘yan. Baka naman kasi gusto mo rin na hinalikan ka niya!”

Sinapak niya best friend ko tapos sasabihan niya ako ng ganoon?

Anong klaseng boyfriend ka ba?

Walang pumigil sa akin para sampalin siya.

“Ano ba’ng problema mo Dante!?”

Nag-uunahan na ang mga luha ko pababa dahil sa galit.

“Problema ko? Ikaw! Ikaw at ‘yang lalaking ‘yan! Colleen, nagseselos ako! Hindi ba halata?! Simula noong nalaman kong magkasama na naman kayo sa isang quiz bee tapos kumanta pa kayo sa stage na magka-holding hands. Ngayon naman hinalikan ka niya! Sa tingin mo matutuwa ako na nakikita kang hinahalikan nalang ng kung sinong lalaki?!”

My Firsts With Him (Self-Published) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon