13

230 4 1
                                    

Habang naglalakad kami pabalik ng classroom, nagdedebate parin silang tatlo kung sino ang dapat ang mag-quit. Gusto nilang lahat mag-quit. Ako gusto ko rin siyempre, pero ayaw ko muna magsalita. Pero, regionals din iyon! Sigurado ba silang palagpasin ang pagkakataon? Si Arvin, may quiz bee pa raw siya na Math at baka umabot daw siya ng International level. Ang bongga naman niya. Si Grace naman, hindi sinasabi rason niya. Si Andrei ayaw mag-quiz bee na wala si Grace.

Ako, tinatamad lang ako. Ang hirap kaya maghabol ng lesson kasi buong araw kami nagre-review para sa quiz bee.

Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko, vibrate ng tawag.

“Dante ano ba? Hindi ka ba nawawalan ng load?” bungad ko. Eh kasi ang kulit eh.

“Unli calls ‘to. Duh!” natawa ako ‘dun sa “duh!” niya. Weird kasi kapag lalaki nagsasabi n’un.

“Wala ka bang klase?” tanong ko.

“Vacant ko. Ikaw may klase ka ba?” tanong niya.

“Meron eh. Pabalik na kami ng classroom.” Paglingon ko sa likod ko, malayo ang tatlong kasama ko sa akin. Ang sasama ng tingin nila sa akin.

“Ahhhhh… Ano ba ‘yan! Hindi naman kita makakausap mamayang gabi. Busy ka kasi lagi sa assignment mo eh.” sabi niyang parang nanunumbat.

“Ehhh sorry na...Eh sa busy eh.”

“Babe! Dito ka babe!”

“Colleen pakiss daw si Dan! Hahahaha.”

“Si Dan binata na. Wuhooooo!”

Natatawa ako sa mga naririnig ko sa background. Naririnig ko rin si Dante na pinapatahimik ang tropa niya.

“Colleen,”

“Bakit Dante?” palapit na kami sa classroom.

“Wala lang.”

Napangiti ako sa sinabi niya.

“Alam mo bang wala lang means I miss you?” tanong kong nang-aasar.

“Miss na kita talaga eh!”

Wala akong masagot.

“Antayin mo ako sa gate ng school n’yo mamaya.”

Wait, what? Gate ng school ko?

“Dante ano? Gate ng school ko?!” napasigaw ako. Tumingin tuloy ang ibang students sa akin.

“Oo. Sige bye!”

Tapos binaba niya ang tawag.

Seryoso ba siya? Hala, ano ang gagawin ko? Eh malayo kaya ang Dasma sa Bacoor!

Sinubukan kong tawagan siya pero hindi naman niya sinasagot. Paulit-ulit din akong nag-text kung seryoso ba siya o pinagti-tripan lang niya ako.

Nagsawa rin akong i-text siya. Dismissal time na at mas maaga kami pinalabas ng last period. Pagbukas ko ng locker ko ay may isang pink envelope ulit. Galing na naman kay NVR. Nilagay ko sa loob ng bag ko. Gusto ko sana sa bahay na buksan ang letter niya. Sweet messages kadalasan ang nakalagay. Iyong isang letter niya noong isang araw ay poem about love. Siya kaya ang nagsulat n’un? Ang tiyaga naman niya pero kailangan ko siyang makilala!

Nag-vibrate na naman ang cellphone ko.

“Ate secret nasaan ka na ba? Hindi n’yo pa ba uwian?”

“Uwian na. Teka bakit mo ba ako tinatanong?”

“Nandito nga ako sa gate n’yo. Inaantay kita!” sabi niya. Seryoso ba talaga siya?

Natuwa ako sa narinig ko pero hindi ko pinahalata. Baka isipin ng mga kasama ko dito sa locker na naloloka na ako. Pero hindi nga, seryoso?

My Firsts With Him (Self-Published) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon